Janelle's POV
"Meron pa bo sa loob Ms. Janelle? " tanong ni Kuya Ed, assistant ni mommy.
"Wala na po Kuya. Nahakot na po lahat." Tsaka ilang maleta lang naman 'yon eh. Hindi ko kinuha ang mga gamit kasi hindi ko naman 'to ibebenta. Pauupahan lang siguro kung may magkakainteres.
I looked inside my unit for the last time before I locked it. Bitbit ang isang duffel bag, lumakad na 'ko kasunod ni Kuya Ed.
Mabilis kaming nakababa. Sa van na dala ni Kuya Ed ako sasakay. Tapos yung driver ni Mommy ang bahala sa sasakyan ko.
Sasakay na sana ako sa van nang harangin ako ni Isabelle. Pinasadahan ko siya ng tingin bago magsalita.
"What do you need? " I asked, almost a whisper.
"C-Can we talk? " Tumingin ako kay Kuya Ed.
"Ako na lang po ang magmamaneho pauwi. Isabay niyo na po si Manong Luis. " Tukoy ko sa driver namin.
"Okay, ingat Ms. Janelle" I smiled and looked back to Isabelle. Naglakad siya papuntang coffee shop. Kahit hindi komportable, sumunod ako.
Nag-order siya ng dalawang americano at mocha cake.
"I-Im sorry kung naabala ka. I just really want to talk to you."
"Walang problema sa 'kin," I answered honestly.
"B-Bakit ka aalis? "
"I don't see any reasons para mag-stay dito. Babalik na 'ko sa 'min tutal doon naman ako magta-trabaho. Don't worry, hindi dahil sa 'yo. Or kahit kay Vince." I paused then continued speaking. Na parang hindi mahirap magsalita. "Now, I just really want to live with my mother. Masyado kasi akong naging busy sa pag-aaral at pagbo-boyfriend... so, I'm going back to our home. " I shrugged and thanked the waiter who brought us our order.
Tinitigan niya 'ko at huminga siya ng malalim.
"Vince and I... We had our three years relationship. Gaya ng alam mo, nag-cheat ako sa kanya. I don't have any explanations about that. It's my fault and I won't deny it." Bakit mo sinasabi 'to?"Hindi ako writer Isabelle. I don't need to hear about your love story." Umiling siya.
"When he loves someone, he truly loves her. He's too sincere, too nice, too caring.. he's just so good. He's too good for me. Kahit na nagloko na 'ko, he still wants me back. Nahihiya ako sa kanya kaya hindi ako nakipagbalikan. T-Tapos nalaman ko na may iba na siyang nililigawan. It took a while before I decided to came back."
"Kung ganoon, bakit ka pa bumalik?" I bravely asked her. Natigilan siya.
"W-Wala akong balak na makipagbalikan sa kanya. Umiiwas ako kay Vince."
"But you befriend me. I don't know why we're talking about this Isabelle."
"Because I want you to hear my side! " Nagtaas na siya ng boses.
"And what? Be friends with you again? Hindi ko kamag-anak ang GOMBURZA para magpaka-martyr Isabelle! Kaya iiwas ako kasi nasasaktan ako! Hindi maganda sa pakiramdam na palagi ko kayong nakikita. Na kinakabahan ako kasi b-baka kayo na naman ang makasakay ko sa elevator! That's insane! That's torture. Kaya iiwas na lang ako! "
"There... you said it. You want to avoid us." Umirap ako at parang gusto siyang buhusan ng kape.
"Look Isabelle, I'm giving you guys space. Okay? " Pero mukhang hindi pa siya tapos. Siya naman ang umirap.
"What if... he really loves you?" Naglolokohan na kami dito. Tumayo na ko para makaalis na.
"That's the best joke I've ever heard." Kumuha ako ng pera at iniwan ito sa table.
Nagmamadali akong lumabas ng coffee shop. Pero hindi pa siya tapos dahil nakasunod pa rin siya.
