Chapter 19

204 11 0
                                    

Pagkababa namin ng sasakyan, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Sumasayaw ang mga puno at maririnig ang mga huni ng mga ibon. Nang tumingin ako sa langit, makulimlim rin ang kalangitan.

Mahigpit ang hawak ni Vince sa kamay ko. Sa kabilang kamay niya ay ang basket na may mga pagkain.

Walang masyadong tao kaya ang peaceful ng paligid.

Tumigil kami ni Vince sa isang maliit na bahay. May second floor din ito at pininturahan ng berde.

Kinuha niya ang susi at ini-unlock ang bakal na pinto.

"We're here," anito.
Bumungad sa amin ang magkatabing nitso. Napapaligiran ang mga ito ng natuyong bulaklak.

Vicente J. Villafuerte
February 16, 1972- December 15, 2010

Francesca M. Villafuerte
April 25, 1973- December 15, 2010

They died with the same day.

Tiningnan ko si Vince, malungkot ang mga mata niya. I tapped his back saka ko kinuha ang kandila at posporo sa kanya. Nagsindi ako sa tapat ng bawat nitso. Samantalang maingat na inaayos ni Vince ang bagong dalang bulaklak.

Ni hindi ko napansin na may dala siya.

Napansin ko ring may kumot kaya inilatag ko muna. Saka ko ipinatong ang basket.

Vince sighed before he sat. He tapped his side para doon ako umupo. Maingat akong umupo sa tabi niya.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. He's comfortable this way.

"You okay?" I asked. Matamlay siyang ngumiti. This is not the Vince that I know. Nakakahawa ang kalungkutan niya.

"I'm fine."

Pumalatak ako. "Wag nga ako Vince."
He sighed.

"Tss." Nag-iwas siya ng tingin.

"I-I'm your girlfriend right. You can tell me what's running in your mind. You can trust me. " I sincerely said.

Hindi ko alam pero gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya. Na pwede niya 'kong sandalan kung may problema siya at nasasaktan na.

Lumipas pa ang ilang minuto bago siya nagsalita.

"T-They died in a car accident. I-It has been six years since they left me El..." I saw a glimpse in his eyes. Tila pinipigilan ang sakit na pilit umaalpas mula sa kanyang kalooban. "b-but the pain... I think it will haunt me forever." He paused for a while, the he continued.

"It's so hard to live without my parents, El. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. I-I know I am not a perfect son but why does it have to happen to me? Bakit ako? Hindi ko maintindihan ang sakit at lungkot na naramdaman ko nang pumanaw sila. I felt so alone and left behind. A-And dumbfounded. " His shoulders began to shake as he started to cry silently.

Sabi nila, mas masakit daw ang pinagdadaanan ng mga taong tahimik lang umiyak. Is it true Vince? Are you that hurt?

Hinayaan ko lang si Vince sa pag-iyak. Maya-maya pa tumigil rin siya. Naririnig ko pa ang pagsinghot niya.

Napailing ako, Vince will always be Vince.

"Come closee, let me hug you. " I said as I tapped him. Namumula ang mata niyang humarap sa 'kin.

"Hindi na ba ko gwapo sa paningin mo? " he asked. Napangiti ako sa tinuran niya. Instead of answering, I pulled him and hugged him.

"Are you okay now? " Ramdam ko ang pagtango niya.

"Just hug me and I'll be fine." Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. I know he need this.

"Vince, don't be sad okay? Kahit wala na ang parents mo, I know they are so proud of you. At saka isa pa, hindi ka pinabayaan nina Tita Sandra 'di ba? May bonus pa, may maganda at sexy kang girlffriend. Wala ka ng hihilingin pa." Ramdam ko ang pagngiti niya.
   "So instead of being sad, thank Him for giving you a lot of wonderful things." Humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa 'kin sa ngumiti.

Tumingin siya sa mga mata ko at saka nagsalita.

"I know that I should thank Him like what you've said. Thank you for being with me, El. Mahal talaga kita. "

Hinaplos niya ang pisngi ko at tumingin sa labi ko. He closed his eyes and I did the same. Saka ko naramdaman ang labi niya na lumapat sa noo ko. Muli niya kong niyakap.

Shit. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Para maitago ang pagkailang, niyaya ko siyang kumain. He agreed and started to get the foods inside the basket.

Sino bang hindi mahuhulog sa lalaking 'to? H-He's too good to be true. Pero wala naman akong dapat na ikabahala kung sakaling mahulog ako nang tuluyan sa kanya, 'di ba? After all, he confessed his love for me already. I know deep inside na pinagkakatiwalaan ko siya.

***
While we're eating, tahimik lang siya. Nakikiramdam ako kasi hindi ko naman alam kung anong iniisip niya. Pero may naisip akong itanong.

"Vince," tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa 'kin, nakaharap kasi kami sa niche.

"Yeah? " bakit parang ang gwapo ng boses niya? Kelan 'to nagsimula? Hindi naman ganyan ang boses niya dati e! Inaakit yata ako nito.

Namula ang mukha ko.

Naku Janelle, puro ka kabaliwan. Uminom muna ako ng juice bago tumikhim.

"I-I just wonder, kailan mo 'ko nagustuhan? I-I mean, kailan mo nalaman na mahal mo 'ko. Ayun. " Ngumuso ako tapos humarap na ulit sa niche.

Nagpapalpitate ang puso ko. Tiningnan ko siya through my peripheral vision. Ngumiti siya at bumaling sa 'kin habang ako ay nagkukunwaring abala sa pagkain.

"Actually, hindi ko alam. " Tumawa siya nang mahina. Inis akong bumaling sa kanya. Nakakunot ang noo ko.

Baliw talaga 'to.

"Kahit crush, well hindi naman sa nagmamaganda ako--"

"Pero parang ganon na nga? "

"Yeah. Parang ganon na nga, kailan ka nagka-crush sa 'kin? Kasi 'diba, boyfriend ko ang --"

"Ex. " Pagputol niya sa sinasabi ko.

"Okay. Ex ko ang pinsan mo, so kailan ka nagkacrush sa 'kin?"

"I don't know? " Patanong niyang sagot. Tumaas ang isa kong kilay.

"Ako ba ginagago mo Vince? " Ngumiti ulit siya. Tapos parang nagniningning ang mga mata niya. Or imagination ko lang syempre.

"Hindi kita ginagago El kundi... minamahal " Ngumit ulit siya at tumingin sa harap. Samantalang ako naiwang nakatunganga sa kanya.
Inisang inom ko ang natitirang juice sa baso ko.

I just want to start a conversation between us, pero na-corner na naman niya 'ko.

Bad idea, Janelle.

"You want to ask something again? " he asked me.

"Wala na. " He chuckled of what I've said.

#

A/N: Grabe, hindi ko tanda kung kailan ako huling nag-UD. Hahahahaha. Pero salamat kay aspreyignacio, naisipan kong mag-UD. You're the first one who commented in my story, dear. Thank you so much. Please read and vote for my other stories too, Freedom Wall, and One Fourth. One shot yang mga 'yan. Tsaka Oblivion rin pala haha. Thank you ulit! Muah!

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now