Chapter 16

216 11 3
                                    

Janelle's POV

**First Day of Foundation Week

"Gosh! Nakakapagod na huh! Umaga pa lang then grabe na sa pagiging haggard ang face ko!" Maarte at madramang complain ni Macie habang nag-aayos ng mga pagkain para sa mga officers.

Busy rin kasi yung iba dahil may kanya-kanyang assigned task. Kaming dalawa ni Macie ang nakatoka para sa mga pagkain.

"Yeah nakakapagod nga," sabi ko na lang.

"Wow! Pagod ka na niyan? E hindi ka nga pinagpapawisan." Ngumiti ako sa kanya at saka nagkunwaring nag-iisip.

Relax lang dapat.

"Yeah right may Vince ka nga pala. Whatever Janelle. Kayo na ang may love life."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya pero napaisip din ako.

Dahil nga ba kay Vince? Pero imposible naman. Hindi kaagad mamumukadkad ang isang bulaklak dahil lang sa naarawan 'to ng sobra. Lalo na pagkatapos ng isang malakas na bagyo.

Speaking of Vince. Asan kaya 'yon?

"May list ka kung saan nakatoka ang bawat officers?" tanong ko kay Macie. Itinuro niya 'yong papel sa ibabaw ng table ni TJ.

Saan kaya nakatoka 'yon?

"Anong tinitingnan mo diyan? Kung saan si Vince?" May sa kabute talaga 'tong si Macie. Bigla-bigla kung manggulat.

"Ah.. eh.. M-May tinitingnan lang ako sa sched ko. 'Y-Yon, pero ba't wala sa first day si Vince?" Nakangiwing tumingin sa 'kin si Macie.

"Seryoso ka? Di mo talaga knows?" Umiling ako bilang sagot. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.

"May laban ng basketball 'di ba. Lahat ng sports e pang unang araw ng foundation week natin."

Oo nga pala. Magkakalaban ang bawat course.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 9:45 am. Tapos na kaya ang laban nila?

"You want to watch his game? Go. Ako na ang bahala rito." Ngumiti ako ng matamis kay Macie at saka nagpasalamat. Kinuha ko ang bag ko at saka nagmadaling lumabas ng office.

Aabot pa kaya ako?

Sa field ako dumaan para mas mabilis makapunta sa gymnasium.

Walang laban sa soccer? Kunsabagay, lahat ng varsity nito ay galing sa Engineering at Accountancy. Unlike basketball, maraming players.

"ENGINEERING! ENGINEERING!
ENGINEERING! ENGINEERING!
ENGINEERING! ENGINEERING!
ENGINEERING! ENGINEERING!!"
Sumalubong sa 'kin ang malakas na hiyawan ng mga estudyante. Sa labas pa lang halata ng marami ang nanonood sa laban.

Hirap akong sumiksik sa mga estudyante para makadaan. I texted Kree para may kasama ako.

To: Kree bessywap

Saan ka bessy?

It took a couple of minutes bago siya nag-reply.

From: Kree bessywap

Gym. Sa right bleachers bes. Sa mga educ.

Hinanap ko ang sinabi niyang pwesto at nakita siyang may hawak na banners ng mga educ.

Educ? Kalaban nina Vince?

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now