"Bitch! I'm still talking to you! " Takte! Nasaan na yung mahinhin at hindi makabasag pinggang Isabelle na kilala ko?
Humarap ako sa kanya. Namumula siya sa galit. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang dumadaan sa labas ng cafe.
"I'm asking you what if he still loves you? Anong gagawin mo?" I smirked.
Nagingilid ang luha niya."Balikan ko kaya? What do you think? " Tumingin siya sa likod ko at nanlaki ang mga mata niya.
"I'm sorry okay?! Kasalanan ko ba na ako ang mahal niya?! Bakit ka ba sa 'kin nagagalit, Janelle? I just want to talk to you peacefully. Hindi mo na 'ko kailangang sampalin o sabihan ng masasakit na salita! "
What. the. f*ck?
Nasa teleserye ba kami? Is this some kind of a prank?
"Anong pinagsasasabi mo? " Humakbang ako palapit. Umiiyak siya at binunggo ako saka lumagpas sa akin.
"I-I'm so sorry Vince. Hindi ko na dapat 'to ginawa! " Yumakap siya dito.
Hindi ako makapaniwala! Takte! Bakit hindi ka nag-artista, Isabelle?
"Shh. Stop crying, " bumaling sa 'kin ang galit na mga mata ni Vince. "Get inside your unit, Chelsea. Susunod ako. "
"Umalis na 'ko agad after niya kong sabihan ng masasakit na salita. Pero hindi pa siya nakuntento. H-Hinabol niya ko and then she slapped me. B-But I'm fine. 'Wag kang magagalit sa kanya, okay?" Tangina. Si Isabelle ang writer! Napakahusay niyang gumawa ng kwento!
"I'll fix this. Go inside your unit," si Vince ulit. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Isabelle bago umalis.
Ang sarap nilang hampasin ng duffel bag!
Wow! Just wow! Naiiyak na rin ako dahil sa frustration. Tumingin ako sa taas para pigilan ang luha ko.
"Janelle... B-Bakit mo 'yon ginawa?" Vince asked me na parang nakita niya ang nangyari.
"I thought she's an accountant, didn't know that she's an actress. A great actress, indeed." I said full of sarcasm.
"Are you saying she's lying?"
"Would you believe me if I say yes? Hindi naman diba? Nakita mo lang na umiiyak kanina, sobrang sama na ng tingin mo sa 'kin. Na akala mo nandoon ka noong nag-uusap kami. Pero anong ginawa mo? Tinanong mo agad ako kung bakit ko 'yon ginawa? Nakita mo ba? Nakita mo bang sinampal ko siya? Eh yung pagbunggo niya sa 'kin, ayos lang? Takte ka Vince! "
"H-Hindi ko nakita..."
"Because you are stupid! Niloloko ka na, hindi mo pa alam! Mahal na mahal,Vince? Tangang-tanga?" I wiped my tears. "Alam mo na itinuring ko siyang kaibigan! Alam mong hindi ako plastik na tao! Pero kung mas pinagkakatiwalaan mo siya, wala akong magagawa. At wala rin akong balak na gawin para patunayan sa 'yo na nagsasabi ako ng totoo." Iniwanan ko siyang tila iniisip ang sinabi ko. Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad papuntang parking. Takte siya!
Ilang buwan din naman kaming nagsama pero kung makapanghusga... Aish!!
Ako mananampal?! Lamok nga hindi ko mapatay! Takte siya!
Bahala siyang magpakatanga! Gago siya, gago!
Ibinato ko sa likod ng sasakyan ko ang duffel bag na dala ko.
"W-Wait Janelle! S-Saan ka pupunta?"
I slammed the back door and faced Vince.
"B-Bakit may dala kang bag? "
"Please, Vince. Ako na ang iiwas. Lubayan mo 'ko. Bumalik ka na kay Isabelle at pakinggan mo lahat ng kwentong sasabihin niya."
"Saan ka nga pupunta? " Sumakay na ko sa driver's seat. I slammed the door again and muntik pa siyang tamaan.
"You're done with me, remember?"
#