Chapter 25

189 9 0
                                    

Janelle’s POV



Naging maayos ang pag-uusap namin ni Vince. Kaunting lambing lang pala ang kailangan. Psh.


After talking with him, sabay kaming nag-lunch tapos nag-insist na ihahatid niya raw ako sa room ko. Hindi ako pumayag kasi baka malate siya. Tapos wala naman na palang klase kaya naghintay na lang sa tapat ng building namin.



“Okay na kayo ni Vince?” Basta talaga chismis mabilis ‘tong si Kree. Tumango ako at iniabot sa kanya ang quiz paper. Wala na sana akong balak na tingnan siya pero bumulong ulit siya.


“Don’t cover your paper. Puro enumeration ‘to!” Impit niyang bulong.


“Future educators, mind your own paper. Erasure means wrong. WALANG titingin sa katabi! Ang makita kong nangongopya, tres na agad sa subject na ‘to!” I saw Kree rolled her eyes. Ang tamad kasing mag-aral.


Tinanaw ko si Vince sa labas para sana makakuha ng kaunting motivation. Kaso ang walangya, nakikipagtawanan na naman sa cheerleader niyang kasama kanina!



Aba! Ang kapal ng mukha, sa labas pa talaga ng building namin!


“Uh… Ms? C-Can I go to the restroom?” May susugudin lang po ako. Hindi naman po ako magkokodigo.


“No. Finish your quiz first then you’re free to leave.”
Pero nakikipaglandian po sa labas ang boyfriend ko! Sa cheerleader Ms!


Palihim akong umirap at binalingan si Kree. Nilakihan ko siya ng mata. Saying na bilisan mong mangopya!


Nagsulat muna ako ng pangalan ko at saka nagsagot nang mabilis. I finished my quiz within 20 minutes. Kunwari ko muna itong nireview at itinaas-taas para makita ni Kree.



Maya-maya pa, tumikhim siya. Tumayo naman ako at nagpasa na ng papel. Mabilis akong bumalik sa pwesto ko at kinuha ang aking bag. Marami pang nagsasagot at yung iba naman ay nagpapasa na rin.


“I’m leaving,” mahina kong bulong sa bestfriend kong prente ang upo. Maya-maya magpapasa na rin ‘to.


Lumabas na ‘ko at nakita si Vince. Andun pa rin ‘yong cheerarat. Psh.
Nang makita ako ni Vince, tumayo na siya at mukhang nagpaalam pa.

Lumingon din sa ‘kin yong babae. Mukhang na-disappoint nang makita ako.

Back-off bitch!

“Babe! Shaks, ang hirap ng quiz. I think babagsak ako,” madrama kong sabi at iniangkla ang kamay ko sa braso niya.

Hinila ko na rin siya palayo. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ni cheerarat.


“A-Ayos ka lang El?” Takang tumingin si Vince. Nagtataka siguro sa kilos ko. Kumalas ako sa pagkakakapit sa kanya.


“Psh. Mahilig talaga kayo sa cheerarat ‘no?”


“Che—what?” Naguguluhan niyang tanong. Kukunin niya sana ang bag ko pero mabilis kong iniiwas.

“Cheerleader! As in, cheerarat!” Nakuha pang tumawa!


“We’re just talking El. She saw me here and approached me, your boyfriend being a gentleman exchanged words with her. Nothing else.” Mabilis niyang paliwanag. Napa-english tuloy, seryoso ‘to. Ngumuso ako at ibinalik sa kanya ang bag ‘ko.



“Sabi mo e.” May phobia na yata ako sa mga cheerarat.


“Tss. Selosa.” Umakbay siya sa ‘kin pero tinanggal din ng sikuhin ko.


PDA ‘to.


“What happened to your quiz?” Naglalakad na kami papuntang SC office. May babalikan lang daw siyang papers.


“Syempre…”


“Perfect? Nice…”


“I’m not yet finished. Syempre minadali ko. Hindi ko na nga alam kung tama ang spelling.  Ang lakas mo kasing magbigay ng motivation,” hindi sinasadya pero parang sarcastic ang dating ng boses ko.


“Baliw.” He said. I shrugged my shoulders. 


Tanaw ko na ang office when I remembered something.


“Vince, may seminar nga pala kaming pupuntahan ni TJ. Kasama rin ang EIC at Assoc ng school pub natin. Uh… next week yata ‘yon.”


“Yeah? Dagdag credentials for you.” he just said. Naghihintay pa ‘ko ng ibang sasabihin so I stopped walking. He did the same.


“That’s it?” He pouted and kunwaring nag-isip. Tapos umirap siya sa ‘kin! Bakit ba  ang hilig niyang mang-irap?!



“Are you gay? Bakit ba ng hilig mong mang-irap?”


“Should I just kiss you instead of rolling my eyes?” Nalaglag  ang panga ko sa sinabi niya.


Ang lakas talaga ng topak nito.


Pinili ko na lamang na magpatuloy ulit sa paglalakad. Sumunod siya.


Iniakbay niya ang braso niya. Hindi na ‘ko umangal. May mga napapatingin pero hindi na lamang namin pinansin.


“I trust you. Ayokong gumawa ng gulo sa pagitan natin. You’re not into TJ anymore so why would I be bother?”
Trust. Your right Vince.

“Yeah. You don’t have to worry.”
He kissed my hair and gently touched it.


Nakarating na rin kami sa office.


“What if I still love her? Sabat na bang dahilan ‘yan para hiwalayan mo ‘ko?”



Kusang tumigil ang kamay ni Vince sa paghawak sa doorknob. Pati ako natigilan.


Sana nagpa-practice lang sila ng play. Please.



Biglang nabuksan ang pinto at iniluwa nito si Aicka. Umiiyak siyang lumampas sa amin ni Vince.


“S-Stupid jerk!” Narinig pa namin
sigaw nito.




Hindi na kami tumuloy sa office. Nang hapon ding ‘yon, pumutok ang balita na hiwalay na sina TJ at Aicka.


#

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now