Chapter 30

184 4 0
                                    

Janelle's POV

I have never been this excited para sa lakad namin ni Vince. Kahit sa mall lang kami pupunta, okay lang! At hindi 'yan sarcastic, its just that my practice teaching is so toxic! Parang ayoko nang maging teacher! Ang hirap-hirap!

Gusto kong mag-unwind. Gusto kong magwalwal. Gusto kong makalanghap ng iba bukod sa amoy ng classroom at mga estudyante!

I want to be comfortable so I chose to wear a simple dress and made my hair into a bun. Pinaresan ko ng doll shoes at dinala na rin ang sling bag na tanging pulbo, handkerchief, wallet,  at cellphone ang laman.

Vince said susunduin niya na lang daw ako sa lobby. I'm waiting for him for almost ten minutes pa lang naman.

I looked at the entrance door pero ang nagmamadaling pigura ni Isabelle ang nakita ko. Speaking of Isabelle, hulog talaga siya ng langit kasi naging instant katulong ko siya sa paggugupit. She also promised me na tutulungan niya rin daw ako sa preparation for my final demo.

"Hi Isabelle! " I said waving at her.

"J-Janelle! " she looked at me na parang gulat na gulat. Ako lang 'to, ano ba?

"Paakyat ka na? " she said yes at  muling lumingon sa entrance door.
"Waiting for someone? " she immediately shook her head.

"Naku w-wala! Mukhang may lakad ka? Date, perhaps? "

"Ahmm. Para pahinga din bago ang final demo. You want pasalubong? " Nakita ko na sa may entrance si Vince.

"No need Janelle. Sige... uh aakyat na 'ko. Enjoy! " she turned her back on me at halos tumakbo pa-elevator.

Sinundan ko siya ng tingin. Infairness naman talaga, bagay sa kanya ang puting dress. Naka-pony siya ngayon. She's really pretty.

May topak siguro ex niya pero bakit nga naman siya nag-cheat? Nobody is perfect talaga. Buti na lang maganda lang ako.

"Ay manloloko! " Sigaw ko nang biglang may sumundot sa tagiliran ko.

"Tss. B-Bakit naman manloloko?" Nauutal na tanong ni Vince. I laughed. I held his hand at hinila na siya palabas ng building. Excited na talaga 'ko!

"Wala lang. Nakwento  kasi ni Isabelle yung lovelife niya. Alam mo ba yung tungkol doon?" Kung kanina nauutal siya,  ngayon naman biglang nanlamig ang kamay niya.

"N-No."

"Ayos ka lang ba? " He nodded.

"Mukha kang natatae, Vince. " Nakarating na kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at ipinatong ang kamay sa ulo ko habang pumapasok ako sa car niya.

I pouted, he's so thoughtful talaga. Baka mas lalo akong ma-fall nito. My gahd Cassiiy! He's wearing a  simple mustard yellow shirt paired with a khaki shorts and rubber shoes. He even used a ball cap. I sighed. Bakit naging gwapo siya? Tsaka anong pauso niya, bakit may pasaklob?

"Vince... "

"Uhmm." He asked without looking at me. He started to maneuver the car na rin.

I paused for a while then I smirked.
"Pa-kiss nga--ouch!! " Bigla siyang nagpreno!

He looked at me na parang hindi makapaniwala. Nang may bumusina sa likod, pinaandar na niya ulit ang sasakyan.

"Grabe ka Vince, kiss lang tapos hindi mo ko mapagbigyan? "

"What the hell is happening to you?! " He asked. Namumula ang tenga niya.  When he looked at me, I intentionally licked my lower lip. Umiwas siya ng tingin, hantaran ko namang tinitigan ang paglunok niya. Pinipigilan kong matawa sa reaksiyon niya.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now