Chapter 18

207 16 3
                                    

Sabi nila kalag masaya ka, mas mabilis ang oras. Which I found true kahit na isang buwan lang halos ang nakalipas. The foundation week is over. At ngayon naghahanda na kami para sa palapit na final examination.

"May reviewer ka na sa Teaching Profession?" Kree asked.

Nakabusangot akong tumingin sa kanya. Nananakit ang ulo ko 'pag iniisip ang exam na 'yon.

"Wala pa. Hindi ko alam kung paano aaralin 'yon e. Puro mga batas. Nakakaliyo," sagot ko sa kanya.

Nag-aya siya na kumain muna sa canteen. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Vince.

"Bad influence ka talaga Kree kay Janelle. Sa halip na nag-aaral kayo. Tsk tsk," ani Vince. Sumabay na rin siya paglalakad sa amin. Kinuha niya ang libro at bag ko at siya ang nagdala.

Pasimple siyang pumagitna sa pagitan namin ni Kree. Loko talaga 'to.

"Nagugutom kami Vince, libre naman," sabi ni Kree.

Kumamot lang sa batok si Vince saka ngumiti na parang nahihiya.
Para na namang tanga 'to.

"Insan," tawag ni Vince kay Kree.

"Oh?"

"Magde-date sana kami ni El. Ayoko ng third wheel. Kausapin mo na lang muna si Shin." Hinawakan ni Vince ang kamay ko at iniwan namin si Kree.

Lumingon ako saglit pero nakatalikod na ang bestfriend ko.

"Baliw ka Vince. Dapat isinama natin si Kree."

"Wala namang klase ngayon. May meeting ang mga faculty. Para makauwi siya nang maaga." Nag-nod na lang ako sa sinabi niya.

Pero teka, sino si Shin?

"May binanggit kang Shin kanina, sino 'yon?"

Naglalakad na kami papunta sa parking. Nauuna ako kaya medyo nilingon ko pa siya.

"Ah. Suitor yata ni Kree." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Habang pumapasok ako ay ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

Feeling talaga neto mauuntog ako palagi.

"Talaga? Hindi ko alam 'yun ah."

Tumango lang siya at nagsimula nang buhayin ang makina.

"Dahil hindi siya palakwento. Maingay si Kree, palatawa, malakas ang boses, at madaldal pero hindi siya open na tao." Vince got a point. Sa tagal na naming magkaibigan ni Kree, bihira siyang magkwento.

Pero bakit hindi niya sinasabi kung sino si Shin?

"Gwapo ba yung Shin?" Biglang nagpreno si Vince. Masama siyang tumingin sa 'kin.

"Grabe ka El. 34 days pa lang tayo tapos maghahanap ka na ng iba?!" Umiling siya at tila hindi makapaniwala. Pinaandar niya muli ang sasakyan.

"Kahit kelan talaga bano ka! Wala kasing sinasabi sa 'kin si Kree, kaya kamalayan ko kung sino si Shin! Hindi man lang nagku-kwento yung babaeng 'yon e."

"Bakit kailangan pang itanong kung gwapo? Bakit hindi nalang family name o address.. Pero hindi rin pala magandang ideya ang address. Pero kahit na! Yun talaga El?!"

"Selos ka na niyan Vince?" Natatawa kong tanong sa kanya. Pumalatak lang siya. "Uy. Sorry.. Hehehehe," hinawakan ko ung left hand niya.

Pumalatak ulit siya. 'Pag nag-english 'to, galit nga hahahaha.

Ewan ko pero nakakatuwang asarin siya. Magaling siyang mang-asar tapos 'pag siya naman ang tinukso, mabilis magalit. Hehehe pikon.

"Stop making fun of me." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Galit siya, 'wag kang tatawa. Behave lang Janelle.

He pressed the break again. Ipinark niya ang sasakyan sa may tabing kalsada.

He looked at me with his eyes na namumungay. His eyes looked at my lips. Kakaiba ang nararamdaman ko. Umabante siya at umatras ako sa upuan.

"You're making me mad,"he said.
Suddenly, I felt his lips met mine. Nakahawak siya sa ulo ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang hindi sapat ang kahit na anong salita.

He closed his eyes and I did the same.
Nakakalunod ang mga halik niya. Para akong dinadala sa paraisong iilan lamang ang nakakapunta.
This.. This feels like I am really loved by this man. His simple gestures, his sweet messages everyday, his care for me.. How can I not like him back?

Naputol ang halikan namin ng mauna akong bumitaw. Tumungo ako at pakiramdam ko tutulo ang luha ko. Bakit ngayon ko lang 'to narealized?

"Hey.." He said and lift my chin. I saw the concern look in his eyes. Tumulo ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako.

"Shit. Janelle? I-Im sorry. Hindi ko alam na ayaw mo. Nabigla ba kita? Damn. Hey, stop crying. S-Sorry."

Napahilamos siya sa mukha niya at idinistansiya ang sarili mula sa akin.
I can see his frustration. Kaya pnigilan ko ang luha ko at nagpunas ng basang mukha. Saka ako bumuntong-hininga.

Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin.
"G-Galit ka?" tanong ni Vince. Umiling ako bago sumagot. Parang nagliwanag ang mga mata niya.

"H-Hindi." Muli siyang lumapit, nag-aalinlangan sa una pero niyakap niya pa rin ako. Hindi ako umalma. I can feel his heartbeat beating fast.

"Then why did you cry? First kiss mo?" Unti-unting kumunot ang noo ko. Tinulak ko siya sa inis. Magloloko na naman 'to.

"Gusto mo talagang malaman? Loko ka talaga. Hindi magandang itanong 'yan sa isang babae okay! Ang a-awkward kaya.. Para kang ewan."

"Tss." Pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik siyang nagmaneho. Nagsasalubong ang mga kilay niya.
Totoo naman ang sinabi ko e!

"Hindi ako galit okay! I-It's just that, I realized na..."

"Na?"

"Na ano... g-gusto kita..." halos bulong kong sabi.

"What?"

"Narinig mo naman 'di ba? 'Wag ka nang hihinto, babatukan na kita!" Ngumiti siya nang malaki.

Ang bilis magbago ng mood niya.

"Tsk tsk. Dahil ba sa halik o iba pa? Pero syempre given na gwapo so I understand." Ngumisi siya na parang aso.

Hays. Kaya ayokong umamin dito e. Magyayabang lang.

"Loko ka. Saan tayo pupunta?" Ngiti lang ang ibinigay niya sa 'kin bago sumagot.

"I want you to meet my parents."

-sorry po sa matagal na update,feeling busy lang:)

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now