Chapter 57: Perfection

10.5K 528 278
                                    

“Stop crying Lillian…” sambit ni Ricci na ikinagulat ‘ko bago siya lumapit sa akin at pinahid ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki, binabaliwala ang mga taong nakapaligid sa amin na maaaring makakita sa amin. Andoon ang pagmamahal ‘ko pa din sa kanya pero alam ko’ng hindi na pwede. Alam ko’ng kapag nahulog ako dito ay ganoon pa din ang kahahantungan namin.

“Ricci stop.” Awat ‘ko sa kanya at lumayo sa kanya, iniiwan ang kanyang kamay sa ere kung saan naandoon kanina ang pisngi ‘ko. “We can’t.” I smiled bitterly and the tears just won’t stop from flowing.

Naramdaman ‘ko na ang mga tingin sa amin ng mga kasama namin at ayaw ‘ko non. They’ve tried so hard to be with me sa mga oras na wala si Ricci at ayaw ko’ng ipakita sa kanila na isang kausap lang sa akin ni Ricci ay bibigay na agad ako. Ayaw ko’ng isipin ng mga kaibigan ‘ko lalo na si Leesi na napunta lang sa lahat ang mga pinaghirapan naming lahat para lang mapasaya ako at ngayon ay magpapawasak na naman ako sa lalaking nasa harap ‘ko.

“Lillian, please stop crying. Makakasama ‘yan sa babies.” Pagsusumamo niya na nagpatawa sa akin ng pagak.

“How ironic na tinanggi mo sila at ngayon nag-aalala ka para sa kanila.” Ngumisi ako at umiling. “They will be fine Ricci, with or without you.” Mas lumayo ako sa kanya at sa bawat pag hakbang ‘ko paatras ay ramdam ‘ko ang muling pagdurugo ng mga sugat ‘ko na naglalangib na.

“Lillian please do not overthink things and calm down. Do not think things na hindi naman talaga ipinagkait sa’yo. What happened between us is-“

“Is all a game.” I finished the sentence for him.

“No. Lillian no…”

“No more Ricci. I can’t risk another round with you just because you’re showing mercy to me. Just because you’re concerned  with my twins doesn’t mean you are acknowledging them.” Pinahid ‘ko ang aking mga luha at huminga. “Gaya ng sabi ‘ko, hindi mo na makukuha ang karapatan na ibinigay ‘ko sa’yo noon. Makikilala mo sila pero hindi mo na sila pwedeng lapitan.” Nasaktan ako sa bawat salita na binitiwan ‘ko at mas lalo akong nasaktan para sa mga anak ‘ko. Hindi ‘ko akalain na may lakas pa ako ng loob para makipag-usap sa kanilang ama ng ganitong kalapit. Pakiramdam ‘ko sa bawat segundo na naguusap kami ay nasa kapahamakan ang mga anak ‘ko dahil sa sobrang bigat ng loob ‘ko. Ayaw ko’ng maapektuhan sila kaya mas nanaisin ‘ko na lumayo na lang sa kanya. Kahit masakit ay gagawin ‘ko para sa mga anak ‘ko.

“Bullshit!” he cussed at napahilamos sa kanyang mukha. “Kahit ngayon lang makinig ka Lillian, stop crying and calm down. Makakasama ‘yan kay Hendrix at Wynter.”

Napakunot ang noo ‘ko sa sinabi niya at may kung anong nag-alab sa loob ‘ko ng tawagin niya ang mga anak ‘ko sa mga dapat ay pangalan nila. “Stop it Ricci. Wala kang karapatan ‘yan ang tatandaan mo. Even to call their names ay wala.” Umiling ako at agad nang umalalay sa akin ang mga pinsan ‘ko at hinawakan ang balikat ‘ko.

“I didn’t mean it that way Lillian. I just want you to calm down dahil-“

“Enough Ricci!” sigaw ‘ko at halos mamaos na ako dahil lahat ata ng lakas ‘ko ay ibinuhos ‘ko doon. “I’m sick and tired of your repeating reasons! I’m tired of seeing the repetition of your actions! I’m tired of you Ricci! I’m tired of us talking pero wala namang pinapatunguhan! So please stop concerning yourself to me and move on without me!” pinalis ‘ko ang mga luha ‘ko bago ako tumalikod sa kanya at yumapos kay Ivo na nasa gilid ‘ko. Kailangan ‘ko ng kakapitan dahil pakiramdam ‘ko matutumba ako dahil sa sobrang panghihina at sobrang sakit ng dibdib ‘ko.

“Pre dumistansya ka muna kay Lillian, please. Maselan ang kondisyon niya.” Paaalala sa kanya ni Brent. Hindi ‘ko na muling tinangkang tignan siya at wala na akong narinig mula sa kanya.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon