Chapter 22

192 7 0
                                    

Janelle's POV

Umandar na paalis ang sasakyan ni Vince. I sadly glanced on it and take my way up to my unit.

"Hindi man lang ako kinausap, " bulong ko sa sarili ko.

Nagalit siya sa akin? Bakit naman?  Kasi magkasama kami ni TJ?

Pero hindi ko 'yon kasalanan.

Psh, bahala siya. Wala akong kasalanan at kung magso-sorry ako, e di parang inamin ko na rin na may mali ako.

Mas mabuti pang isipin ang demo ko this week. Bahala ka sa buhay mo Vince!

***
I looked at the clock. 10:15 p.m, malapit na 'kong matapos sa lesson plan ko.

While typing a short exercise on my laptop, biglang nag-pop ang name ni Vince.

From: Vince
El?

Hindi ko pinansin and continued what I am doing. Maya-maya pa,  nagsunod-sunod ang messages.

From: Vince
Hey?

Still awake?

Active status mo, please reply babe.

Babe? Leche sinong babe?!

Janelle, I know you're awake. Please reply. I'm sorry. I'll call you.

Maya-maya pa nakita ko na ang nakakairita niyang pagmumukha.

I pressed the answer button at magkavideo call na kami.

"I'm busy. Lesson plan."

"5 minutes El," he said. Umirap ako, and I made sure na nakita niya.
"I'm sorry kanina kung hindi kita kinausap. Nainis lang ako and n-nagselos. I hate that feeling El, pero sorry pa rin. "

"Wala akong ginawang masama Vince. Alam mo na busy ako sa office kasi may pinagagawa sa akin si TJ, ang SC president. Tapos biglang hindi mo 'ko kakausapin? Ano ka, si Gerald Anderson?! "

"Sorry na El. Please.."

Umirap ulit ako. Nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Tsaka hindi ako babaero, 'wag mo 'kong igaya kay Gerald, " sabi niya.

I sighed. Naglaho na rin ang inis ko.

Bumaling ulit ako sa laptop and looked at him. Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansing umiiyak siya!

"H-Hoy Vince... " He looked at me.

"P-Pasensya na, hindi ko lang mapigilang umiyak..." Nagpunas siya ng luha and tried to smile.

Iyakin talaga siya?  Grabe kalalaking tao!

Wait, frst LQ namin 'to?

Aish!  Ano ba Janelle?

"O-Okay na, I forgive you. 'W-Wag mo na lang uulitin," sabi ko pero sumisinghot pa rin siya.

"Sorry ulit El. "

"Okay na nga."

"Hindi ka na galit? "

"Hindi na. Nag-dinner ka na ba? "

Umiling siya. Umirap ulit ako. Ngumuso siya, sinamaan ko ng tingin.

"Galit ka na naman? "

"E bakit hindi ka pa kumakain? Anong oras na Vince, mag-aalas onse na oh?!"" Naiinis kong sabi na  tumingin pa sa wall clock.

"Galit ka na naman. Hindi ako kumain kasi hindi ako mapakali na hindi kita kinausap kanina. "

"So kasalanan ko? Ganon ba Vince? " Umiling siya tsaka naghilamos ng mukha. I can see his eyebags na.

"Tss. Hindi Janelle, ang sa akin lang---"

"Tse! Goodnight!" I turned off the call immediately. Muli siyang tumawag pero nireject ko.

Nag-log out na rin ako sa facebook. Maya-maya cellphone ko naman ang nag-ring. Hinayaan ko na lang and continued writing my lesson plan.

Ginigigil ako ni Vince. Mabuting hindi na siya tumawag. Tsh.

Tsaka nakakainis kasi talaga siya. Hindi rin naman ako kumain ah. I forgot na kumain nga ng dinner.

Anong tawag sa amin? Magjowang gutom. Psh.

Maituloy na lang ang LP ko. Mas mabuti pa nga.

Evaluation and then assignment. 'Yan tapos na! 

Wait.. May nagdo-door bell. Maghahatinggabi na ah.

Sinong abala 'to? I saved my LP saka ini-off si lappy.

Iniligpit ko saglit ang mga gamit ko. I looked at the mirror, shaks ang oily ko.

Dahan-dahan akong nagpunta sa pinto. I opened the door.

My eyes widened because of Vince. Napalunok ako and I avoided his gaze.

"Here, I brought dinner for you." Tinanggap ko ang dala niya. Nilakihan ko na rin ang bukas ng pinto para makapasok siya.

"Gabing-gabi na Vince. Dapat natulog ka na lang." Dumiretso ako sa kusina para ayusin ang dala niya.

"I can't sleep knowing you're mad at me. "

English speaking na naman siya. Ano ba Janelle? Nag-effort na nga yung tao.

"Nainis lang ako, 'yung pahuling inis ko sa 'yo,  topak lang 'yon. I'm sorry din. Dapat hindi ka nagpunta dito kasi gabi na. Isa pa delikado sa daan. " He didn't say a word.

I stiffened when I felt his body at my back.

Unti-unti niya kong niyakap mula sa likod.

"I'm sorry,  from the beginning it's my fault. Mali ang inasal ko kanina. Hindi ko na uulitin El, " Vince said at hinigpitan ang yakap sa akin.

May mali rin naman ako pero bakit parang sobrang bait naman yata ng taong 'to?

He's too good to be true. I just wish that this truth will not hurt me, at least not intentionally.

Aware ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko mang aminin pero ramdam ko ang puso ko, its halfway going there.

Humarap ako sa kanya. I touched his face and intently looked on his eyes.

"Your not a rebound anymore Vince. Please, don't tear my heart into pieces. If you'll leave me, just say it. I wont ask why. Basta magpaalam ka, magsabi ka. Hindi kita pahihirapang magdesisyon. And if you'll stay beside me, I'll guarantee that my heart is all yours. " I smiled.

Wholeheartedly, I closed my eyes and searched for his lips to meet mine.

#

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now