Janelle's POV
Nagkakamabutihan na kayo ni Vince?" Kree asked. Nasa room kami at naghihintay sa prof.
It's been a week simula nang nagpunta kami ni Vince sa cemetery. Instead of answering her question, I got my lip gloss at nag-apply ng kaunti sa labi ko.
"Janelle, stop ignoring my question okay? So kamusta na kayo ng pinsan ko? " Kinuha niya ang lip gloss sa kamay ko at naglagay rin siya sa labi niya.
I intently looked at her. May nabanggit nga pala si Vince about Shin. I forgot to ask Kree about that guy.
Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya, tinaasan niya 'ko ng kilay.
"What's with that look bessy? "
"May nanliligaw ba sa 'yo? " I asked her
while pouting. Best friend ko siya tapos hindi man lang ako nai-inform tungkol sa buhay pag-ibig niya.
"M-Meron. Kaso hindi ko siya gusto e, inirereto kasi 'yon sa 'kin ni mommy. Inaanak niya, hindi ko naman matanggihan kasi.. mesherep siya bes." Kung may iniinom siguro ako malamang naibuga ko na sa kanya. Nagkasingaw yata 'to bigla.
"Masarap? As in? " Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya.
Tumango lang siya. Masarap meaning gwapo. Baliw talaga.
"So, kayo naman ng pinsan kong si Vince, anong update ha? "
Ikinwento ko sa kanya yung nangyari sa cemetery.
"So ayun," hindi ko maintindihan pero bigla akong nailang. Pinsan siya nina Vince at TJ tapos best friend ko siya. Parang ang gara.
"Hmm. That's good to hear, knowing Vince kasi iyakin talaga 'yon e hahahahaha. Mabuti na yung nasa tabi ka niya." She said and smiled at me.
"Sa tingin mo bes, okay lang na naging kami ni Vince? Kasi 'di ba ex ko si TJ tapos 'yong pinsan niya ang naging b-boyfriend ko, hindi ba magiging issue sa family niyo 'yon? " Bumabagabag kasi talaga 'to sa 'kin noong isang araw pa. Nag-umpisa nang mapagtanto ko kung ano talaga kami ni Vince.
He said na okay lang daw sa kanya na maging rebound but I didn't expect na seryoso siya sa sinabi niya.
Anong iniisip ng iba kagaya ni Kree? Alam ba nila na rebound ko nga lang talaga si Vince? What about Tita Sandra? Anong iisipin niya once na malaman niyang girlfriend ako ng nephew niya?
Parang biglang naging komplikado. I sighed with the thought that's running in my mind.
"Actually hindi, kasi si TJ naman ang nagloko 'di ba? Tsaka as long as masaya si Vince, okay sa kanila. Marami rin kasing pinagdaanan si Vince kaya kung anong nakapagpapasaya doon, sinusuportahan nila. Bruha rin kasi si Chelsea, ang kapal ng mukhang iwanan si Vince---" Her sentence was cut off because of our professors arrival.