Chapter 45: How Much Power Do I Have Over You

8.8K 360 101
                                    

Tinakbo ‘ko ang distansya namin ni Ricci pero bago ‘ko pa man sila maabutan ay hinigit na ako ni Kuya sa aking braso at nang tignan ‘ko siya at inilingan niya lang ako na para bang alam niya ang nangyayari. “Kuya let go of me! I need to talk to my boyfriend!” singhal ‘ko sa aking kapatid pero nanatili siyang nakatayo doon at matama akong tinignan.

“Wag na Lillian. Give him his space first.”

“Space? Kuya we’re fine the whole year kaya bakit siya hihingi ng space? Nasakal ‘ko ba siya? Hell we haven’t met each other that often dahil nasa ibang bansa ako!” sigaw ‘ko at tumulo na ang mga mahahapding luha na hindi ‘ko na muli gustong maramdaman pa sa aking pisngi.

“Lillian please-“

“No Kuya! Bakit niya pipiliin ang babaeng ‘yon?!” sigaw ‘ko muli at wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao dahil sawang sawa na ‘ko sa ganitong sitwasyon. Putangina paulit ulit na lang!

“Bunso let’s go home first okay? Hindi biro ang ginawa sa’yo ng babaeng ‘yon. Kailangan ‘to malaman nina Tita.” Malamig na sabi ni Kuya at hinatak na ako paalis doon kahit na labag sa kalooban ‘ko.

Pinilit ko’ng tawagan ang cellphone ni Ricci pero nakapatay na ito. Ang pag ngiti niya ng alanganin kanina sa akin ay hindi ‘ko nakuha kung bakit ganoon ang ibinigay niya sa akin. Dapat masaya siya e pero bakit ganoon ang sumalubong sa akin!

“Lillian stop calling Ricci-“

“Kuya may alam ka ba at pigil ka ng pigil? Let me do this please!” inis ko’ng singhal sa kanya at patuloy akong tumawag at nag send pa ng message kay Ricci kung anong nangyayari. Hell I don’t even know the real score between them! Ganito ba ang nangyayari sa buong taon na wala ako? So ano ako parausan niya? Hindi ako kakalma hangga’t hindi ‘ko nalalaman kung ano ang nangyayari dahil sawang sawa na ako’ng mangapa sa mga rason niya na aabutin na naman ng ilang araw bago ‘ko malaman.

Dumating kami sa bahay at dali-dali akong lumabas sa sasakyan at sinalubong naman ako nina Tita nang may ngiti pa sa labi pero hindi ‘ko ito nasuklian. I was fuming mad na hindi ‘ko magawa kahit ang simpleng pag ngiti pabalik sa kanya.

“Hija, what’s wrong?” tanong sa akin ni Tita at pinigilan ako sa paglalakad paloob sa bahay nang higitin niya ang braso ‘ko. Hindi ‘ko siya nasagot dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ‘ko. Ayaw ko’ng sirain si Ricci sa kanila pero ito na naman kami! Sa bawat saglit na sasaya kami ay ito na naman siya at may gagawing kung ano ng wala man lang pasabi! Hindi naman ako tanga at makitid ang utak para hindi ‘ko maintindihan ang mga rason niya! Kung wawasakin niya lang din naman ako, tulad ngayon, ay hindi ako mag-aatubili na sukuan na siya! Nakakapagod magpaka-tanga at baliwalain ng paulit ulit! Ilang beses ‘ko na ba siyang pinagbigyan at ilang beses na din siyang humingi ng tawad pero paulit ulit lang na ginagawa.

I know I’m over reacting dahil hindi ‘ko pa naman alam ang side niya pero ano ang magagawa ‘ko sa galit ‘ko ngayon? I can’t even think straight at baka magamit ‘ko pa sa kanya ang mga napag-aralan ‘ko sa med school para puntiryahin ang mga focal points niya at lumpuhin na siya ng tuluyan dahil sa sobrang galit!

“Leo what happened? Bakit galit ang kapatid mo?” tanong ni Tita kay Kuya, hindi pa din binibitiwan ang braso ‘ko.

“She met Kreezia earlier at tinutukan siya ng baril.”

“What?” Tita squeals at agad akong hinarap. “Hija sana sinabi mo sa akin agad! That psychopath!” galit niyang sabi na nagpakunot sa aking noo.

“What do you mean by that Tita?” tanong ‘ko.

Huminga si Tita at marahan ako’ng hinarap. “Let’s talk while we walk, doon tayo mag-usap sa loob-“

“No Tita I want to know everything right now. I can’t control my emotions at hindi ‘ko alam kung ano ang magagawa ‘ko dahil sa sobrang galit!” I confessed at nag ayos ng tayo. “Tita please tell me.” I requested with finality na tinanguan naman ni Tita.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon