Special Chapter 2

226 5 0
                                    

Dedicated to: @Elladalupan

"Picture na kayong tatlo, dali! " Tita Sandra said excitedly. TJ, Kree, and I posed for a picture. Nakangiti kaming tatlo pero tensyonado. "Congrats to your graduation. We have two new engineers and a teacher! "

After naming mag-picture, nakita kong lumapit si TJ kay Janelle para magpa-picture. Tapos si Alvin, si Felix, at ilan pang hindi ko kilala.

Pasimpleng tumabi sa akin si Kree at bumulong. "Ano ka ngayon? Mamatay ka sa inggit. Sapat na siguro 'yang torture na 'yan, hindi ko na susunugin ang unit mo." Pagkatapos niya 'yung sabihin, umalis siya at lumapit kay Janelle.

Lalapit sana ako kaso hindi ko kaya. Masama ang tingin sa akin ng Mommy niya. Alam na rin ang kagaguhan 'ko.

I immediately broke up with Chelsea after I've found out what she did. She lied about Janelle. Mali nga siguro ang pagkakakilala ko sa kanya. Nagkamali ako ng sobra.

After our graduation, naging busy na rin ako dahil sa review for our board exam. Kapag halos sumuko na ako, pumupunta akong Cavite para makita si Janelle. Inaabangan ko siya tuwing hapon kapag paalis na siya sa review center. Kahit saglit na makita ko siya, ayos na.

Lulan ng kotse ko, sinusundan ko ang sasakyan niya hanggang makapasok sa subdivision nila. Kaso hindi ako papasukin ng gwardya.

"Saglit lang naman po Boss. Kilala ko naman po 'yon. Si Janelle po 'yon eh." Pakiusap ko sa gwardya.

"Hindi kasi pwede hijo. Wala ka sa listahan ng mga maaaring dumalaw sa mga Villafuente. Umalis ka na lang. "

Ilang beses akong nagpabalik-balik pero ganoon pa rin ang sitwasyon.

"Kuya, pakibigay na lang po ito oh." Tukoy ko sa paper bag na may Delight at Kitkat na hawak-hawak ko. "Sige na, Boss. Hindi na 'ko magpupumilit pumasok."

"Hijo, hindi rin 'yan tatanggapin. Ipinapatapon nga lang ang mga ipinapadala mong bulaklak eh. 'Wag ka nang magsayang ng pera. Umalis ka na lang hijo. Mukha pa namang malayo ang pinanggalingan mo." Bagsak ang balikat kong tiningnan ang hawak ko.

Ipinapatapon lang? Kung sa bagay, wala akong karapatang magreklamo. Kasalanan ko naman eh.

"Anong nangyayari dito? "

Mabilis akong tumuwid ng tayo at nagpunas ng namumuong luha. Saka ako humarap sa Mommy ni Janelle.

"Naku Madame, pasensiya na po. Pinapaalis ko naman po eh, kaso makulit," anang guard. Tumango lang ito sa kanya at humarap sa akin. Saglit tiningnan ang dala ko.

"Anong kailangan mo? " Malamig ang boses niyang tanong sa akin.

"Ah.. P-Pasensiya na po kayo sa abala.. Gusto ko lang po sanang ibigay 'to kay Janelle."

"No need hijo. May pambili kami."

"T-that's not what I mean po. Gusto ko lang po sana siyang regaluhan--"

"Napaka-generous mo pala hijo, " Sarkastikong anito. "Kaya pala pati sakit sa kalooban, ibinigay mo sa kanya. Ito na ang huling beses na makikita kita dito. Hindi mo deserve ang anak ko."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Wala akong karapatang magalit o magdamdam. Tinapik ako sa balikat ng gwardya. "Sige na hijo."

***

"Dito ako matutulog, baka hindi ka sumipot sa exam bukas, " ani TJ.

Anong tingin niya sa 'kin, loko-loko? Brokenhearted lang ako pero magte-take pa rin ako ng board exam.

May sarili naman siyang kwarto sa hotel pero pinili pa rin niyang sumiksik dito. Isang linggo ang exam namin. Sana kayanin.

"Anong balak mo pagkatapos ng exam? " tanong niya.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now