Chapter 5

267 11 1
                                    

Dedicated to: elladalupan

Janelle's POV

Maaga akong pumasok ngayong Lunes para makita at makausap si TJ.

Dapat pala itinext ko muna siya. Nagdiretso ako papuntang soccer field pero madadaanan ko muna ang gymnasium. Naririnig ko na ang mga kiskisan ng sapatos ng mga basketball players at maiingay na boses ng mga cheerleaders.

"Oy." Nilingon ko naman ang tumawag at nakita si Vince na nakangiti ng bongga. Nakasuot siya ng jersey at may tuwalya sa balikat.

"Oh?" Tanong ko at lumapit naman siya nang tumigil ako.

"Saan ang lakad mo?" Nag-shrugg na lang ako sa kanya at nilagpasan na siya.

"Wala panis ka pre!! Hahahaha!!!" Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan ng iba pang manlalaro. Nilingon ko naman si Vince at nakitang nagkakamot ng ulo.

Mga baliw, pinagti-tripan yata ako ng mga 'to eh.

"Ahm, pupunta kang soccer field? Let's go, ihahatid kita." Sabi niya at sumabay sa paglalakad sakin.

"Pinagti-tripan niyo ba ko?" I said with my puckish forehead. Mukha naman siyang nagulat dahil sa tanong ko kaya napatigil siya sa paglalakad.

"H-Hindi Janelle, they are just lunatic. Hindi kasi sila sanay na may sinasamahan akong babae kaya ganoon lagi sila kung mag-react." Sabi niya habang hindi makatingin ng deretso sa 'kin.

"Bakit ka nga ba laging nakabuntot sa 'kin?" Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Inirapan ko na lang siya at tumalikod na.
" Tigilan mo 'ko. Wag niyo 'kong isali sa laro niyo. Look for another girl that will approved your peculiar and infantile trip, not me. "

No matter how you tried to make your day better, there are people who will always dare to destroy it.

Nakabusangot akong nagtungo sa soccer field at natanaw ang mga players na nagwa-warm up. Hinanap ng mga mata ko si TJ at natagpuang kasama si Aicka.

I sighed.

Ayoko ng gulo, sana wag magbuga ng kung anu-anong salita ang hitad na 'to.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. I heard them laughing, seems like enjoying the sweet and cherishable moment of their relationship.

"Uy, Janelle!" Narinig ni TJ ang tawag ni Steve sa pangalan ko kaya napalingon siya sa 'kin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at lumapit kina TJ.

"Can I talk to you?" Deretso kong sabi kay TJ at hindi na inalintana ang presensya ni Aicka.

"Yeah..." Sagot ni TJ at tumingin kay Aicka.

"Okay... I'm going na. Ingat babe, kita na lang tayo later, I love you." Sabi ni Aicka at humalik sa pisngi ni TJ. Nag-iwas na lang ako ng tingin at lumunok ng dalawang beses.

"Hmm. Ingat ka sa practice. Tsaka sa susunod na pupunta ka dito, at least cover your skirt. It's too short for you." Sabi ni TJ kay Aicka na hindi naman inalintana ang presensya ko.

Leche, hindi makaramdam. Ex ang nasa harap tapos ganyan kung makapagsalita sa girlfriend.

H-Hindi naman ako bitter pero sana naman, magbigay ng sympathy kahit konting-konti lang. Tss.

Sinundan muna ng tingin ni TJ si Aicka bago humarap sa 'kin.

"What is it?" Tanong niya habang nakatingin sa mga team mates niya.

"Hihiramin ko lang sana yung USB mo, doon kasi naka-save yung theses ko. I just need a copy of it." Sabi ko sa kanya. Nilingon niya muna ang mga kateam mates niya na nanonood sa amin.

"Sige, wait for me here." Sabi niya at nagtatakbo papunta sa room for soccer players.

Makalipas ang limang minuto ay nagbalik nang muli si TJ dala ang USB.

"Here, I don't need that USB so it's yours. Don't give it back to me." I nodded on what he said and glanced on it.

"Sige salamat. Sorry for the incovenience." Sabi ko sa kanya at tumalikod na. Pero muli along humarap sa kanya ng tumikhim siya.

May sasabihin pa 'to e.

"And Janelle kung may kailangan ka pa sana, please text me first para hindi mabigla si Aicka. I don't want my girlfriend to get jealous." Napa-irap naman ako dahil sa sinabi niya at hindi 'yon nakalampas sa paningin niya. Masama ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

Tss, anong akala niya sobrang desperada ko para lumapit sa kanya?

Kung hindi lang naman talaga kailangang-kailangan ay hindi ako lalapit sa kanya!

"Kung makitid ang utak niya, magseselos talaga siya. Tsaka wag ka ngang magsalita na parang ako ang third party dito, let me tell you this 'hon', ako ang niloko niyo ng 'girlfriend' mo." Mariin kong sabi sa kanya at napasabunot naman siya sa buhok niya.

"Hindi ko alam na kaya mo palang magsalita ng ganyan patungkol sa ibang tao. It seems like I don't really know you." Ani TJ na masama na rin ang tingin.

Sa tagal ng relasyon natin, hindi ko kailanman naisip na magkakasagutan tayo ng ganito. Nag-aaway tayo pero hindi tulad ng usapang ito. Hindi ko talaga inakala.

"Well I guessed three years is not enough for you to know the, real me perhaps that is the reason why you cheated. Yun nga lang ipagpapalit mo pa ko e aso pa ang napili mo. What a good veterinarian boyfriend. Good luck baka may rabbies ang alaga mo." Saad ko sa kaniya at tinalikuran na siya. Inis akong naglakad patungong faculty.

Bwiset na USB 'to pahamak sa buhay.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now