Chapter 9

259 16 1
                                    

Janelle's POV

Paulit-ulit kong iniisip kung tutuloy ba 'ko o hindi. Pero dahil nga napakabait kong tao at hindi naman ako bitter, though nasasaktan ng konti, tumuloy pa rin ako sa birthday party ni Tita Sandra.

"Don't worry, hindi ka naman siguro big issue dito. Duh! Birthday celebrant kaya ang nag-invite sa 'yo," maarteng sabi ni Kree habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Tss. Itikom mo nga 'yang bibig mo. Baka may makarinig sa 'yo kung ano pang isipin," suway ko sa kanya at nagpalinga-linga para hanapin si Tita Sandra. Hindi matao, mukhang ilan lang talaga ang inimbita.

"Ay naku, Janelle! Bahala ka na, basta ipapakilala kita sa mga pinsan 'ko. Isipin mo na lang na multo sina TJ at Aicka. Just nevermind, okay?" Hinila na ko ni Kree palapit sa mga bisita kaya inayos ko ang sarili ko at nagpatianod na rin sa kanya.

"Happy birthday Tita! I'm sorry we're late. Here's my gift po. Happy birthday ulit!" Maligayang bati ni Kree kay Tita Sandra at nakangiti naman itong bumaling sa 'min.

"H-Happy birthday po, eto nga po pala para sa inyo." Nakangiti kong bati sa kanya habang nasa gilid ng mata sina TJ at Aicka.

"Thank you Janelle at Kree. I'm so glad nakarating kayong dalawa. I thought hindi na kayo sisipot," nakangiting sabi nito sa 'min. Nag-aalangan man ay ngumiti pa rin ako.

"Ah sige po Tita. Kakain na po muna kami," siniko ko naman si Kree pero natawa na lang si Tita Sandra.

"Yeah yeah. Go, I forgot na alukin kayo hahaha. Sige magpakabusog kayo," sabi nito at hinigit na ko ni Kree papunta sa mga pagkain.

Dapat pala loose na damit ang sinuot ko para ayos lang kung maparami ang kain.

"You guys are here! Akala ko hindi ka pupunta?" Tanong ni Vince at ibinaling kay Kree ang paningin.

"Nah. Yari ako kay mommy 'pag hindi ako nagpunta." Sumunod na lang ako sa kanilang dalawa na ngayon ay papunta na sa mga lamesa.

"Ah." Walang gana namang sabi ni Vince at sumulyap sa 'kin na unti-unting bumabagal ang lakad.

"Ikaw Vince, bat ka nandito? Wala ba kayong practice? Malapit na ang foundation day, a." Tanong ni Kree kay Vince habang naupo kami para magsimula nang kumain.

"Wala lang. Nagtataka lang ako kung bakit narito ang kaibigan mo." Tinaasan ako ng kilay ni Vince kaya inirapan ko na lang siya.

Bwisit na 'to. Ano bang paki-alam niya kung narito ako?

"I was invited by Tita Sandra. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta," sabi ko at uminom ng juice para matapos na ang pagkain ko.

"But you're presence is not needed here," napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagsasalita ni TJ na nasa likod na pala ng upuan ko. Katabi niya si Aicka na mukhang wala namang paki-alam pero masama ang ekspresyon ng mukha.

"Masamang makinig sa usapan nang may usapan, makisingit pa kaya?" Tanong ni Kree pero umiling na lang ako sa kanya.

"It's not as if I'm intruding something Kree," mariing sabi ni TJ sa pinsan.

"Pero ang makisingit sa usapan ng may usapan ay pamamaki-alam na rin TJ. You know that." Biglang tumayo si Vince at hinawakan ang aking palapulsuhan kaya napatayo rin ako at sumunod sa kanya. Nilingon ko pabalik si Kree pero tumango lang siya sa 'kin at ngumiti.

"W-Wait! Ano bang ginagawa mo Vince? Pwede bang bitawan mo ko!" Hindi naman siya nakinig at nagdire-diretso kami hanggang sa makarating sa sasakyan niya.

