Chapter 7

269 17 1
                                    

Dedicated to: Jiselle deguzman
Janelle's POV

Mabilis na lumipas ang oras habang nag-aannounce kami para sa darating na foundation day. Required na umattend ang lahat dahil ika-20 na taon na ng school. Magkakaroon ng isang campus night na gaganapin sa gym mismo.

Bring your date? Anong ka-echosan 'to?

"May date ka na?" Sabi ng katabi kong si Mica. Andito lahat ng officer sa ssc office, nagmemeryenda.

"Hindi naman kailangan." Sagot ko sa kaniya. Taka naman siyang tumingin sa 'kin.

"Pero mas better sana, alam mo na. Sigurado ng may kasayaw ka." Naka-ngiti niyang sabi.

"Hindi tayo makakasayaw kasi busy tayo. Kaya having a date is a nonsense thing." Sagot ko sa kanya.

Napansin ko naman na hindi umaaligid si Vince.

Naka-upo ito malayo sa 'kin habang nagbabasa.

Seryoso siya? Ano kayang meron?

"Well, you need someone para maging blooming."

"A simple glance from my crush will make my day better." Sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya.

Pero wala akong crush, heartache lang. Batukan ko na lang kaya 'to?

Alam niya namang kaka-break lang namin ni TJ tapos tatanungin ako ng ganito.

"Yeah may point ka nga naman. Pero hindi kasi sa 'kin pwede na walang date. Yayain ko na lang kaya si Vince? What do you think?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

Ba't hindi siya ang tanungin mo?

"Why not? You'll look good together." Walang gana kong sabi.

"Gosh Mica! Isn't obvious na ayaw ni Janelle? Makahalata ka naman sana." Nagkatinginan kami ni Mica dahil sa biglang pagsingit ni Aicka sa usapan naming dalawa.

Grabe naman 'tong babaeng to. Siya yata ang hindi makahalata. Sabunutan ko kaya 'to ng ilan para matauhan.

"Nope. I changed my mind. Si TJ na lang pala ang yayayain ko." Lihim akong napangiti sa sinabi ni Mica. Dali-dali siyang lumabas at sinundan naman siya ni Aicka.

Mga baliw.

Doon ko lang napansin na kaming tatlo na lang nina TJ at Vince ang naiwan sa office.

Tumingin ako sa wall clock nang mapansin kong alas kwatro na pala.

Uuwi na 'ko. Baka bumalik pa si Aicka, nakakairita.

Inayos ko ang aking gamit at isinakbit ang bag ko. Kinuha ko na rin ang payong ko kasi umuulan sa labas.

"Saglit, pasabay."

Dug. Dug. Dug.

B-bakit ganito? Kakaiba ang pintig ng puso ko. Okay pa naman 'to kanina.

Dug. Dug. Dug.

Anong nangyayari sa 'kin?

"Okay lang ba?" Dahan-dahan akong tumango kay Vince. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko kasi feeling ko mahuhulog ako?

I-Iba ang pakiramdam. At hindi ko alam kung anong dahilan.

"I didn't know that you two are close to each other." Hawak ko na ang doorknob ng biglang magsalita si TJ.

Sasabay lang close agad?

Sabay kaming tumingin ni Vince kay TJ. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung may dapat nga ba kong sabihin.

"Hindi mo naman kasi kailangang malaman." Pagkasalita ni Vince ay siya na ang nagbukas ng pinto at naunang lumabas. Tumingin muna ako kay TJ na nakatingin sa laptop niya.

"Wala kang sasabihin?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa 'kin.

Pero kita ko ang repleksiyon ko sa screen ng laptop niya.

"Salamat sa USB. Una na kami." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na rin ako.

Nakasandal si Vince sa labas ng office habang nakatungo. Pagkakita niya sa kin ay ngumiti siya ng malaki kagaya ng palagi niyang pinapakita sa 'kin.

Namiss ko 'yan.

San nanggaling yon? Kung anu-ano nang naiisip ko. Pagod lang 'to.
Tama, I'm just tired.

Binuksan ko na ang payong ko at ganoon rin siya.

Akala ko sukob kami?

"Tara na." Nakangiti pa rin siya at tumango na lang ako sa kanya. Nauuna siyang maglakad pero binabagalan niya para magkasabay kami.

Malapit na kami sa sakayan ng jeep pero tahimik pa rin siya.

Ano kayang problema nito?

Baka bumagsak sa major exam?

"Are you okay? Kanina ka pang tahimik ah." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya.

Ngumiti muna siya bago magsalita.

"I'm good." Sagot niya.

Paano ako maniniwala sayo e nag-e-english ka?

"Are you sure? Ang tahimik mo kasi, h-hindi ako sanay. Yun, gusto ko lang itanong. Pero hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo." Tumigil siya sa harap ko at biglang naglabas ng tissue. Umupo siya ng kaunti at pinunasan ang nabasa kong sapatos.

Nakangiti siyang tumingala sa 'kin.

"Tumayo ka na. Umuulan kaya natural lang na mabasa yan. Dali nakakahiya, pinagtitinginan tayo oh." Tumayo na siya at saka pumara ng jeep.

"Sakay na. May dadaanan pa 'ko kaya hindi ako sasabay sa 'yo." Bigla niyang sabi.

"Galit ka?" Umiling lang siya at sumenyas ng saglit sa driver. Tinutulak niya ko ng bahagya para maglakad na.

"Tumahimik lang ako ng kaunti, ayoko kasing mairita ka. Baka layuan mo ko at iwasan na ng todo. Ayokong magalit ka..." Napatitig ako sa mga mata niya. Malungkot, tila nangungusap.

"Ano ba, sasakay o hanggang bukas pa kayo diyan?" Malakas na sigaw ng driver kaya sumakay na ko ng jeep. Tinanaw ko si Vince pero nakatalikod na siya at naglalakad palayo.

Ipinikit ko saglit ang mga mata ko, napakaraming nangyari ngayong araw. Una, yung panunumbat sa 'kin ni TJ. Pangalawa, ang pagtitiis ko na kasama si TJ at Aicka habang nagroronda tapos itong mga pasaring ni Vince. Mahirap paniwalaan, napakahirap. Lalo na at magpinsan sila, iisa ang dugong pinagmulan. Hindi kaagad-agad dapat magtiwala, mahirap na ayokong ma-immune sa sakit.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now