Chapter 31

182 9 0
                                    

Janelle's POV

After naming mag-boodle fight kahapon,  may ilan ding nanlibre ng pizza kaya ginabi na kami ng uwi.

"Grabe ka bessy, kagigising mo lang talaga?" Alas onse na 'ko bumangon. Kung hindi pa dumating si Kree, hindi agad ako magigising.

"OA ka Kree. Kailangan magbawi sa tulog, okay! Ilang buwan tayong puyat. Bakit ka ba nandito? "

"Gala tayo. Tapos catch up na rin. Na-miss kita! " She hugged me nang mahigpit kahit wala pa akong ligo.
I missed my best friend, too.
Tiyak na marami kaming pag-uusapan.

"Buti ka pa, mukhang naging ka-close mo yung mga kasama mo samantalang ako, parang palagi nilang pinag-uusapan." Kasalukuyan kaming nasa mall. We're currently waiting for our order sa paborito naming fast food.

"Yeah. I remember nga na nag-chat ka about it. Hindi ako naka-reply kasi feeling busy. Alam mo na. " Busy kamo kay Shin, nakatira sila sa iisang bahay. And I found out, fiance niya!

Hindi na ko nagtanong-tanong kasi hindi naman siya mahilig mag-share, saka lang kapag gusto niya.

"Nga pala, k-kamusta kayo ni Vince?"

"We're good. Last week pa nung huli kaming nag-usap e. Pero nagkaka-chat naman kami."

"So hindi pa kayo break? " Nagulantang ako sa tanong niya. Baliw talaga.

"Alam kong break up ang goal mo sa buhay Kree pero please 'wag kami ni Vince." Nagkibit balikat siya. Saka inayos ang mga order namin.

After eating, nanood kami ng movie at bumili ng lipstick. Naglaro sa arcade at pagkatapos kumain ulit. Saka napagpasyahan na umuwi na.

"Bye Kree. Thanks for the ride. Ingat pag-uwi! "

"Yeah. Kitakits sa Monday. Chat mo ko kapag nasa school ka na. Bye." Bumaba na 'ko ng sasakyan niya at tinanaw ang pag-alis ng car niya.

Tumalikod na 'ko at pumasok sa building. Sumakay ako ng elevator at tiningnan kung anong oras na. Ano kayang ginagawa ni Vince. Should I call him? Baka busy.

When I went out from the elevator, my forehead creased when I saw Isabelle with her usual outfit na nagmamadali na naman. At si Vince na humahangos kasunod nito. Tingin ko nauna silang lumabas mula sa kabilang elevator.

Dahil naka-doll shoes ako, hindi rinig ang mga yabag ko.

"Please, Vince! Just leave me alone! " I heard Isabelle shouted at Vince. Dere-deretso ang lakad nilang dalawa. Mas binilisan ko din ang lakad ko.

Kinakabahan ako, hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman. Nagbalik ang mga sinabi sa akin ni Kree.

So hindi pa kayo break?

N-No. And  ba 'tong naiisip ko?

"Mag-usap naman tayo. Kahit s-saglit lang. Please Chelsea." I heard Vince's frustrated voice.

"Umalis ka na, Vince." Matapos magsalita, pumasok na si Isabelle sa unit niya. Nakakatawang hindi nila 'ko napansin.

"F*ck!" Sinipa ni Vince ang dingding at sinabunutan ang sarili niya. Nakapikit siyang sumandal sa pader. May luha ring tumulo sa pisngi niya.

Vince...

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong pwesto. Ako na parang tangang nanonood sa kanya, sa kanya na walang malay na nandito ang girlfriend.

Agad akong nagpunas ng luha. Nang maramdamang may ibang tao bukod sa kanya, dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

"Vince... " I called his name. Wala pa 'kong sinasabi pero feeling ko pipiyok na agad ako.

Ex or ReboundWhere stories live. Discover now