Chapter 34

218 6 0
                                    

Janelle's POV

"Wow! Ang galing bessy! Palagi kang may alibi kapag birthday ko.  Three years ka nang hindi uma-attend, ah. Napakahusay! " Madramang wika ni Kree.

Birthday niya na sa Sabado at gaya nga ng ilang taong nakalipas, wala akong balak um-attend sa celebration.

"Why don't we celebrate it like usual? " I asked her. Yung tipong magme-meet kami and then gagalang magkasama. Ganon na lang ulit.

"Nope! Kapag hindi ka pumunta... mawawalan ka ng kaibigang ubod ng ganda! F.O. tayo! Bye! " She hung up the call.

I pouted. Mukhang nagalit nga siya. Should I go? But I don't like to go to their place any more.

"Humahaba ang nguso mo. Should I give you a kiss? " Bumaling ako kay Nicholas.

"Whatever Nico. Magbasa ka na lang ng reports diyan. " Kasalukuyan kaming nasa office at nagtatrabaho, well kung trabaho nga ba ang ginagawa namin ngayon.

"I told you not to call me Nico. It should be Nicholas."

"Ang haba kaya."

"That's part of my body, though. "
Hinampas ko siya ng librong hawak 'ko. Tumawa lang siya at parang hindi nasaktan. "Sino pala yung tumawag? "

"Si Kree." They knew each other na rin. "Sa tingin mo, dapat ba 'kong pumunta sa birthday niya?" He placed his ballpen near his head, yung parang nag-iisip. Tapos pinasingkit ang mata habang nakatingin sa 'kin.

Kung magtatanong lang 'to ng kumain ka na? Baka na-fall na 'ko. Buti na lang alam kong walang nagtatagal na relasyon sa kanya.

"Why not? Ms. Villafuente, hindi sa lahat ng oras makakaiwas ka sa mga gusto mong iwasan. Why not face them now? It has been a while na rin naman." Nakwento ko kasi sa kanya 'yung nangyari.

"Sinong may sabi sa 'yong gusto kong umiwas?" Tumawa siya dahil sa sinabi ko. He pinched my nose and stood up. Pa-fall talaga.

"Isama mo 'ko then introduce me as your boyfriend para hindi halatang hindi ka pa nakaka-move on--"

"And who told you that?! Tsaka mas matanda ka sa 'kin ng ilang taon. Asa ka pa! " Tumawa lang siya at inilagay ang kaliwang kamay sa bulsa. Hawak niya sa kabilang kamay ang folder na naglalaman ng reports. Yumuko siya at inilapit ang mukha sa 'kin. My eyes widened because he kissed my on my cheeks! Aba!

"Tsh. Ang hirap mo talagang tibagin. I'll go now. See you later. " Hinipan niya ang mukha ko kaya napapikit ako.

Isa siyang malaking flirt! Pa-fall na 'to!

"Are you and Nicholas dating? " Mommy asked me isang araw habang kumakain kami ng dinner. Palagi na lang ganito ang tanong. At pareho lang din ang sagot ko.

"Hindi po 'my. Malandi lang po siya kaya palagi kaming napagkakamalan." Well, its true naman. Masyado siyang clingy kahit nasa trabaho. Para siyang linta na hindi mapakali.

"You know hija.. I'm really happy that you met each other. " Na kayo po ang gumawa ng paraan.

Nicholas Mayo Jr. is the son of one of the investors in our school.. They have a big share and since wala siyang balak na magtrabaho abroad, sa school na rin siya napunta. Nagtatrabaho as admin and nanglalandi sa mga single na teacher. Natigil lang nang dumating ako two years ago and started working as admin din. Ako raw ang nagpabago sa buhay niya. As if I will believe him.

Paminsan-minsan rin akong nagsa-sub sa teacher. Tapos madalas akong sumama sa mga seminars.

I f*ckinly passed the horrible board exam pero wala akong balak mag-public. Ayokong magpakamatay sa mga paper works.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now