Chapter 8

256 13 1
                                    

Janelles POV

"Sige na please... Samahan mo na 'ko saglit lang tayo promise!" Naiirita na 'ko sa pangungulit ni Kree. Kanina pa siyang narito sa unit ko at nagpapasama sa mall.

Tinatamad nga ako at andami ko pang kailangang gawin.

"Wala akong pera." Sabi ko sa kanya at sumalampak sa sofa. Ini-on ko ang TV para manood pero pinatay din niya.

"Hindi mo naman kailangang gumastos, may bibilhin lang akong gift para kay tita Sandra. Since favorite ka niya, I'm sure alam mo ang taste niya." I made a face towards her.

Tanda niya ba kung sino si Tita Sandra? Halata namang hindi susuko si Kree kaya tumayo na ako.

"Yeah right, sige na. Magbibihis lang ako." Ngumiti naman siya ng malaki at saka muling binuksan ang TV.

"Faster ha, baka abutin tayo ng traffic. Nakaka-haggard!" Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy na lang sa kwarto ko.

***

"Tsk. Ang hirap talagang pumili ng gift kahit kailan. What do you think, this one or that na naka-hang?" Tinignan ko ang tinuturo niya nang mapansin ko si Vince na nasa may katapat na store.

"Sino ba yang sinisilip mo diyan? Oh si Vince! Ay, may kasamang girl. Sayang, akala ko pa naman manliligaw siya sayo." Wala na namang tigil ang ang pag-imik niya. Kung di ko lang talaga kaibigan 'to.

"Wag na tayo dito, walang maganda." Sabi ko kay Kree at hinigit na siya palabas.

"Lapitan muna natin si Vince, baka bibili rin siya ng gift for Tita."

"W-Wag na. May naisip na akong maganda. Nasa third floor, tara." Dali-dali ko siyang hinigit palabas pero nakasalubong din namin sina Vince.

"Tumahimik lang ako ng kaunti, ayoko kasing mairita ka. Baka layuan mo ko at iwasan na ng todo. Ayokong magalit ka..."

Bakit ba siya nagp-play sa utak ko?

T_____T

Matapos sabihin 'yon, may ibang kasama?

"Kree? Oh my gosh ikaw nga! Kamusta ka na? You look prettier ha." Maarteng sabi ng babaeng kasama ni Vince. Tinignan ko naman si Kree at halatang fake ang ngiti niya.

"Same to you Michelle, ah eto nga pala ang best friend ko si----" pero biglang umiling si Vince.

"May pupuntahan pa kami. Next time mo na lang siya ipakilala. Let's go." Tapos hinawakan niya sa kamay yung babae.

"Ha? Sayang she looks pretty pa a naman. Why not now?" Rinig pa naming reklamo nung Michelle habang paalis sila.

"Selos agad bessywap?" Tanong sa kin ng magaling kong best friend. Hindi ko na lang siya pinansin at nagderetso na ko sa escalator. Mabilis naman siyang naglakad para makasabay.

"Samahan mo rin kaya akong magsalon? Then I'll buy a perfect dress na lang para deretso na sa party."

"Bwiset ka, sige." Tuwang-tuwa naman siya at iniangkla ang braso niya sa akin.

Pagkabili ng regalo ay bumaba kami sa 1st floor para magpasalon.

"Ikaw Janelle? Ayaw mong magpasalon?" Umiling na lang ako at naupo sa waiting area.

Sinimulan ng ayusan si Kree habang nagbabasa naman ako ng magazine.

"Yes, of course saglit lang 'to. I just don't like the manicure of my nails kaya papaltan ko. Yes yes sige, I'll see you later. Bye." Saglit akong tumingin sa nagsasalita. Napatingin rin siya sa 'kin ng maramdaman ang titig ko sa kanya.

Tita Sandra.

Tumayo ako para batiin siya.

"Ahmm. H-Happy birthday po Tita." Ngumiti muna siya sa kin.

"Thank you Janelle. I'm glad that you still remember my birthday. Sinong kasama mo? Are you alone?" Umiling lang ako at tumingin sa direkayon ni Kree na busy sa pamimili ng design ng kuko niya.

"Ah, so you're with my niece. You'll go to my celebration later right?"

Wala pa po ba kayong balita?

"Pero tita---"

"No buts ok? I'll see you later. Its a mini celebration lang naman. Family and close friends lang ang invited. Some of TJ's friends will come din. I'm expecting you to be there."

"S-Sige po Tita. Happy birthday po ulit."

"Thank you hija, I'll leave you here na ha." Tumango na lang ako at pinagmasdan si Tita Sandra na kausapin ang bading mag-aayos sa kanya.

"I changed my mind na pala. Ayoko nang mag-pasalon." Taka naman akong napatingin kay Kree ng bigla siyang lumapit.

May pahid talaga 'to.

"Baliw ka talaga, nagsasayang ka ng oras e." sabi ko sa kanya at sumunod na palabas ng salon.

" Basta ayoko na, kumain na lang kaya tayo. Pupunta ka ba mamaya? I saw Tita Sandra talks to you."

"Pinapupunta niya ko e, she's expecting me to come daw. Paano kaya 'yon? I'm sure Aicka will be there. Awkward kaya."

"Hindi naman ang pinsan ko ang pupuntahan mo. Yung nanay niya," mariing sabi ni Kree at inirapan na lang ako.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now