Chapter 29

169 8 0
                                    

Jannelle's POV

My gahd Cassiey! Tanghali na 'ko! Bakit naman kasi late akong nakatulog kagabi e?! Dapat before seven nasa school na 'ko.

Should I use my car? Kaso nakakahiya, sa public school ako rarampa para mag-OJT, baka sabihin nila nagyayabang ako. Pero hindi naman siguro.

Aish! Bahala na!!

Nagmamadali akong lumabas ng elevator. Pero laking gulat ko nang makita ko si Vince na nagmamadaling pumasok sa kabilang elevator. Ni hindi niya ko napansin. I checked my phone if he sent me a message. Pero wala naman.

Hindi rin siya online. Tawagan, tama!

Nakailang ring bago niya sinagot. "Vince! Nakita kita, wala na 'ko sa unit ko. Nasa lobby na." Dere-deretso kong sabi.

On my secomd thought, ako ba ang ipinunta niya? Pero wala naman siyang ibang kakilala dito, eh.

"El... Sige pababa na 'ko, wait for me. " Pinatay na niya ang tawag. I patiently waited for him kahit na 20 minutes na lang ay late na ako.

Maya-maya pa,  nakita ko na siyang tumatakbo palapit sa akin. "Akala ko nasa taas ka kaya doon na 'ko tumuloy. " Sabi na eh,  ako ang ipinunta niya.

"Actually, nakita kita. Kaso nagmamadali ka kaya hindi mo ko napansin." Natigilan siya saglit saka nagbawi.

"Ihahatid kita. " I smiled then naalarma nang maalala kung anong oras na.

"Dala mo ang car mo? Nakakahiya kung darating akong nagfa-flag ceremony na." Tumawa lang siya nang mahina.

Mabuti na lang hindi traffic kaya nakarating din kami agad sa Bonifacio Elementary School. 15 minutes lang ang byahe papunta dito kung manggagaling mula sa unit ko.

"Thank you sa paghatid Vince. I owe you this one."

"Good luck El. "

I smiled and kissed him on his cheeks. Nagulat pa siya. Minsan lang kasi na ako ang mag-initiate. Lubusin na niya.

Bumaba agad ako and pumasok na sa gate. Nakita ko na ang ibang OJT. Habang naglalakad ako, bumabati ang mga students. Nakakatuwa.

"Good morning po Teacher! "

"Hi ma'am, ano pong name niyo? "

"Ma'am ilang taon na po kayo? "

At nagtuloy-tuloy ang mga tanong nila. Daig pa namin ang artista.

Sa grade 4 ako na-assign. Mukha namang mababait ang mga students.
After ng flag ceremony, tumuloy na kami sa kanya-kanyang assigned grades.

Bumati ako sa cooperating teacher ko at nagnod siya sa akin. Sana hindi terror!

"Good mooooooorniiiiiiiing ma'aaaaaaaam, " mahabang bati ng grade 4.

I greeted them back. I introduced myself to Teacher Lanie, name ng co-op ko.

Nagpakilala rin ako sa mga bata. May ibinilin na gawain sa students tapos ini-orient ako ni Teacher Lanie. "So Teacher Janelle, I will give you three subjects -- English, AP and EPP. Ikaw ang bahalang magturo, and for the demonstrations naman,  ilan ba ang kailangan niyo? "

"At least 15 po Teacher. "

"Okay then, you'll start your demo tomorrow. " Bukas? Agad-agad?! Walang pasintabi, grabe?! "Is it fine with you? "

"Opo, ayos lang po. " Tumawa ako nang alangan.

"So you'll discuss about Classifying ideas. Sa Wednesday ka na pala mag-demo, I will check your lesson plan muna tomorrow."

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now