Chapter 11

226 15 4
                                    

Janelle's POV

"Ms. Villafuente, kindly give this documents to Prof. Dacara, nasa Building of Engineering siya." Utos ni Prof. Macalintal, may quiz kami ngayon sa Ecology pero pangalawa ako sa mabilis na natapos kaya ako na naman ang inuutusan.

-_-

Narinig ko ang ilang bulungan sa block namin, may halong simpatya ang mga tingin nila. Matapos kumalat ang nangyaring pag-uusap namin ni TJ, naging mas mabait ang pakikitungo nila.

Naaawa siguro sila sa paghahabol ko.

"S-Sorry po Prof. pero masakit po ang ulo ko, pwede po bang iba na lang ang utusan niyo?" Tumango naman ito at nagbaling ng tingin  kay Kate na tapos na ring magsagot.

"Ms. Fuentespina, makikisuyo na lang. Salamat." Kinuha ni Kate ang folder saka lumabas ng room. "You can go to the clinic Ms. Villafuente if you want to." Tiningnan ko muna si Kree na busy pa sa pagsasagot. Nahuli niya ang tingin ko at saka siya tumango.

"Sige po Sir, thank you." Marahan akong naglakad palabas ng room at nagderetso na papuntang clinic. Hindi talaga masakit ang ulo ko pero ayokong pumunta sa building nina TJ.

Nakakatanga, baka kung ano pang gawin ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para kausapin ng ganoon si TJ. Dulot na rin siguro ng desperasyon.

May mga bagay tayong nagagawa tapos sa huli pagsisisihan bigla.

"Magpapahinga po sana kahit isang oras lang, masakit po ang ulo ko." Sabi ko sa nurse pagkarating sa clinic.

"Sige, heto ang paracetamol. Drink this before you lye on the bed." Nagpasalamat ako at nagtungo na sa dulong kama. Itinabing ko ang kurtina bago ako nahiga at pumikit.

Maya-maya, hindi pa 'ko nakakatulog nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"She sprained her ankle."

Dug. Dug. Dug.


Napakagaling naman, kung kailan ka umiiwas saka siya mapapalapit. Hindi man sinasadya pero nakakapagdulot pa rin ng kirot sa puso.

"O-Ouch! D-Dahan-dahan okay! Kung sana hindi ka biglang sumulpot habang nagpa-practice kami, hindi sana ako nagulat. Its your fault!" Hindi ko man kita pero alam kong sina TJ at Aicka ang bagong dating.

"Sorry okay, I just wanted to visit you that's why..." ani TJ at natahimik silang pareho. "Oh isuot mo, masyadong maikli ang palda mo."

Nananakit ang ulo ko, karma ko ba sa pagsisinungaling kanina?
Nasa'n kasi 'yung nurse? Bakit hindi sinasaway 'yang mga 'yan?

"Gamutin ko muna ha, TJ. Don't worry about your girlfriend, this is not the first time that it happens to a cheerleader."

"Sige po, salamat."

Wala na akong narinig na usapan 'nung dalawa kaya tumahimik bigla. Pero bigla ring umingay matapos kong makarinig  ng mga yabag ng sapatos na nagmamadaling pumasok sa clinic.

"Ate Cyndy, where's Janelle?" Sana nilagnat na lang ako at biglang nahimatay. Kahit mamayang hapon ang gising ayos lang.

"Oh Vince, anong meron at dinadayo ng SSC officers ang clinic today?" Narinig kong sabi ng nurse kay Vince.

Bakit nandito 'yang asungot na 'yan? Tsaka sina TJ at Aicka, nandito pa. Magkunwari kaya akong natutulog? Magtalukbong ng kumot, pwede rin naman. K-Kaso...

"Ayos ka lang?" Hinawi ni Vince ang kurtina at lumapit sa 'kin.

I saw TJ glanced at me. How I wish that the pain in his eyes is real.

I sighed and looked at Vince. Hinawi niya ulit ang kurtina para matakpan kami.

"Nawala lang ako ng ilang araw nagkaganito ka na. Saan ba ang masakit, ha?" He asked thoughtfully then smiled sheepishly.

"Sumakit ang ulo ko kanina. Sinong nagsabi sa 'yo na nandito ako?"

"Si Kate. Nagpunta siya sa building namin, kakamustahin sana kita pero sabi nandito ka raw. Uminom ka na ng gamot? Bibilhan kita ng pagkain, anong gusto mo?"

Ngumiti ako ng tipid kay Vince.

Sana sa 'yo na lang ako nagkagusto. Sana hindi ko na lang siya nakilala. I'm sure hindi sasakit ang puso ko. Baka walang pagsidlan ang saya ko.

"I'm not yet hungry, matutulog lang ako saglit. Baka my klase ka pa, nakainom na rin ako ng gamot so you don't have to worry. I'm fine here." Nanatili ang titig ni Vince sa 'kin, tila pinag-aaralan ang mukha ko.

"Babantayan kita, please?" Umiling ako sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya, madalas kasi na loko-loko 'to. Medyo nakaka-ilang, idagdag pa 'yung naisip ko kanina na sana siya na lang. Nakakahiya.

>_<

"Promise okay lang ako. Bumalik ka na lang sa klase mo." Tsaka sana makahalata ka na kanina pang nakikinig sina TJ at Aicka.

"Ate Cindy pakibantayan po si Janelle, 'pag may gagong lumapit dito pakitaboy na lang." Baliw ka talaga Vince! Matapos niyang sabihin 'yon sa nurse ay bumaling siya sa 'kin. "Pagaling ka ha, mamahalin pa kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko pero lamang ang kaba, nakakahiya!

"Ako na ang bahala sa kanya. Sige na Vince nakaka-abala ka na." Pagtataboy ng nurse sa kanya. Ngumiti naman si Vince ng malapad sa 'kin bago hinawi ang kurtina at naglakad na paalis ng clinic.

***
Nauuhaw ako.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago bumangon. Sh*t! Nasa clinic nga pala ako. Agad akong napabalikwas nang magtama ang mga mata namin ni TJ.

Sa kabila ang pwesto ng girlfriend mo, hindi rito!

Nag-iwas siya ng tingin ng makitang masama ang titig ko sa kanya.

"P-Pinabantayan ka lang ni Nurse Cindy, bumangon ka na. Magsasarado na 'tong clinic. A-Ayos ka na?" Tumango lang ako sa kanya at saka siya nagbuntong-hininga.

"I can manage myself, sana tumanggi ka na lang. Baka kung ano pang sabihin ng girlfriend mo, ayoko na sa issue." Bumaba ako sa kama at inayos ang bag ko. Then I found a bottle of water and burger on my bedside table.

"Ginugutom ka pagkagising mo kaya dinalhan kita ng pagkain. Binili ko 'yan pag balik dito matapos kong ihatid si Aicka. M-May nakalimutan kasi ako dito kaya sakto." Inis akong bumaling sa kanya at alam kong halata niya 'to.

"Then thank you, 'wag mo nang uulitin." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Isinakbit ko na ang bag ko at hinawakan ng mahigpit ang strap nito.

Lumabas ako ng clinic subalit isang malutong na sampal ang sumalubong sa 'kin.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now