Special Chapter 3

278 8 9
                                    

"Saglit, El." I looked back at Vince. He stared to my eyes and smiled. Slowly, he bent down on his right knee.

I rolled my eyes at him and crossed my arms. Gusto ko siyang batuhin ng librong hawak ko. Feeling niya naman I'll believe him na magpo-propose na siya? Asa ka pa Vince.

"Bilisan mo na. Tigilan mo 'ko sa trip na 'yan, hindi na nakakatuwa." I seriously told him.

Sumeryoso siya at mabilis na tumayo. "May pinulot lang naman ako."

Leche. Ilang taon ka nang may pinupulot eh! Palagi siyang ganan, nakakainis na! Naging trip na niya sa buhay ang paluhod-luhod, 'yong aasta na magpo-propose. Tapos kapag nagugulat ako, hahagalpak siya ng tawa. 'Yon pala nagtali lang ng sintas, may nakitang barya, etcetera etcetera! Nakakabwisit siya!

Tumakbo siya palapit sa 'kin at inakbayan ako. Inalis niya rin nang sikuhin ko siya. Nakalimutan yata na nasa school kami.

"I'll go to my class na. See you later, " I waved at him and went inside the classroom.

"Ayiieeee..." my Grade 11 students teased.

"Sana all Teacher Janelle may naghahatid!"

"Ang gwapo pa ni Sir Vince, sana teacher natin siya next school year!" says Mira.

"Sana si Teacher Janelle pa rin sa taon! " Andrew said. I smiled because of their naughtiness.

"Plus five ka sa subject 'ko Andrew. But if you still want me to be your teacher, then  you have to stay in Grade 11."

"Joke lang po ma'am! 'Wag na rin po ang plus five." We laughed and then I started to ask for the attendance.

I'll surely miss this section.

***

"Really? Ginawa na naman niya? Hahahaha. Typical Vince, " Kree said over the phone. I told her about Vince's stupid trick against me.

"Nakakainis na 'yang pinsan mo Kree. Nagiging hobby na ang pagluhod!" humagalpak ulit siya ng tawa.

"Gumanti ka Janelle."

"How? Shall I imitate his stupid tricks?!"

"You're better than that," I can imagine her smirking.

Bigla akong namula. Ganti. Luhod.

"B-Baliw ka talaga!" Tumawa na naman siya. Bakit ko ba naging kaibigan 'to? Pareho silang may sapak ni Vince.

"Well.. at least nga siya, nagpa-plano ng ganoong proposal eh. Si Shin, walang effort nang mag-propose."

Wait.. speaking of their engagement, hindi ko nga pala alam kung paano siya niyaya ni Shin na magpakasal.

"Bakit? Ano bang ginawa niya? " I asked curiously. Paano niya naman nasabi na walang effort?

"Hindi ko pa pala naku-kwento?"

"Hindi pa." She giggled.

"Uh.. Nag-propose siya while we're both panting and hardly breathing. You know.. while doing it. That's the most--" I immediately hung up the call.

Baliw!
***

"Hi!"

"Hi! Naka-order na 'ko ng pizza. Ligpitin ko lang ang kalat ko," I went inside Vince's room. Dito pa rin siya nakatira and himala na nagtagal siya.

Siguro... matiyaga lang talaga siya.

"Ano bang ginagawa mo? " I asked while he's closing his laptop.

"You remember Emil? " I nodded. Blockmates niya noon sa Engineering. "May tinanong lang about some stuffs."

"Okay. Anong movie ang gusto mong panoorin?"

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now