Chapter 12

227 15 3
                                    

Janelle's POV

"Ang kapal ng mukha mo! Akala ko ba iiwas ka na ha? Then what the heck is this?" Galit na galit na sambit ni Aicka matapos akong sampalin. I touched my right cheek, namumula na 'to panigurado.

"I have nothing to explain to you. You should save your slap for him. Wala akong kasalanan, kaya please tumabi ka." Aalis na sana ako nang marinig ko ang pangalan ko mula kay TJ. Lumabas siya ng clinic at kagaya ko, isang malutong na sampal din ang natamo niya.

"L-Liar..." Basag ang boses na sabi ni Aicka. "D*mn you TJ!"

Sana hinayaan mo muna siyang mag-explain, mas maganda sana ang scene para sa mga chismosa.

"Grabe sila 'no, sila-sila na lang ang nag-aaway. Ang bagsik naman kasi ni Janelle naturingan pa namang magti-teacher."

"Duh! Siya 'young inagawan, it's not her fault, the blame should be on Aicka kaya."

"Gusto niyo bang bumisita sa detention?" Bumilis ang tibok ng puso ko when I heard his voice. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nagkaluha. Gustong-gusto nilang makawala ngayong palapit siya. Pero hindi pwede, mamaya na lang please.

"Inutusan ko si TJ na tingnan saglit si Janelle. Wala ang best friend niya kaya si TJ ang pinaki-usapan ko Aicka. Don't blame them, it's my fault." Gulat man ay hindi ako nagpahalata pero si TJ, obvious na hindi nagustuhan ang sinabi ni Vince.

"I-I don't believe you." Matigas na sagot ni Aicka kay Vince. "Kaya naman pala you're in a hurry after you conveyed me in the car, may unfinished business ka pa rito. Nakakatawa na matapos mo siyang iwanan, nagmamadali mo ulit siyang balikan." Ani Aicka kay TJ saka kami tinalikuran.

"It's up to you Aicka whether you'll believe me or not. I just explained their sides. Theres nothing to worry." Tumigil saglit si Aicka pero nagpatuloy sa paglayo. Iika-ika siyang naglalakad saka siya inalalayan ni TJ.

"Don't touch me! Bumalik ka na sa kanya okay!" Napailing naman si TJ kaya bigla na lang niya itong binuhat na parang sa pang-kasal." I-Ibaba mo 'ko! Ano ba TJ?! Can't you see that I hate you ha? Put me down!" Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya, hindi ko pa rin kayang tingnan silang magkasama.

Masakit pa rin. Kailan kita maaalis sa sistema ko TJ? Hanggang kailan mo ba 'ko pahihirapan? Ayoko na, sobrang hirap na.

Pinalis ko ang luhang naglandas  sa pisngi ko. Saka ako humarap kay Vince.

"Tell me... 'Yung sinabi mo kanina, t-totoo ba o nagsisinungaling ka rin?"

"Pwede bang huwag tayo ditong mag-usap? Kahit sa office na lang natin, a-ayokong makita nila na umiiyak ka na naman ng dahil sa kanya." Ani Vince. Tumango ako at nanguna sa paglalakad.

Mabibigat ang bawat hakbang, hindi ko alam kung anong dapat na pag-usapan.

Dumeretso ako sa sofa pagkarating sa office. Tumabi naman sa 'kin si Vince; nag-iwan ng sapat na espasyo sa pagitan naming dalawa.

"Now tell me..." Ani ko kay Vince. I heard him sighed.

" W-Wala talagang sinabi si TJ na ganon. Nagsinungaling ako para maiiwas ka sa issue."

Kung ganon, concern pa rin sa 'kin si TJ? Pero imposible, si Aicka pa rin ang pinili niya kanina. Hindi niya man lang ako naipagtanggol sa girlfriend niya.

"Sana hindi mo na lang ginawa 'yon. Sana hindi ka nalang nakialam. Wala kang obligasyon sa 'kin Vince. Kailan mo ba mauunawaan 'yon? Kung nasasaktan ako, so be it. Parte ng pagmamahal ang masaktan. Hindi sa lahat ng oras masaya ka at nakatawa. Mararanasan nating umiyak na parang walang pagsidlan ang luha natin. I chose to forget him pero hindi ganoon kadali ang proseso. I know the consequence of my action. You don't have to meddle with it."

Umiling siya at nakita kong kumuyom ang kamay niya.

"Hindi ko kaya Janelle. 'Yung isang araw na hindi kita nakita ng nakaraang araw dahil sa practice, naiinis ako agad. Nakita pa kitang kasama si TJ. Nang malaman ko na nasa clinic ka kanina, nagmadali agad ako kasi alam kong nandito rin si TJ. Kung nasasaktan ka, nasasaktan rin ako kasi wala akong magawa." Mahabang litanya ni Vince. Tumingin siya sa 'kin, malamya ang mukha. "M-Mahal kita Janelle, sana rin maunawaan mo."

Seryoso ba talaga 'to? Baka mamaya bigla na naman siyang tumawa na parang nauulol na aso. Hinintay ko ang paghagalpak niya ng tawa pero hindi 'yon nangyari.

He held my hand instead. Ang lamig ng kamay niya.

"Let me be your rebound and help you to heal the pain he gave you." Hindi ako makatagal sa titig niya. Naguguluhan ako.

Paano si TJ? Paano kung ako pa rin pala?

"Ayoko." Ngumiti lang siya na tila pinapahiwatig na wala na akong magagawa kundi sumang-ayon sa kanya.

"Hindi mo na siya iiyakan, pinapangako ko 'yan. Ako ang iiyakan mo Janelle, pangako."

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now