Chapter 32

196 7 0
                                    

Jannelle's POV

I sighed. Tanging buntong-hininga na lang yata ang magagawa ko ngayon. Inilibot ko ang tingin sa mga kasama ko. Tapos buntong-hininga ulit. Takte.

"Why are we here again? " Aicka asked in her usual maarte voice. I nodded to show my agreement.

Ako - Aicka - Macie - TJ - tapos
(vacant) - Alvin - Kree - Mica

"Well, tayo daw ang officer para sa graduation. May iba pang staffs from lower years pero hindi ko na pinatawag, " Mica answered.

Officers. Takte ulit.

Napag-alaman ko na si Mica ang President ng graduating officers. Hindi ko alam kung bakit may paganito.

"Sorry, I'm late!" Humahangos na hitsura ni Vince ang biglang naupo sa harap ko.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Saktong nagtama ang mga mata namin ni TJ. Nagtaas siya ng kilay sa akin, inirapan ko na lang at ibinaling sa notebook na nasa harap ko.

The most beautiful notebook I've ever seen in my life. Seriously, Janelle.

Mica is the President. Si TJ ang vice at secretary ulit ang binagsakan ko. Ung iba hindi ko na tanda. Si Vince ang treasurer. Okay, wala akong pake. Hindi ako bitter. Note sarcasm.

"Our graduation is on May 30. May date na pero wala pang venue at official photographer. 'Yung catering para sa mga officials ng school,  sana may mahanap tayong venue na kasama na ang catering para hindi na hassle. "

I started writing notes.
"Bakit hindi sa school ganapin?" Macie asked.

"Ayaw ng mga students, eh. Sa iba naman daw," si Kree. Bakit siya nandito?  Nag-volunteer lang naman. Marami daw siyang time.

"Venue at photographer lang ba ang kailangan?" TJ asked.

"Yeah. Iyan na lang daw ang ayusin natin e."

"So ganito, Vince, Janelle, TJ, and Aicka---"

"The eff Mica?!" Kree interrupted. Hindi pinansin ni Mica si Kree.

"Kayong apat ang bahala sa photographer. The rest, kami ang hahanap ng venue."

"Sorry Mica but... I object with the groupings. I want to replace Kree from your group. Don't make our break ups your sources of enjoyment. It's not freaking funny," si Aicka ulit.

"I agree with her," si Alvin naman na maniniwala na sana ako sa sinasabi kung hindi tatawa-tawa kanina.

May kumatok sa pinto ng office. Sumungaw ang ulo ni Felix.

"Uh.. I'm sorry to disturb you guys but can I excuse Janelle? " Lahat kami nakatingin sa kanya.

After niyang magsalita, lahat ng paningin nila, sa akin naman bumaling.

"K-Kausapin ko muna."

"But we're not yet finish here," si Vince na mukhang iritado.

"Sure, Janelle," Mica said. Nag-AJA sa akin si Kree.

Agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Lumabas ako ng office at nakita ang naghihintay na si Felix.

"Anong problema? "

"Pwedeng makipag-date?" I glared at him. "Joke lang! Hindi na mabiro 'to."

"Hindi tayo close."

"Yes... and you will never be." Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakahalukipkip na pigura ni Vince ang nakita namin. 

"Excuse me? " I asked.

"Balik ka na sa loob. Hindi pa tayo tapos, " Vince answered.

"Si Kree na ang bahala." Bumaling ako kay Felix. "L-Let's go," mahina kong sabi kay Felix.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now