Chapter 35

243 5 0
                                    

This chapter is dedicated to BabyYanie_05. Thanks for reading and consistent voting haha:) 💜💜

Janelle's POV

It's been three years, but his stare still makes me feel uncomfortable. That tantalizing eyes of him, and his long eyelashes, plus his kissable lips.

Tss. Sayang.

Kung hindi ka lang talaga gago Vince, hindi na kita papakawalan.

"Vince, I thought your busy? Sabi ni Kree hindi ka raw makakarating," Aicka asked.

Bakit naman kay Kree pa manggagaling, siya ang girlfriend so dapat alam niya.

"I just... changed my mind," halos pabulong niyang sagot.

May dumaang waiter na nagse-serve ng alak, kumuha ako ng isa.

Wine lang naman 'to. I sipped on my glass and put it on the table. Pero kinuha ni Nicolas at inubos ang laman.

Talaga naman.

"Yari ako kay Tita kapag nalasing ka. Ayokong ma-bad shot," Nicholas said and placed his hand at the small of my back.

Tsansing na hindi ko mabilang.

"My favorite cousin is here na pala!" si Kree na umupo sa tabi ni Aicka. Vince rolled his eyes.

Hindi pinansin ni Kree ang pang-iirap ni Vince, bagkus bumaling siya sa akin.

"Dito na lang kayo matulog ni Nicholas, maraming guest room. Para hindi na kayo bumiyahe nang mahaba."

"I'm sleeping here, too," segunda ni Vince.

Nilingon ko si Aicka. Awayin mo boyfriend mo, walang balak na ihatid ka. Nanlaki ang mata niya at parang may naisip.

"OMG! " tapos tumawa siya nang tumawa.

Akala ko ba nagbago na siya, parang mas lumala yata.

"Thanks Kree, baka mag-hotel na lang kami," si Nicholas ang sumagot.

Hotel? Gastos 'yon e.

"May condo ako, malapit lang dito. Baka doon na lang kami ni Nicholas."

Nagkatinginan kami ni Nicholas, he smirked. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Aww... Ang sweet niyo talaga Janelle. I'm so happy na nahanap mo na ang the one! " si Kree ulit. Na para bang hindi niya alam na hindi kami ni Nicholas.

"Thanks to the man who hurt her, 'cause now, she's mine," si Nicholas ulit at kinabig ako palapit sa kanya. Nakisakay pa sa kalokohan nung isa.

Kumabog ang puso ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa masamang titig ni Vince.

"Aww, ang sweet, " si Kree pa rin.

"I agree, he's so sweet," Aicka added. They all nodded in unison well... ecxept for one.

He just hissed and rolled his eyes.

The heck?

"Sinasapian ka na naman Vince. Kumain ka na ba? " Aicka asked him. Vince leaned and put his right arm at Aicka's back.

Umiwas ako ng tingin, e di wow.

"You want to go home?" Nicholas asked me. Umiling ako. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko rin ang kaliwang braso niya sa balikat ko.

"Ang sweet mo talaga. Babalatan kita ng buhay mamaya, " nakangiti kong bulong.

"Sure babe, but you have to undress me first," he uttered.

I laughed. Manyak talaga.

"I'll go home. Happy birthday Kree, " Vince said at tumayo na. Dere-deretsong umalis ng table nang hindi kami nililingon.

Naiwan niya girlfriend niya. Aicka's still there, directly looking at us. She smirked at umiling.

Ayy, baka may usapan mamaya. E di wow ulit.

"Torture," Aicka said and tumawa sila ni Kree. Close na rin sila. A lot of things have changed, huh.

Saglit, torture. Kumunot ang noo ko. Ito-torture niya mamaya si Vince? Anong klaseng torture? Sa mahirap o sa masarap na paraan?

Takte, anong masarap?!

Inalis ko ang pagkakahilig ko kay Nicholas. I glared at him while he looked at me, clueless.

Tss, kasasama ko dito e, nahahawa na 'ko sa kamanyakan.

"Restroom lang ako, " I excused myself. Tumayo rin si Nicholas. "Iihi ka rin? "

"Samahan kita? "

"Ayos lang ako, dito ka na." He nodded and returned to his seat.

May mangilan-ngilan pang tao, mostly relatives nina Kree.

Relatives? Wait... I haven't seen TJ, though wala rin akong balita sa kanya.

Luckily, tanda ko pa ang pasikot-sikot ng bahay nina Kree. I went to the restroom.

I looked at myself on the mirror. Then, the fake smile faded. I didn't expect to meet him this fast. Aicka and him? Tss, what an unexpected couple huh?

Pagkatapos makipagtitigan sa salamin, naghugas ako ng kamay at lumabas na.

"Shocks! Ba't ka nanggugulat?!" Biglang sumulpot si Vince sa harap ko.

Inirapan niya 'ko. Bakit ba napakahilig niyang mang-irap kapag naiinis? Parang bakla, tss.

"Dito na kayo matulog," he said.

Seriously?!

"Yung totoo, may tama ka? " I asked him. Akala ko ba umalis na 'to?

Paano na ung torture ni Aicka sa kanya? Psh.

Hindi niya pinansin ang obvious na pagkairita ko. "Maraming guest room dito, pwedeng tig-isa kayo ng kwarto ni Nicholas. 'Wag na sa unit mo. "

"Ano pang silbi noon kung hindi gagamitin 'di ba? "

"Marumi. Maglilinis pa kayo kung doon kayo tutuloy, " he insisted.

May naglilinis doon twice a month. Hindi na problema ang alikabok.

"Kaya na namin 'yon. " I tried to walk away from him pero nahawakan niya 'ko sa braso.

"Please, h-hindi ako komportable na magkasama kayo---" I laughed without humor and cut him off.

Iritado ko ring binawi ang braso. Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa inasal ko.

"And so? Anong pakialam mo?" Hindi siya sumagot. Nanatili lang na nakatitig sa mukha ko. "Don't meddle with my life, okay. Baka nakakalimutan mo, ex lang kita."

#






Ex or ReboundWhere stories live. Discover now