Chapter 27

181 6 0
                                    

Dedicated to: Mela a.k.a. deyeibre

Janelle's POV

"Why do you always have to turn your back on me? "

Parang nagbara ang pagkain sa lalamunan ko at hindi ko malunok dahil sa tanong ni TJ.

Sinadya kong agahan ang gising para maunang mag-breakfast sa kanila pero inabutan pa rin niya 'ko.

Hindi ako makasagot. Parang galit siya. Nakakatakot pa naman 'to.

"You got it wrong TJ, I'm just sleepy last night." I tried to make my voice not shaky.

"Tss. Really  Janelle?" he said full of sarcasm. "Inaantok ka? Noong papunta sa garden,  'di ba iniwan mo ko? "

"Gutom nga kasi ako, " bakit ba ayaw niyang maniwala?

"Nauna kang magbreakfast, I told you last night na sabay tayo. "

Bakit ba puro ka tanong? Kumain ka na lang kaya?

"Gutom na 'ko. I can't wait for you. " Sumubo ako ng marami para hindi ko na masagot ang tanong niya. Umiling siya, seeing I'm hopeless.

Well bahala siya.

Ilang beses siyang nagtangka na kausapin ako pero hindi ko pinansin.

"Hi! Ang aga niyong gumising ah," ani Eba. Maganda yata ang gising. Umupo na rin si Juan dala ang tray ng foods nila.

Tumango si TJ sa kanila,  I just smiled.

Makaramdam sana kayong dalawa.

They started eating too. Nagtatanong si Eba paminsan-minsan about school. Hindi siya matapos kakasalita. Writer nga 'to,  madaldal.

"Akala ko talaga nag-iiwasan kayo e pero seeing you right now eating together,  mali pala ako, " ani Eba. Pagkatapos tumawa siya.

Take note, siya lang ang natawa.

Sinubuan siya ni Juan ng kanin. Maraming-maraming kanin.  "Eat a lot. Don't speak," anito.

Buti pa 'to nakakaramdam.

***

I finished packing my things. Today is our last day in seminar. Tapos bukas ng umaga paalis na kami.

Kasalukuyang ginaganap ang closing ceremony ngayong gabi. Ang ewan nga kasi bakit hindi bukas?

May mga non and alcoholic drinks din at snacks na available, as usual kaming apat ulit ang magkakasama.

"Excited na kong magwalwal, ang tagal matapos. " Reklamo nung isang kasama namin sa table.

"Well, I don't mind leaving this area," sagot nung isa. He got his phone and looked at my side. Tapos nagkamot sa batok niya.

"You drink alcohol Janelle? " Eba asked.

Umiling ako bilang sagot. Hindi ko pa nata-try. And I'm not interested.

"How 'bout you TJ? "

"Sometimes Eba, " TJ answered.

True to what he said, eto at namumula na siya ngayon. Si Eba naman nagwawala na sa gitna habang nakabantay si Juan.

Malakas na rin ang tugtugan at halos magwala na ang lahat. Siguro way na rin nila para mailabas ang stress sa school.

"Uh.. Janelle right? " I looked at the guy beside me. Hindi ko siya narinig agad kaya medyo lumapit siya.

"Yes? "

"C-Can we have selfie. Souvenir sana, I'm Josh by the way, " tumawa siya na parang nag-aalangan. Siya yung nagkakamot ng batok kanina. Wala akong nakikitang problema so I said sure.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now