Chapter 17

216 13 0
                                    

Janelle's POV

"Ang ganda ko bessy. I am very glad to my parents for giving me such beautiful genes." Ani Kree habang panay ang tingin sa salamin.

Tonight is our campus night at papunta na kami sa venue.

"Yeah. You should be." Sabi ko at tumingin sa kanya.

We're both wearing long gowns. Red ang kanya at black naman ang akin. Maganda 'to promise, sa sobrang ganda hindi ko alam kung paano i-describe.

-__-

"Bakit hindi kayo nagsabay ni Vince? Date mo siya 'di ba?" Tumango ako at nag-pout.

Nagpaayos kaming dalawa sa salon at nakisabay na rin ako sa sundo niya.

"Bessy... W-Wag mong sasabihin sa pinsan mo ha pero kasi nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil lahat ng kapal ng mukha ko biglang naglaho." Sabi ko kay Kree pero tinawanan niya lang ako.

"Gusto mo na?" Umiling ako pero ramdam kong namumula ang mukha ko.

"H-Hindi! Agad-agad?! Lintek naman kasi 'yon. Ang galing magpakaba... t-tapos kapag tinititigan niya 'ko para akong malulusaw. Kapag naman may ibang babae na involve with him, gusto kong magbunot ng damo sa sobrang inis. Alam mo 'yon? Nakakagigil!" Madamdamin kong pahayag kay Kree na parang namamanghang nakatingin sa 'kin.

"Nagseselos ka bessy pero hindi mo gusto?" Nangunot ang kilay ko at saka dahan-dahang tumango.

"K-Kasi alam mo 'yon, masyadong mabilis ang pangyayari e. Parang imposible naman---" Biglang tumigil ang kotseng sinasakyan namin kaya muntik na kaming mapasubsob.

Walang obstacles sa daan.

Anong problema ng driver na 'to?
At bakit parang naka-attire din?

"Dahan-dahan kasing mag-drive 'di ba?! Baka gusto mong itapon kita palabas ng kotse!" Nagulat ako sa reaksyon ni Kree.

OA naman nito.

"Grabe ka sa driver niyo bes. As I was saying nga kanina---"

"Don't... Bessy, huwag mo nang ituloy 'yang mga sinasabi mo. You'll regret it promise." Ani Kree at nag-retouch.
Taka akong tumingin sa reaksyon niya.

I just shrugged my shoulders and looked outside.

***
"Good job naman sa inyo bes. Ang ganda ng venue, mukhang pinaghandaan talaga." Ani Kree pagkapasok namin sa venue. "In fairness ha magaling mag-organized. May pa-red carpet pa. Bongga." I agree with her. Magaling at maganda nga ang set up for tonight.
Palaban ang mga estudyante sa kani-kanilang attire. Nagpapagandahan at nagpapagwapuhan sa pagrampa sa red carpet.

Nakangiti si Kree habang rumarampa. Tumigil muna saglit para makuhanan ng picture ng photographer. I did the same and wore my smile.

Maganda sana kung may date, asan na ba kasi si Vince?

"Bessy, picture tayo dali," anyaya ni Kree. Nag-pose kami ng ilan sa cellphone niya at saka huminto para tingnan kung maganda ang kuha.

"Nice. Ang ganda natin haha. I'll leave you here muna ha. Pupunta muna ako sa table ng mga SC, I'll just ask kung may problema pa." Tinaasan ako ng kilay ni Kree.

"SC or Vince? Miss na miss bes? Kasama mo na nga sa byahe este ano... ah... makikita mo rin naman mamaya. 'Wag kang atat."
"Whatever Kree. Mabilis lang ako."

Bakit ba lagi kong hinahanap 'yon?

Tss. Namimiss ko nga yata.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now