"Ihahatid na kita. Mag-oovernight kaming magpipinsan kaya hindi ka maihahatid ni Kree," sabi ni Vince at pinagbuksan ako ng pinto. Nakakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Anong maihahatid? Baka ako ang my dala ng sasakyan! Ano bang drama 'to Vince at may pahila-hila ka pa?" Naiirita ako sa pagiging paki-alamero niya.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

Nang makitang masama ang tingin ko sa kanya ay bumuntong-hininga na lang siya.

"Look, h-hindi ko nagustuhan ang sinabi sa 'yo ni TJ kaya bago pa man kayo mag-away, m-mabuting ilayo na lang kita sa kanya." I sighed and just rolled my eyes towards him.

Bakit ba nakikisawsaw siya sa buhay ko? Wala akong natatandaang atraso sa kanya.

Iba na talaga ang topak ng lalaking 'to.

Napailing na lang ako sa kaniya na nakatingin lang sa 'kin habang namumungay ang mga mata.

"Salamat sa concern pero wala kang obligasyon sa 'kin. Kung mag-away man kami labas ka na doon. At isa pa wala ka talagang obligasyon sa 'kin kaya tigilan mo yang mga pangti-trip mo... B-Baka kasi kung anong isipin ko and I don't like that way so stop it." Tinalikuran ko na si Vince at naglakad papunta sa pwesto ng kotse ko.

Leche.

Ano bang sinabi ko sa kanya? Parang ang tanga yata, baka kung ano pang isipin niya.

Bwiset.

"S-Saglit Janelle, ihahatid na kita." Sinamaan ko ng tingin at sinimangutan si Vince na nakaharang sa daraanan ko.

"Itatak mo naman sa isip mo kung ano yung sinabi ko! Hindi ka ba nakakaintindi? Aba e nakakasawa rin yang mga paganyan-ganyan mo. Nakakairita ka na alam mo 'yon?" At dahil siya nga si Vince, ngumiti na lang siya sa 'kin ng malapad na walang bakas ng pagkalungkot kanina.

"Okay lang sa 'kin na kung anu- ano ang isipin mo kasi darating ako sa punto ng buhay ko na lilinawin ko 'yan at magkakaintindihan tayo. Sa ngayon, hayaan mo muna ako sa mga obligasyon ko sa 'yo," hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kanya. Niyakap niya ko ng mahigpit at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"G-Gago ka Vince," pero hindi niya ko pinansin at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinayaan.

"Gwapo ako hindi gago." Napailing na lang ako sa tinuran niya at hindi sinasadyang dumako ang mata ko sa harap ng kotseng nakaparada.

Napakalandi ko. Kakahiwalay lang tapos may paganito.

K-Kaya pala, naghahalikan sina TJ at Aicka. Kailangan ba talagang ipakita? Ipapamukha pang masaya sila?

"Salamat Vince p-pero hindi na. H-Hahaha lintek! K-Kita sa reflection ng salamin oh! Kita k-kase... Masakit pala... M-Masakit," akala ko kaya ko. Lumipas ang ilang araw na nakakasanayan ko naman na wala siya. Pero tama nga sila, matapos ang ilang araw na 'yon saka ko lang mararamdaman yung sakit na sinasabi nila.

"S-Sorry Janelle..." Umiling ako kay Vince kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

"Tss. I-Its not your fault. Walang may kasalanan, pero salamat na rin sa pagtakip ng katotohanan. Pero sana sa susunod h-hayaan mo na lang akong masaktan. Kaya ko naman kasi, a-ako pa? 'Wag mo na kong ihatid. I can do it. " Nagpunas ako ng luha at pilit na ngumiti sa kanya. Tsaka ko siya tinalikuran at magtutungo na sana sa kotse ko. Pero nagsalita muna siya.

" Janelle... Nandito lang ako handang takpan ang mga mata mo, 'wag ka lang masaktan. Kaya please s-sana hayaan mo 'ko."

Muli akong umiling at iniwan na siya.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now