Chapter 23

177 10 0
                                    

Janelle's POV




"Gusto ko nang umuwi," Vince said. Magkatabi kaming nakaupo  sa sofa at nakasandal ako sa kanya.

Nilunok ko ang pop corn na nasa bibig kosa. "Sige, ingat ka. Tatapusin ko na muna itong movie before I go to bed. "

Suminghal siya. "Wala man  lang,  Babe,  dito ka na matulog. Gabi na, delikado sa daan. Wala ka talagang puso El. " Pinilit pa niyang ibahin ang boses niya.

"Teacher ako, maraming masasabi ang tao."

"Hindi ka pa graduate, 'wag kang feeling El, " binatukan ko siya.

"Lumayas ka na Vince. Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo, " tumayo ako. Nanatili naman siyang nakaupo.

"Miss, 'w-wag po. Please miss,  inosente po ako." Lumingon ako sa kanya at nakasuksok siya sa sofa.

Parang takot na takot.  Bakit ko ba nakalimutan na baliw nga pala siya?

Bakit hindi siya sumali sa drama club? Mas bagay siya don, maraming arte.

"Ha ha Vince. Layas na, matutulog na pala ako, " I said and hinila siya papuntang exit door.

"Hindi mo talaga ako patutulugin dito? Hindi ka naaawa sa 'kin El? " Inirapan ko siya. "Hindi ba nasasaktan yang mata mo kaiirap? "

"Hindi!  May sariling buhay 'to."

"Ay corny ng mahal ko hahahahaha!" Ano bang nangyayari dito?  Nauulol na naman.

"Inaantok na nga kasi ako, umuwi ka na." Tumigil siya pagtawa.

"Opo, eto na.  Sinusubukan ko lang naman ang patience mo na... alam mo na... igalang ang pagkalalaki ko," ngumiti siya nang makulit. Alam niyang hahampasin ko siya kaya nagtatakbo na siya palabas sa pinto.

"Baliw ka talaga. 'Wag ka nang pupunta ng gabi dito, nahahalatang aswang ka. Kung ano-anong sinasabi. Leche!" dere-deretso kong sabi pero lumabas kaagad siya.

Nang maramdaman niyang tahimik na 'ko, sumilip siya sa pinto.

"El, may mini celebration nga palang gaganapin sa bahay. Nabanggit na ba sayo ni Kree? " Parang. Kaso hindi ko na tanda.

"Wala e. Ano ba 'yon?" Nakasilip pa rin siya.

"May kaunting salu-salo, darating ang ibang relatives namin. I want you to be my date. "

Sa bahay nila? Relatives? Date? Ipapakilala?!

"I-Ipapakilala mo na 'ko? "Nauutal kong tanong. Medyo niluwagan na rin ang pinto kasi mukha kaming tanga.

"Yup. Mabait naman sila,  you don't have to worry. "

"Kailan ba 'yan?"

"This coming Friday na."

"Sinong may birthday pala?  Ikaw ba? "

Ngumiti siya saka nagkamot sa ulo. Marami ba kong tanong?  Nakukulitan na yata.

"Every month nagdi-dinner kaming buong clan. Kamustahan,  ganon." Takte!

Isinasama ako ni TJ doon ah. Parang ang complicated naman. Yata?

"Pero Vince... " Ipinakilala ako ni TJ doon e. Naisama na niya 'ko.

"Why?  Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa a-ayaw ko. Kaso diba, they knew me as TJ's girlfriend---"

"You mean ex-girlfriend." Umirap din siya. Yung pilik niya talaga. Ang sarap itirintas.

"Yon nga. Tapos biglang ikaw naman ang boyfriend ko, ang awkward diba? Vince diba?"

"..."

"Vince? Uy. " He sighed.

" I understand."

"Sorry Vince. Tsaka demo ko naman 'yon so magpapahinga na lang ako."

Tumitig siya sa 'kin. Saka malungkot na ngumiti.

"A-Ayos lang El. Good luck sa demo mo. See you tomorrow. "

He kissed me on my cheeks saka lumabas ng unit ko.

#

A/N: Tadaaaa. I'm back!  :) Maikli lang 'yan pero sana magustuhan niyo ang UD, don't forget to leave your comments and paki-vote na rin! Thank you!!!


Ex or ReboundWhere stories live. Discover now