Chapter 4

297 14 1
                                    


Dedicated to: rosemaedeguzman

Janelle's POV

"Hindi ka pa rin ba papasok  Janelle? Last year na natin 'to kaya  magtino ka."  bungad agad sakin ni Kree ng sagutin ko ang tawag niya.

Paano ako papasok eh di makikita ko silang dalawa?

"Good morning din." Malamya kong sagot sa kanya at nagtalukbong ulit ng kumot.

"May nangyari ba ha at nagkakaganyan ka? Wala ka namang ibinabagsak na exam bukod sa math... Hindi ka rin naman nawawalan ng baon kase pinapa-aral ka naman. I don't have any idea what's going on. What happened to you?" Nag-aalala niyang tanong. Rinig ko naman  mula sa kabilang linya ang pagluluto niya.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kay Kree ang pang-iiwan ni TJ.

Best friend ko siya at dapat alam  niya ang tungkol dito.

"I'm not feeling well lang talaga. Don't worry I'll attend the class tomorrow."

Narinig ko naman ang buntong-hininga nito sa kabilang linya.

"Sige I'll hang up na. See you tomorrow."

Two days pa lang naman akong absent, kung makapagreklamo siya wagas.

*****

~just give me a reason
just a little bit is enough
just a second where~~~

"Oh?" Kailangan ba talagang ganito kaagang tumawag?

"Janelle..." Napapikit ako nang marinig ang boses na yon.

'Yung boses ng taong nagpasaya sakin sa loob ng tatlong taon...

'Yung boses ng taong nanakit sakin...

Boses ng taong akala ko ay para sa :kin.

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at nakita ang pangalan ni TJ.

Akala ko si Kree na naman,  bwiset.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong sabi sa kanya. Ang kapal naman ng mukha nitong tumawag.

Anong akala niya friend kami? Matapos niya 'kong ipagpalit sa isang hitad!!

"Your mom called. She's asking me kung kamusta ka na." Sabi niya matapos ang isang bintong-hininga.

Tss. Di sana hindi mo na lang sinagot.

"Ganon ba... Sorry sa abala ha, naistorbo ka pa pala ng mommy ko. Don't worry ise-send ko sa kanya ang number ko, akala siguro ikaw ang anak at hindi ako." Mapakla kong sabi sa kanya.

"I told her that your fine so d-don't worry." Mula sa kabilang linya at bakas ang kabadong boses niya.

"Look TJ you don't have to do that. Don't answer her calls since we're over. You don't have to connect with her. Sorry ulit kung naabala ka pa, hindi ko pa kasi nasasabi na wala na tayo. Pasensya na lang ulit." Sabi ko at pinatay na ang linya.

Grabe ang kapal ng mukha para tumawag!

Bwiset kang lalaki ka!!!!! Mabunggo ka sana! Malasin ka sana! Mabaog ka sanang lintik ka! Hinding-hindi kayo magkaka-anak ni Aicka isinusumpa ko!!!

Pero makalipas ang ilang minuto  ay napa-pout na lang ako.

Sorry po Lord. Ang aga-aga nagkakasala ako.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now