Janelle’s POV
“Nagmamaganda ka na naman diyan.” Napakaganda talagang bumati ng bestfriend ko.Palibhasa naunahan ko siyang pumasok kaya nang-aalaska na naman. “I thought you were with Shin kaya inagahan ko talaga. Where is he?” tanong ko kay Kree with matching lingon pa.
Inirapan niya lang ako. Saka siya naupo sa tabi ko.
“Andun sa trabaho, nambababae,” mapakla niyang sabi. May pinagdadaanan ‘to e, hindi lang nagsasabi.
“So he’s working already?” I curiously asked her. Speaking of that Shin, wala pa akong naririnig tungkol sa kanya bukod sa ‘manliligaw’ siya ni Kree.
“Yeah. Responsableng tao kuno sabi ni mommy. Bakit kaya hindi siya ang magpaligaw sa singkit na ‘yon?” naiirita niyang sagot. Ewan ko ba dito sa babaeng ‘to, maganda siya at maraming suitors pero palaging hindi nagpapaligaw.
Mahilig rin siya sa masarap a.k.a guwapo.
“Sagutin mo na lang tapos i-break mo.” I laughed.
Tumahimik siya sandali saka nag-isip. Hinampas ko siya sa braso.
“Oy, joke lang ‘yon ha. Baka seryosohin mo.”
“Por que masaya lovelife mo ganan ka. ‘Pag ikaw pinaiyak ni Vince, tatawanan talaga kita tapos isasama ko sina TJ at Aicka. Tapos ipakikilalala ko si Shin as my boyfriend para maging ampalaya ka ulit, leche ka Janelle!” Hinampas ko ulit siya sa braso.
Baliw talaga. Speaking of Vince, asan kaya ‘yon?
“Nakita mo ba pinsan mo?” Pero baka dumaan ulit sila dito. Baka makita ko siya. Nagtaas ng isang kilay si Kree.
“Si TJ ba o si Vince?” natigilan ako sa tanong niya. She intends to mock me pero I felt bad.
I-I don’t like the question.
“S-Si Vince malamang.”
“Hindi e, nabanggit niya sa ‘yo ung party?” I nodded. “So? Are you coming or… not?”
I bite my lips saka tumingin sa harap para mag-iwas ng tingin sa kanya.
“H-Hindi e. Nahihiya ako sa relatives niyo. Tsaka isinasama ba ni TJ si Aicka sa ganoong usapan?”Bumalik ako ng tingin kay Kree.
“Oo, minsan. Madalas daw kasing busy si Aicka e. Don’t worry next month na ulit ‘yon mauulit. Buti pumayag si Vince?”“I think nagtampo. Pero demo kasi natin ‘yon diba? Kaya pagkatapos ng demo, magpapahinga na lang ako.”
“Tama ka naman. Medyo nakakapagod naman talaga.” Biglang umingay sa hallway. Baka padaan na sila.
Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Vince kasama ang mga blockmates niya. Hinihintay ko siyang lumingon pero yung kasabay niya ang nakita kong tumingin sa banda namin.
I sighed. Maybe he got angry about it?
“I smell something fishy.”
“Nagtampo nga kasi.” Nakalampas na sina Vince pero hindi siya tumigil sa room namin.
“Suyuin mo, para naman makaramdam ng pagmamahal yung pinsan ko.”
“Paano?” Wala akong idea.
Kakantahan? Pero lalaki ang gumagawa noon e. Tsaka babagyo kapag ako ang kumanta!
“Magpakain ka bessy.” Nanlaki ang mga mata ko. Natawa naman siya.