Warning: SPG
Umalis si Ricci nang dumating si Brent, Kreezia at Andrei. Wala siyang sinabi sa akin nang umalis siya at inabala ang sarili niya sa pakikipaglaro na sa mga kaibigan niya sa pool. Dinig ko ang kantyawan at asaran ng Green Archers sa bawat pagbabasaan nila at kung titignan nga maigi ay parang sila ang may pa-party at hindi si Riley.
“You two talked?” tanong ni Brent nang tabihan niya ako. Nakatopless na siya at tanging board shorts na lang ang suot. Napansin ko na mas toned ang katawan ni Ricci kung ikukumpara sa kanya pero meron namang ibubuga si Brent.
“Not quite. Kinausap lang ako ni Riley, e sakto namang andyan si Ricci so…” sagot ko na tinanguan niya.
“Are you sure you don’t want to swim? May mababaw naman na part dyan.” pilit niya sa akin.
“No thanks.” I smiled and tapped his back. “Go on Brent, enjoy the party.” sabi ko na tinanguan niya. Ngumiti siyang muli sa akin at nagnakaw ng halik sa aking pisngi. Nagulat ako doon at pinanlakihan siya ng mata. Agad ko’ng tinignan ang mga tao sa pool at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala naman sa aming nakakita. I don’t want them to think na I’m jumping from one man to another. Hell I’m not even sure kung sino sino ang may alam ng issue namin ni Ricci. I just don’t want to be talked about dahil sa totoo lang nakakasawa na.
“Girl tara na! May extra swimsuit ako dyan!” aya sa akin ni Kreezia.
“Kreezia hindi nga ako marunong lumangoy…”
‘I know! E ako din naman. Tatalon talon lang ako sa tiles dyan para kung abot ko ay ma-enjoy ko. Tara na kasi!” giit niya at umiling ako.
“Kreezia I already said no.”
“Bagay ka talaga sa kumbento! Ewan ko sa’yo!” asar niya sa akin, uminom pa siya sa juice ko na nakapatong sa mesa bago siya yumapos sa katawan ng kanyang boyfriend na si Andrei na ngayon ay hubad na. I wonder anong pakiramdam ng may boyfriend. Would Brent and I do those kind of things too? I just can’t imagine it with Brent. Parang magkakasala ako kapag siya ang inisip ko na ginagawa ang mga bagay na ‘yan.
Sa nakalipas na mga minuto ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng pictures sa party na nagyayari sa bahay ng mga Rivero. Panay ang pa-cute ni Riley sa camera at ganoon din sina Brent at Andrei na agaw eksena lagi sa bawat kuha ko ng pictures sa kanila.
“Smile!” I exclaimed as I took a group photo of the team with Kreezia and Sabrina with their boyfriends and Riley in the middle. Ako ang napangiti habang tinitignan sila, napako ang tingin ko sa lalaking nasa may gilid ni Aljun, naka-ngiti siya sa camera at parang nakangiti na din siya sa akin.
I smiled and shook my head. I should just get used to the feeling na wala na siya sa sistema ko. Nitong mga nakaraang araw ay medyo nasasanay na ako na si Brent ang laging kasama ko. Masaya ako at laging natawa kapag kasama siya. Gusto ko siyang makasama lagi but I’m not sure if I want him to enter my life for good. It’s not like I’m scared or something pero gusto ko lang makasigurado. I wouldn’t want someone entering my life and leaving in a short span of time.
“How are you guys doing?” tanong ng isang babae na kararating lang. Suot niya ang isang long white dress na yumayakap sa kurba ng kanyang katawan at nginitian pa ang mga tao sa pool.
“Mom!” bati sa kanya ni Rash at agad na umahon ng pool para puntahan ang ina. So that’s their mom? Wow ang ganda at ‘di mukhang nanay!
“How’s the party?” tanong niya sa anak na kakalapit lang.
“It’s fine. We invited the whole team so…” palusot ni Rash at nagtaas agad ng kilay ang kanyang ina.
“Ang usapan ay kayo lang magkakapatid pero since andito na din kayo, it’s fine.” ngumiti siya sa lahat. Umahon ang iba pang nag s-swimming at bumati pa sa ilaw ng tahanan ng sambahayang Rivero.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
ФанфикA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017