Chapter 40

295 7 3
                                    


Hi folks!  This chapter is dedicated to @Mikmik1827 and @BabyYanie_05 Kamsaaa😊💕  Thanks for reading! :)
-abbieebookera

Janelle's POV

"Sa'yo na lang ulit ako... "

I closed my eyes as I remember his words. Sa halip na gumawa ng lesson plan, halos buong araw akong nakatunganga sa kisame ng kwarto ko kahapon. Iniisip kung totoo ba talaga 'yung nangyari noong isang gabi. Umalis si Nicholas at si Vince... na nakikipagbalikan.

I didn't know what to do. I want to talk to Kree pero nahihiya ako. I thought I moved on from Vince. Bakit siya na naman ang iniisip ko? Ganon ba talaga ako karupok?

Bakit kapag nakikipagbalikan ang ex, sobra silang manggulo sa isip natin?

Instead of being idle today , niyaya ko si Mommy na magsimba. After ng misa, kumain kami sa restaurant. Unfortunately, I went home alone dahil may pupuntahan pa daw siya. Nag-commute na lang ako pauwi dahil sumabay lang ako sa sasakyan niya.

Saktong tumitigil ang tricycle sa tapat ng gate namin nang mapansin ko si Teacher Jessie.

Nagbayad muna ako sa driver bago bumaba. "Salamat po Manong."

"Ms. Janelle! Buti nandito ka na," Teacher Jessie said.

"Why? May problema ba?" Nilingon ko ang dorm na hindi kalayuan sa bahay namin. Bukod kay Vince, may ilang teacher pa rin ang nag-avail ng pabahay.

"Si Sir Vince po kasi, buong araw na hindi lumabas kahapon. Tapos kinakatok ko po kaninang umaga pero hindi siya sumasagot..."

"At kailan ka pa niya naging bantay?"

"P-Po? "

"I mean... Uh... Let's go." Nagtungo na kami papuntang dorm. It is painted with grey, white, and black colors. Sampung kwarto ito na nahahati sa dalawang palapag. Sa taas ang mga lalaki at sa baba naman ang mga babae. Para 'tong apartment dahil kumpleto sa gamit.

"May pupuntahan ka pa ba?"

"Ihahatid ko po kayo sa tapat ng kwarto niya." Si Vince lang ang lalaking teacher na nag-avail ng pabahay.

"Sige. " Sinamahan niya ko hanggang sa makarating kami sa unang kwarto sa taas.

"I'll check on him." I waited until Teacher Jessie left before I knock.

Nakailang katok na 'ko pero hindi niya binubuksan. "Vince? It's me. Nasa loob ka ba?"

I heard consecutive coughs. Maya-maya pa, namumutlang mukha ni Vince ang sumalubong sa akin. Nakabalot rin siya ng kumot.

"C-Come on in," he said and coughed again.

"Are you sick? "

"Hindi. A-Acting lang 'to." Sabi niya bago nahiga ulit sa kama niya. I rolled my eyes and looked in his set up. Maayos naman ang silid niya pero mukhang maliit kasi matangkad siya.

"Isang buwan ka pa lang sa trabaho pero may sakit ka na agad? Bawal magkasakit ang teacher Vince." He didn't answer and coughed again.

I noticed some cups of instant noodles. Nilapitan ko rin ang mini ref niya pero puro delight ang nakita ko. Inilibot ko ang tingin sa maliit na parte ng silid niya at nakita ang bigasan na walang laman.

"Wala kang bigas? Seriously Vince? "

"Tsk. " Nilapitan ko siya at hinawakan siya sa noo. Nilalagnat.

"May gamot ka ba dito? "

"Meron.. "

"Babalik ako mamaya. Wait for me--"

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now