Dedicated to: ZsugarSmith
Thank you for adding my story;)Janelle's POV
Stupidity always strikes in me. Kaakibat ko siguro 'to. Alam kung anong dapat gawin pero palaging nagpapakatanga.
"Kailangan nang papirmahan ang mga letters para sure na makakasabay tayo sa plano natin. Tapos na ba Janelle? Mahirap hanapin ang director, he's always busy kaya as as possible dapat ayos na 'yan." Ani TJ habang nakatingin sa 'ming mga officer.
Nagme-meeting na naman para sa gaganaping foundation week.
Medyo busy pero kinakaya pa naman."Y-Yes, papipirmahan ko na 'to mamaya. I-turn over ko na lang sa 'yo 'pag okay na," sabi ko na may mababang boses.
Hindi ako makatingin sa kanya, bumabalik kung ano yung nakita ko.
Tumango muna siya at bahagyang nag-isip.
"I'll go with you after this meeting." Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen.
Please Mr. Heart, sinaktan ka niya. 'Wag ka nang magwala sa kaba.
"S-Sige." Tumungo na lang ako at tinitigan ang letter na hawak ko.
"May clarifications pa ba? Kung malinaw na ang lahat, meeting adjourned." Naunang tumayo si Aicka at nagmamadaling lumabas. Sinundan siya ng tingin ni TJ saka nagbuntong-hininga.
"Bakit nga pala wala si Vince?" Tanong ni Macie habang nagliligpit ng gamit niya. Walang sumagot kaya tumingin sila sa 'kin.
"Oh, b-ba't ako?" Nakakunot noo kong tanong sa kanila.
Kamalayan ko kung asan 'yon. Bat 'di nila tanongin 'yang pinsan niya?
"Huwag niyo nang hanapin ang wala, make sure na magagawa niyo ng maayos ang mga nakatokang gawain sa inyo." Masungit na sabi ni TJ at saka bumaling sa 'kin. "Aren't you finish yet? May gagawin pa 'ko, bilisan mo."
Inirapan ko siya ng palihim at saka iniligpit ang mga gamit ko.
"Una na kami guys," paalam ko sa kanila at nagsabi na lamang sila ng ingat.
Pagkagaling namin sa office, sa may gymnasium kami ni TJ dumaan nang mag-chat si Vince.
From: Vince Villafuerte
Oy, masyado kang masaya na kasabay siya. May iba na 'yan.
Bwiset na 'to, pakialamero.
To: Vince Villafuerte
Seen.
From: Vince Villafuerte
Basta 'pag pinaiyak ka niya, andito lang ako ha. Ingat:)
Nakakapangilabot ang mga sinasabi niya. Itatago ko na sana ang cellphone ko nang mag-vibrate ulit ito.
From: Vince Villafuerte
Kahit nakakainis ka, miss pa rin kita. 'Wag mong ipahalata na kinikilig ka, masyado akong sumasaya:3
Pumikit ako ng mariin para maibsan ang inis ko. Bwiset talaga 'to, ang lakas ng trip sa buhay.
"Nga pala, sana huwag ka nang pumunta sa bahay kapag in-invite ka ni mommy. H-Hindi kasi magandang tingnan, nagseselos si Aicka. Pakiramdam niya mas gusto ka ng relatives ko," sabi ni TJ.
Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at pinakiramdaman ang sarili ko.
Torture pa more. Akala ko may rason siyang maganda kaya niya 'ko sinamahan, m-mananakit lang pala.
"I once told you that I don't want her to get jealous. I love her too much so hurting her makes my heart ache also, p-please dumistansiya ka." Tumigil ako sa paglalakad ganoon rin siya. May ilang estudyante ang napapatingin sa direksyon namin pero umiiwas ng tingin.
"A-Anong gusto mong gawin ko? Umalis sa pagiging secretary para talagang iwas na iwas, o magtago na parang may kasalanan ako sa tuwing makikita ko si tita Sandra, o kahit na sinong kamag-anak mo?! TJ, 3 years ang pinagsamahan natin pero... p-pero bakit ganon ha?! Napaka-insensitive mo!" Lalapit sana si TJ nang makitang maglandas ang luha sa pisngi ko pero sa huli, nag-iwas na lang siya ng tingin.
"I-Im sorry Janelle, ayokong saktan ka pero wala akong pagpipilian. H-Hindi na kita m-mahal."
Right. F*ckin right!
Marahas kong pinunasan ang luha ko at saka dahan-dahang tumango sa kanya.
"Kahit ilang beses mo kong nasasaktan, ikaw pa rin ang inaasahan kong tatawag tuwing umaga para gisingin ako araw-araw. H-Hinihiling ko na sana mapanaginipan kita kasi d-dun ko lang ulit mararanasan na akin ka, pero wala e... nightmare ang nangyayari. Sorry kung nagseselos ang girlfriend mo, sorry kung hindi kita makalimutan, s-sorry kung hindi ko magawang lumayo sayo, s-sorry kasi m-mahal pa rin kita. Don't worry, i-iiwas na ako para imaging okay kayo." Dali-dali kong kinuha ang letter sa bag ko at ibinigay sa kaniya.
"I-Ikaw na lang ang magpapirma ha, may gagawin pa nga pala 'ko."A/N: Sorry for the short update but please don't forget to vote and leave your comment para naman makapag-dedicate ako:) Thank you! ©.©