Chapter 6

279 11 2
                                    

Dedicated to: erickamaebautista

Janelle's POV

Pagkapasa ko ng soft copy ng theses ko ay naglakad na 'ko patungong classroom.

Kung alam ko lang talaga na ganon ang magiging reaksyon niya dahil sa pagpunta ko sa kanya e di sana ini-type ko na lang ulit ang theses ko para lang magka-soft copy ako.

Bwiset akala ko si Aicka ang bubulusok ng mga salita. Hindi pala kundi ang ex kong akala mo e naghahabol ako sa kanya.

Pagkarating ko sa classroom ay si Kree agad ang hinanap ng mata ko.

Ayun, nakikipaglaro ng mini militia.

Adik talaga tong babaeng to.

"Ayan sige tira pa! O ano hahahaha bulok ka!! Kuha ng baril bilis hahaha!!! Leche magpraktis ka muna hahaha!" Malakas na sabi ni Kree kay Julius na kalaban niya.

"Madaya ka lang talaga." Natatawang sabi ni Julius kay Kree pero tinawanan lang siya nito.

"Tsk tsk pag talaga natalo its either wala sa huwisyo o sasabihin na madaya ang kalaban mo." Ani Kree at tinapik ang balikat ni Julius at saka bumaling sa 'kin.

"Agang-aga. May assignment ka na sa Ecology?" Tanong ko sa kanya pagka-upo namin sa kanya-kanyang silya.

"Yep. Kaso may kulang pang isa, pagaya na lang tapos ipapara-phrase ko para hindi halata." Sagot niya at kinuha ang pad paper niya.

Ibinigay ko naman sa kanya ang papel ko at nagsimula na siyang magbasa.

"Nakapagpasa ka na kay sir Velasquez?" ani Kree habang nagsusulat.

Tumingin ako sa kanya at nilingon niya 'ko ng hindi ako magsalita.

"Yeah, nakapag-pasa naman." Saad ko sa kanya at nagpatuloy naman siya sa pagsusulat.

"Ewan ko ba naman sa 'yo kung bakit wala kang soft copy ng theses mo. Kahit na may hard copy tayo e mas ayos pa rin kung may soft copy 'no."

"E anong magagawa ko? Umasa ako na may kami ni TJ hanggang huli pero iniwan din ako sa ere at ipinagpalit sa ibang babae." Napatingin naman siya sa 'kin dahil sa sinabi ko.

"May nangyari ba? Ex ka ni TJ at sila na ni Aicka ngayon kaya alam ko na hindi madaling lumapit sa kanya. Probably something bad happen to you this morning kaya ganyan ang asta mo." Confident niyang sabi at itinupi na ang papel niya kasama ng sa akin.

"Nagkasagutan kami ni TJ." Panimula kong sabi sa kanya. Inilapit naman niya ang silya niya sa akin para marinig nang husay ang kwento ko.

Chismosa talaga 'to.

"Nagkasagutan kayo ni TJ? E di kawawa ka naman bessywap, wala kang kakampi! Anong sinabi sayo ng bruhang si Aicka? Binato ka ba ng sili? Ipinagtanggol ka ba ni TJ ha? Dapat kasi isinama mo ko para may back-up ka, kahit taga-bugaw ng chismosa!" Dire-deretso niyang sabi na nakalimutan yatang magkatabi lang kami.

"Sa tingin mo ba magpapatalo ako? " tanong ko sa kanya at nag-shrug naman siya. "Nang dumating ako, umalis si Aicka. Tapos sabi ni TJ sa susunod daw e magtext muna ako sa kanya kung may kailangan ako para naman hindi magselos ang girlfriend niya. Lintek na buhay yan ang kapal ng mukha niya para sabihan ako ng ganoon!" Mahaba kong litanya sa kanya.

"May point ka naman diyan, pero alam mo kaibigan, sa tono ng pananalita mo e halatang hindi ka pa nakakamove-on. Bitter bessy, bitter!" Nakataas ang isang kilay niya habang sinasabi 'yon.

Inayos ko ng bahagya ang buhok ko at kumuha ng pulbo sa bag ko. Naglagay ako ng kaunti sa panyo at saka ini-apply sa mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung makapal ba ang pulbo ko.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now