Chapter 2

479 15 2
                                    


Chapter 2

Janelle's POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit nagsinungaling si TJ. Kung hindi ko pa nakausap si Steve ay hindi ko malalaman na wala talagang project na gagawin.

Sigh.

Ayoko ng ganito. Yung hindi ko siya naiintindihan at parang anlabo na naming dalawa. Mahigit tatlong taon na kami pero ba't simula nang lumitaw 'yung bruhang si Aicka, parang wala na lang ako sa kanya...

~~~~just give me a reason
just a little bit is enough
just a second...

"Hon..."

"Sorry I wasn't able to call you last night... Busy talaga sa project," pumikit ako ng mariin dahil gusto ko siyang sampalin.

"Pagod na pagod ka ba? Gusto mong tulungan ko na kayo ni Aicka baka kasi mahirap yang ginagawa niyo." Hindi ko maiwasan ang pagiging sarkastiko habang kausap siya sa cellphone.

"A-Ano bang sinasabi mo? Look hon, I'm sorry kung hindi kita natawagan kagabi okay, I hope you understand that I am tired."

Bakit kasi hindi ka na lang umamin? Nakakagago TJ!

"You're tired of what? Of the 'imaginary project' or..... us?" Narinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong-hininga niya.

"Saka na lang tayo mag-usap... Kapag hindi na mainit ang ulo mo."

"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ako nagkakaganito ha TJ!! Ano bang project yang ginagawa n'yong yan at kating-kati kang ibaba tong telepono?!"

"Diba sinabi ko na sayo kahapon, akala ko ba naintindihan mo!" Sagot niya habang pilit na pinapahinahon ang boses.

"Sorry ha TJ nalaman ko lang naman kasi sa kaibigan mo na wala naman talagang project! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan 'yang sinasabi mo!"

"Im tired... Sorry..." Toot...toot...

Shit!

Nagmadali akong pumunta kung saan naka-park ang kotse ko. Binilisan ko ang lakad ko bago pa tumulo ang luha ko...

Bakit kasi nagkakaganito?

Mabilis kong kinuha ang susi sa kabila ng pangangatal ng kamay ko at unti-unting pagtulo ng aking luha.

"ARRRGGGGHH!!!!" Napasabunot na lang ako at hinampas ang manibela...

Hindi ko siya maintindihan. Nasasaktan ako sa ganito. Ako yung girlfriend niya pero iba ang kasama niya.

Bakit bigla na lang naging malamig ang pakikitungo niya sakin?

Bakit kasi hindi niya pa ko deretsuhin?

Pero hindi ko kaya... Kung sakali mang t-tama ang hinala ko...

"Iniisip mo na ba kung paano papatayin si Aicka?"

Ay leche!

Nagulat na lang ako kung paano siya nakapunta sa likod ng sasakyan ko at prenteng naka-upo.

"Oo planado na at ikaw ang isusunod ko!" Naiinis kong sagot sa kanya at saka iritableng nagpunas ng luha.

"Amazonang demonyita!" nang-aasar niyang sagot habang naka-ngisi.

"Impakto ka talaga!!"

"Gwapo ako hindi impakto!" Nakangiti niyang sagot at naiimbyerna ako sa pagmumuka niya.

"Ha.ha.ha. Asa ka pa!"

"Baka ikaw... pina-aasa!" Naka-smirk niyang sabi at sinamaan ko siya ng tingin sa rear mirror na kita kong nagpipigil ng tawa.

"Aish!!! Ano bang ginagawa mo d'yan ha Vince? Kahit ngayon lang patahimikin mo 'ko! Kelangan kong mag-isip... Please..." At muling tumulo ang luha na kanina pang dumadaloy sa mga pisngi ko.

"Dinadamayan lang naman kita sa pagiging brokenhearted mo kasi ganoon din ako."

"I dont care and I don't need you here. I just want to be alone..."

"Psh. Alam mo ba na karamihan sa mga namamatay ay yung mga kagaya mo?" Tanong niya. I just rolled my eyes on him.

"Tigilan mo ko and please bumaba ka na. Tigilan mo ko sa mga kalokohan mo."

"Ikaw na nga yung sinasamahan, ikaw pa yung mareklamo. Napakaraming babae ang nangangarap na makasama ako tapos ikaw itinataboy mo lang ako. Anong klaseng babae ka! Dapat nga nagpapasalamat ka kasi nandito ako sa likod mo kasi baka hinimatay ka na kung nasa tabi mo ko!" Nakakunot noo niyang sabi.

"Kalalaki mong tao napakadaldal mo! Nananakit ang ulo ko sayo!"

"Nananakit ang puso ko dahil sayo..."

"Eh?"

"Joke lang! Tara kakain." Sabi niya at bumaba na ng kotse ko. Binuksan niya ang driver seat at hinigit ang kamay ko tapos kinuha niya ang susi at nilagay sa bulsa niya. Hinigit niya ulit ako para makalabas ng sasakyan at ni-lock ang kotse.

Kinuha niya ulit ang kamay ko tapos nag-umpisa na kaming maglakad.

"Bakit hindi pa tayo sumakay?" Tanong ko sa kanya na hawak pa rin ang kamay ko.

"Kasi hindi kasya sa eskinita yang kotse mo." Tumahimik na lang ako habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Ng makalabas kami sa parking area hinigit ko yung kamay ko sa kanya at binitawan niya din naman 'yun.

Mahirap na baka kasi may makakita at lagyan ng kung anong malisya.

Nauuna siyang maglakad at nakasunod ako sa kanya. Dumaan kami sa isang eskinita tapos lumabas kami sa isang lugar kung saan maraming nagtitinda ng street foods.

"Saglit lang ha dito ka muna." Sabi ni Vince at nagpunta sa isa sa mga stall.

Pagbalik niya may dala-dala na siyang pagkain na mukha namang sunog.

"Anong gagawin ko diyan?" Pero umirap lang siya. Ang lantik pala ng pilik niya.

"Titigan mo para mabusog ka." Naiirita niyang sagot. Nagpout na lang ako at kinuha ung plastic na baso na may lamang samalamig at mabilis na ininom yun.

"Tss. Unahin mo yung isaw." Sabi ni Vince at binigyan niya ko ng isang tuhog at kinuha ko naman yun.

"Pero sunog 'to eh."

"Hindi mo naman yan ikamamatay." Sabi niya at nag-umpisa na ring kumain. Nagpalinga-linga siya at ng may makitang upuan ay niyaya niya ko doon.

"Alam mo ba na bihira lang akong kumain ng ganito, madalas kasi na si TJ ang bumibili ng pagkain ko tapos dadalhin pa niya sa room p-pero..." Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa isiping iyon.

"Pero noon 'yon at hindi na ngayon."

"Ang bilis ng pangyayari e, alam mo :yung nanlamig agad siya sa 'kin. Ayos pa naman kami sa pagkakatanda ko. B- Bigla lang siyang nagbago."

Panandaliang pananahimik ang namutawi sa aming dalawa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at ganoon din naman siya.

Mahigit sampung minuto rin bago niya naisipang magsalita.

"Ganyan talaga, wala namang permanente sa mundo bukod sa pagbabago at sa tubal."

Pati tubal napasama... Baliw...

Pero salamat sa kanya dahil kahit papaano naibsan yung sakit na nararamdaman ko.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now