Chapter 3

364 15 2
                                    

A/N:
Credits for the owner of the picture for the cover of this story:)

Chapter 3

Janelle's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng maka-usap ko si TJ. Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin. It's pretty obvious that he's avoiding me. And I don't know the reason why...

"Ms. Villafuente will you please give this to Mr. Sandoval," utos sakin ng isang faculty. Tutal ako lang ang lagi nitong inuutusan kaya naman kinuha ko na lang yung inuutos niya.

"Sige po sir."

"Nasa building siya ng Engineering... Thank you." Sabi nito at nilagpasan na ko.

Building ng engineering... Baka makikita ko si TJ.

Dumaan muna ako sa room namin para isama si Kree, at agad naman siyang sumama.

"Pupuntahan mo si TJ?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"May inutos lang si Sir Martinez... pero sana makita ko siya."

"Hindi ko siya nakikita these past few days." Taka niyang sabi at nilingon pa ko.

"Busy siguro pero hindi ko rin siya nakaka-usap. Kahit text o tawag wala. Gusto ko sanang puntahan sa kanila kaso nakakahiya naman at isa pa andami rin naman nating ginagawa."

"Baka naman may iba na." Makahulugan niyang sabi.

Tss... Batukan ko kaya to.

"Sige mang-asar ka pa." Sabi ko at inirapan siya.

"Haha just kidding ok!." Sabi niya at tumawa kahit wala namang nakakatawa.

Baliw.

"Hindi niya naman ako kayang lokohin." Kampante kong sagot.

"Hindi niya kaya pero magagawa niya? Let's see." Inis naman akong humarap sa kanya at tumigil siya paglalakad.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan niya rin ako ng kilay. Humakbang siya palapit sa akin at ginawa ko rin ang ginawa niya.

Pero hinigit niya lang ang buhok ko, at tumawa siya ng malakas.

"Don't be so praning Janelle! Ano ka ba, wag kang mag-isip masyado okay!" Sabi niya at hinigit na ko.

"K-Kasi naman ikaw e! Kung anu-anong pinagsasasabi mo kaya paanong hindi ako mag-iisip ha! Baluga ka naturingan pa namang best friend kita! " naiirita kong sumbat sa kaniya.

"Don't worry okay. Just trust him."

Nakita naman namin si Mr. Sandoval na may kausap na eatudyante. Si Aicka pala, baka naman itinatago nang bruhang 'to ang boyfriend ko.

"Ah sir excuse po, pinabibigay po ni Sir Martinez." Tinanguan lang ako ni Sir matapos iabot yung folder at muling bumaling sa kausap.

"Di man lang nagpasalamat." Bulong sakin ni Kree. Sanay naman na ko sa mga teacher dito kaya hindi na big deal sakin yun.

"TJ!!!!!!" Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Kree at nakita ko naman ang tinitignan niya. Si TJ habang naglalakad papalapit sa amin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko...

I missed him so much...

One week of not seeing him really sucks!

"Ah sir eto na po pala si TJ!" Biglang singit ni Aicka at mabilis na hinigit si TJ palapit kay Sir Martinez.

Nginitian ako ng napakatamis ni Aicka at nilagpasan kami. Si TJ naman saglit lang din akong tinignan.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now