Chapter 14

225 11 1
                                    

Janelle's POV

"Hindi ka pa rin tapos?" Sumandal ako sa sofa bago bumaling kay Kree.

"Konti na lang. Tinitingnan ko kung may mali para ayos na kapag ipinasa ko sa group chat." Sagot ko at muling bumaling sa laptop.

Andito kami ni Kree sa unit ko, siya habang nang-aabala dahil gustong gumala samantalang ako, buong weekend dito ko na ginugol sa invitation.

"Hindi ka pa pumasok kanina, buti na lang walang dumating na professor." Aniya at nagkutkot na sa cellphone niya.

"Tinatamad akong pumasok bessy." Sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Dahil pa rin kay TJ? Alam mo Janelle, base sa kinuwento mo about your 'intense' convo with him, I think that is what you are waiting for. Para sa isang sagradong closure then move on! Let go of your bitterness and face the reality. Wala na kayo so tama na ang mahigit isang buwan na pagrerebelde." Bumuntong-hininga ako at isi-nave ang invitation. Isinend ko na muna sa GC  then shut down my laptop.

"I know Kree pero hindi ako pumasok kanina dahil nga kutob kong walang klase. Isa pa tinapos ko kasi itong invitation at saka kung makapagpayo ka e parang hindi ka NBSB e 'no? May experience 'te?"

"Coach don't play darling." Sagot niya. "Magbihis ka na, let's go shopping."

***

"Best friend kita diba? Wala akong maalalang atraso ko sa 'yo para imbitahin mo si Vince sa gala natin." Umakbay lang sa 'kin si Kree at saka yumakap nang mahigpit.

"Janeeeeeeelle." Nanggigigil na sabi ni Kree at saka bumitaw sa pagkakayakap niya. Saka siya bumaling kay Vince na ngiting-ngiti sa harap namin. "Ikaw na ang bahala sa best friend ko ha Vince. Ingatan mo 'to tsaka mahain mo na rin. Hahahahaha."

"Baliw," sabi ko.

"Yeah. I'll take care of her. Don't worry." Ani Vince at lumipat sa tabi ko.

"Aalis na 'ko. Bye sissy, Vince bye." Tinanaw ko si Kree hanggang sa makalayo siya. Iniwan niya kami sa may entrance ng mall.

"Anong gusto mong gawin?" Tanong ni Vince at naglakad na kami papasok ng mall.

"May bibilhin akong book. Samahan mo 'ko sa National Book Store." Ngumiti lang siya.

Wala na ba 'tong alam kundi ngumiti? Parang nanahimik yata siya bigla.

Nagpunta ako sa section ng mga wattpad. Napangiti ako nang makita ang mga libro ni Maxinejiji.

"Bibilhin mo lahat 'yan? Ang dami masyado El-El."

El-El? What the f?

"Ayos ka lang? Nagdedeliryo ka na naman yata Vince. Kung ano-anong pinagsasasabi mo." Kumuha ako ng mga libro, last season na lang ang kulang ko.

"Cute naman ang El-El ah." Sabi nito at sumunod na sa 'kin papuntang counter.

"Ambaho Vince." Sagot ko sa kanya at ipinatong sa counter ang mga libro. Ngumiti naman ang cashier -- kay Vince.

Umirap ako nang palihim.

"Ako ang magbabayad ng books. Just let me call you with that name." Matik na nilingon ko siya. Ang mahal kaya ng mga librong 'to.

"Magkano po Miss?" Nakangiting tanong ni Vince.

"1325.00 po Sir." Nakangiting sagot ng cashier.

Naiirita ako sa ngiti niya. Ibalik ko na kaya yung mga libro? Psh.

"I received 1500.00. Here's your change sir, 175.00. Thank you sir, please come again."

Kinuha ni Vince ang sukli pati na rin ang supot. Nakakunot ang noo ko nang lumabas kami ng National Book Store.

Ako lang ba o sadyang may halong landi yung pagkakasabi nung cashier?

"Galit ka naman El-El?" Tanong ni Vince. "Gutom lang 'yan, tara kakain."

***
"Tell me, hindi ka pa nagkaka-girlfriend 'no? Hindi sa lahat nang date kapag may karelasyon ka e ikaw ang gagastos. Just like these foods, dapat ako ang nagbayad since nilibre mo 'ko ng books. Isa pa, sana alam mo kapag nagseselos ang girlfriend mo, kita mo na ngang ang sama ng tingin ko sa cashier pero tuloy ka pa rin sa pagngiti--"

Loading...

5%

10%

50%

95%

Shit.

Anong sinabi ko?!

"Yeah. I'm sorry El-El. It's our first 'date' as boyfriend-girlfriend kaya dapat ako ang magbabayad. The books that I paid is my gift for you since you're my 'girlfriend' at ah... nagkaroon ako ng past relationship pero matagal na rin. H-Hindi ko na maalala." Inis akong kumagat sa burger ko. Pinuno ko ang bibig ko ng pagkain para hindi na 'ko makaimik ng kung ano-ano.

Girlfriend? Date? Sa 'kin pa nanggaling?! Takte, tataas na naman ang self-confidence ng taong 'to.

Ganado siyang kumain at saka ngumiti na naman.

Mapunit sana ang mukha mo!

"Nakita ko yung lay out ng invitation. Maganda, i-print na natin bukas sa school." Aniya at saka uminom ng softdrinks.

"M-May suggestion yung iba?" Alinlangan kong tanong.

Tumingin muna siya sa pagkain ko bago nagsalita. Paubos na yung akin, siya hindi pa.

Mabagal kumain.

"Wala naman. All of them liked your lay out." Mabuti naman. Natatakot akong mapulaan.

"Ah. About sa boyfriend-girlfriend thingy na nabanggit ko kanina.. a-ano parang masyadong mabilis? 'Di ba Vince, 'di ba?" Pinasingkit niya ang mata niya tapos sumubo ng fries.

Mabilis niyang nilunok ang pagkain at saka nagsalita. "Ayos lang sa 'kin. Tsaka sa 'yo naman nagmula kaya okay lang ulit sa 'kin. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pipilitin na magustuhan mo 'ko. Ang sa akin lang, habang nasa gitna ka pa ng sakit na nararamdaman mo, I'll stay with you. Pero sana 'wag mo kong pagbawalan na maging concern sa 'yo at iparamdam na mahal kita." Napainom ako ng juice dahil sa sinabi niya.

Woooh. P-Parang ang init yata. Dapat nilalakasan nila ang aircon.

"Y-Yeah. Sorry sa mga nasabi ko dati. Yung mga kadramahan ko, pasensya na."

"I am not a man of few words pero wala akong masabi. Nahihiya ako sayo Janelle." Ngumiti siya at saka hinawakan ang batok niya.

Takte. Ba't yata ako ang namumula?

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now