Janelle's POV
Nababagabag ang isipan ko sa mga pinagsasabi ni Vince kahapon. Hindi ko alam kung maniniwala ako o mabuting kalimutan ko na lang ang naging usapan naming dalawa.
Seryoso kaya 'yon? I'm not desperate to look for a guy na magiging rebound kineme ko. Kaya bakit kailangan niya pang magsalita ng kung ano-ano?
>__<
Mababaliw ako sa kanya! Ayos lang naman yung relasyon namin dati as as... ano nga ba?
I sighed.
Isa pa si TJ. Nilalandi niya ba 'ko? Bakit kailangan pang mabungaran ko siya kahapon sa clinic? Bakit may padala-dala pa siya ng pagkain?
Argh! Ang ganda ko! Nakakainis!
"Anak may bisita ka sa baba," si mommy.
Si Kree siguro.
Umuwi ako sa bahay ngayong weekend. Namamalagi ako sa unit ko kapag may pasok pero umuuwi rin kapag walang pasok o kaya weekend.
"Sige po." I answered and wore my sleepers. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo pababa sa living room.
Takte! Ba't nandito 'yang lalaking 'yan?
"What are you doing here?!" Gulat kong tanong kay TJ na prenteng nakaupo sa sofa namin.
"Is that how you greet your boyfriend hija? Pasensya ka na hijo sa anak ko. Anyway, I'm leaving na. Maaga pa 'ko sa trabaho. Kumain na kayo ng breakfast ha." Mommy said and kissed on my cheeks.
"P-Pero mommy!" Mukhang nagmamadali talaga kasi nakalabas na agad siya ng pinto.
Inis akong bumaling kay TJ na tila naaaliw lang sa panonood.Nakapambahay pa 'ko! Malaking t- shirt at short shorts lang ang suot ko. Nakakahiya! Pero sanay naman siya e.
Ano bang pakialam ko pala? Tama! Dapat pinapalayas ko na 'to.
"H-Hindi ko pa nasasabi kay mommy yung tungkol sa 'tin kasi busy ako at busy rin siya. Pasalamat ka dahil kung hindi, pinalapa ka na sana sa aso." He just chuckled from what I said. Saka binalingan ang folder na nasa center table.
"It's okay. Ikaw ang bahala kung kailan mo gustong sabihin."
Wow! Parang utang na loob ko pa sa kanya.
"Ano nga palang sadya mo?" Tanong ko at naupo sa harap ng inuupuan niya. Iniabot niya sa 'kin ang folder at tiningnan ko kung anong laman noon.
"Program 'yan ng foundation week. Kailangan mo nang maglay-out ng invitation na ipamimigay natin sa mga students." Tumango lang ako at ini-scan ang binigay niya saka isinarado ang folder.
"Anong papel ang gagamitin ko rito? Tsaka ilang piraso ang kailangan? Ako na ang bahala sa design then kapag tapos na 'ko, ise-send ko sa group chat ang lay out for suggestions of the other officers." Taka naman siyang tumingin sa 'kin at saka ngumiti.
"May pupuntahan ka ba? Bakit parang nagmamadali ka yata?" Matik na tumaas ang isa kong kilay.
Baka kasi gusto ko nang lumayas ka.
Plastik akong ngumiti sa kanya and then crossed my legs. Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin.
"Just please answer me. Marami-rami 'to, uumpisahan ko na sana. Next week pa naman 'to diba?" Tumango lang siya at saka nagbuntong-hininga.
"Vellum paper ang gamitin mo. Sa office ka na magprint, nandun ang mga papel. At 1678 pieces ang kailangan."
"That much? Lahat ba ng estudyante bibigyan? Baka naman nanigas na ko sa office e hindi pa ko nangangalahati ng kailangan natin. Kunsabagay, ayos lang pala. Mas marami kayong gawain."