Chapter 15

214 12 3
                                    

Janelle's POV

"200 pieces na lang. Malapit nang matapos 'to," Vince said while yawning.

"Ako naman diyan. Take a nap first," sabi ko at lumapit sa pwesto niya. Kaninang umaga pa kami ni Vince na palitan sa pagpi-print, samantalang may ibang pinagkakaabalahan ang ibang officers.

Malapit na ang foundation week.
Marami ng gawain ang nakasabit sa ere. At wala pa 'kong isusuot para sa campus night.

"Ako na ang bahala. Iayos mo na lang ang mga na-print natin -- by course ha." Psh.

Ang dami nito.

"I'll help you." Sabay kaming napatingin ni Vince kay Aicka. Nakakabigla kasi. "Enough with that look okay! I'm just here to help. Tapos na 'ko sa gawain ko a-and... Wait! Why do I have to explain myself to you?" Maarteng sabi ni Aicka.

"Salamat." Ani ko kay Aicka. Bumalik si Vince sa ginagawa samantalang nanahimik naman si Aicka at tumulong na lang din.

Iniusod ko ang mga na-print sa kanya. Maarte siyang naupo sa tapat ko at tahimik na nag-umpisa.

I just realized, Aicka is not that bad. Yes they cheated but it is because they love each other. Kahit gaano pa niya kagusto si TJ, kung ayaw nung lalaki, walang masasaktan at maiiwan. Psh.

Buti na lang, andito si Vince. His simple gestures, and presence makes my heart feel at ease even though TJ is around.

That talk really helped me. A lot.

"Magmeryenda muna kayo." Nakangiting sambit ni Mika. Lumapit ako para kumuha ng tubig at biscuit.

"Here." Inabutan ako ni TJ ng juice at biscuit.

"Thanks. I'll get another one for Vince." Tumango lang siya at kumuha rin ng extra. He gave it to Aicka.

"Friends na kayo?" Tanong ni Macie na nakatingin rin kina TJ at Aicka.

"Nope," I answered.

"I hope it won't affect your duty as officers. Kalat na kalat ang naging eksena niyo sa clinic." Aniya at kumain ng biscuit.

"It won't happen again. Don't worry." Lumapit ako kay Vince at ibinigay sa kanya ang pagkain. Pero busy siya sa laptop.

Pwede naman kasing mamahinga.

I opened the bottle of water for him.

"Thanks. Konti na lang 'to." He said and drink water. I opened the biscuit then sinubo ko sa kanya ng buo yung isang piraso.

"Yan. Masyado kang pabibo e. Uso ang pahinga." Ani ko at kinain ang sariling pagkain.

"Thanks El. Let's eat dinner outside. After our work here,  what do you think?" Ani Vince at nilingon ko naman siya.

"Ayos lang naman." Wala na 'kong masabi, ramdam ko ang tinginan sa likod namin.

"Kayo na ba?" Maya-maya pa'y tanong ni Rico, isa rin sa mga officer.

"Secret." Napailing ako sa sagot ni Vince at ngumiti na lang. Saka nag-iwas ng tingin kay TJ na matamang nakatingin.

"'Yang mga paganyan-ganyan niyo ha. Naku kayong dalawa! Nakakaloka! Bet ko pa namang date si Vince for campus night tapos may 'El' na pala." Sabi ni Mika.

"Sige sa 'yo na hahaha." Sinamaan ako ng tingin ni Vince.

"Sorry Mika pero hindi pwede. Kay Janelle lang ako." Ani Vince at saka ngiting-ngiti na bumalik sa ginagawa.

"Yown! Bumabanat si Vince hahaha!" Si Alvin ang nagsalita, officer din ng SC.

"Ibang klase ka Vince, may tinatago ka palang kakesohan sa katawan!" Ani Topher, officer din.

"Shut up guys! Janelle feels embarrass na oh, namumula na siya. Hahaha nakakatawa 'tong dalawa!" Ililista ko rin pala sa death note si Ciara, kahit pa officer siya ng SC.

Tinakpan ko ng invitation ang mukha ko. Nakakahiya.

>\\\<

"Let's go back to work guys. We're consuming too much time. Enough for the commercials." Nagsibalikan kami sa ginagawa matapos magsalita ni TJ.

"Vince, mom told me to ask you to go home later." Ani TJ kay Vince pagkalapit sa pwesto namin at saka bumalik sa pwesto niya.

"Please tell her maybe next week." Sagot naman ng huli, tumango na lang si TJ.

"Akala ko magpinsan lang kayo?" Tanong ko kay Vince at inilapit ang monoblock na inuupuan ko sa tabi niya.

"Yup. Pero sa kanila ako tumitira dati. One year ago pa yata pero  bumukod na ako." Anito at ibinigay sa 'kin ang mga naprint na niya.

"Talaga? I didn't know about that. How about siblings, meron ka?" Umiling lang siya. "Ilan na lang ang kulang?"

"35 pieces." Sagot nito at kumuha ng mga vellum paper.

"Bakit sa kanila ka nakatira? What about your parents?" Tanong ko kasi mukhang wala siyang balak na magkwento.

"They died when I was 15 years old. Kinupkop ako nina Tita Sandra kaya sa kanila ako tumira. My father and Tita Sandra are siblings. Kaya ayon.."
I looked at him. I didn't know that behind his smile and laughs were his unpleasant past.

Totoo nga yung sabi nila, humor is the best defense mechanism.

"I'm sorry." Yun na lang ang nasambit ko sa kanya. He just smiled pero hindi umabot sa mata niya.

"Hindi naman ako pinabayaan nina Tita kaya kahit wala na 'kong magulang, lumaki pa rin ako nang maayos. Gwapo, matalino, habulin ng chicks, magaling sa basketball, at pwede na rin sa leadership award."

"Yeah right Vince. Nahanginan ka lang yata ng sobra."

"Heart to heart talk na ba 'to El? Pansin ko lang, masyado kang mabait sa 'kin. Kinakausap mo 'ko ng matino. May bonus ka pang kasweetan. Sabihin mo sa 'kin kapag mahal mo na 'ko ha para naman makapagpainom ako sa block mates ko."  Natawa na lang kami pareho sa tinuran niya.

But honestly, hindi ko rin alam kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya.

Siguro dahil sa books na binili niya? Sa malanding cashier? O dahil palagi siyang nasa tabi ko?

Napailing ako sa naisip. Hindi ko namalayan na nakatitig siya sa 'kin at maya-maya pa'y lumapit para bumulong. "Mahal kita El. Really."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakikipagkarera na naman siya. Hindi ako makatingin sa kanya at ramdam ko ang pagtakas ng dugo nula sa mukha ko. Pati tenga ko ramdam kong nag-iinit.

Shit.

Bakit ba ang galing nitong magpakaba?!

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now