Chapter 1: Playmate

21.5K 461 274
                                    

“Lillian have you heard? Nanalo daw ‘yung basketball team ng La Salle this season!” Kreezia said excitedly as she handed me the frappe I asked her to buy.

“So?” nagtaas ako ng kilay at humilig sa bench. “It’s not like may iyayaman pa ‘tong university na ‘to dahil sa pagka-champion nila.” I said sarcastically and took a sip on my frappe.

“Ito kahit kailan ka talaga… wala ka ba’ng interest sa mga nangyayari sa varsity team? My gosh ang gwapo nung Teng! As in super. Sobrang hot!” she squealed like she’s being kissed from the neck.

I shook my head and smiled, enjoying her reaction. “Kreezia stop being a fan girl. Magmumukha ka’ng tanga kakatili dyan at kaka-abang sa tweets and post nila online at ganon din sa campus, kakaabang sa kanila everyday but in the end of the day, fan ka lang din.”

“Lillian stop being too bitter, will you? Grabe ha!” naiinis na siya at umusog na lang din palapit sa akin at uminom ng frappe na hawak niya. “Well the MVP is the new member though. A guy named Ricci Rivero. Well he’s a total hottie pero feeling ko jutay.”

“Kreezia!” sigaw ko at pinandilatan siya ng mata. “Ano ba ‘yang mga iniiisip mo?! Are you somewhat seeing them naked while playing?!”

“Well…” humagikgik na siya at di ko na siya napigilan na tumawa. “Pero ang yummy pa din ni Teng. But I think mag shift ako kay Rivero.”

“E diba ang bata pa nun?”

“Gaga, ka age lang natin ‘yun! Saka isa pa ang galing niya talaga maglaro! Jusko pag ako naging jowa nun baka palahi na agad ako!”

“Kreezia!” sigaw ko muli na tinawanan niya lang. Kinikilig na siya sa simpleng pagi-imagine pa lang.

“Lillian stop being a Maria Clara na nga. Alam mo kaunti na lang iisipin ko lesbian ka.” she rolled her eyes on me at di na nagsalita pa.

Actually it’s not that I’m not interested sa mga nangyayari sa loob ng campus. It’s just that… di ko mahinuha kung ano ang essence ng pagiging basketbolista at pagiging fan. ‘Di ko maintindihan kung anong mapapala ng mga fans. Yes, they’re happy because napapansin sila ng mga varsity na kapwa estudyante lang din naman namin. But, oh well… buhay nila ‘yan.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nag desisyon na kami ni Kreezia na pumasok na sa klase. Yes I’m kind of tolerating her fan girling pero never kami mag skip ng class para dyan.

“Lillian nasa gym daw sila!” tili ni Kreezia na ‘di gaanong kalakasan.

“May klase tayo Kreezia. Stop it.” babala ko at nagsagot na ulit ng activity na ibinigay sa amin ng prof namin.

Nang makalabas na kami ng klase ay dali dali niya ako’ng hinila papunta sa gym. Madaming tao ang nanunuod dahil may practice game daw ang Archers ngayon. Dinig namin ang tilian at sigawan sa buong gymnasium.

“Tabi nga!” sigaw ni Kreezia at hinawi ang mga tao na nakaharang sa dadaanan namin. Nang makarating kami sa may bungad ay naandoon nga ang buong team at naglalaro kasama ang isa pang team na di ko alam kung sino.

“Ricci! Oh my gosh! Ipasok mo!”

“Kreezia!” sita ko dahil iba ang tono ng pagkakasabi niya doon.

“Lillian shut up. I’m cheering for my hubby!” sigaw niya at patuloy ang pag sigaw at pag lundag. Napailing na lang ako at hinila siya sa may bakanteng upuan pa sa may bandang gilid ng court.

Naupo kami doon at nanuod sa nangyayaring laro. Magaling talaga ang mga players ng La Salle, kaya din siguro sila pinagkakaguluhan.

“Rivero doing his famous dunk!” anunsyo ng lalaking may hawak ng mic sa isang table at niyanig ng isang matangkad na lalaki ang buong ring sa paglalambitin niya dito.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon