Chapter 13: Favor

12.5K 433 135
                                    

‘Di ko tinangkang mag-aksaya ng luha para sa mga walang kwentang tao na ‘yon. I prefer to smirk and raise an eyebrow kapag makikita ko sila dito sa campus kaysa pagtuonan ko ng pansin ang mga walang kwenta nilang storya sa buhay.

“Bwisit!” sigaw ko nang makarating kami ni Kreezia sa condo. Gusto ko pa’ng manakit kaso mali naman ata na manakit ako ng paulit ulit.

“Lillian…” alu sa akin ni Kreezia, nilapitan niya ako at niyakap pa.

“I’m fine Kreezia.” sambit ko at nginitian siya. “Salamat kanina. You stood up for me, girl.”

“Naku wala ‘yon no. Kung ‘di mo nga lang ako pinigilan sa sinabi ni Michelle na insekyora ka sa kanya ay baka naisaksak ko na siya sa boxer ni Ricci! Jusko, di ko kayang makipag-plastican sa mga ganoong tao!”

Tumango ako at ngumiti. Napakapalad ko ata na may ganito ako’ng kaibigan. “Simula bukas ay magbabago na ang lahat Kreezia, I promise you.”

“Support kita dyan!” she answered cheerfully.

Gabi na ng magpasya ako na mag ayos ng gamit para bukas. Nauna na sa akin si Kreezia matulog dahil nawalan siya ng ganang mag update sa fan base na hawak niya para kay Ricci. ‘Di ko siya pinigilan at hinayaan siya matulog. Kung mapagpasyahan pa nga ni Kreezia na i-bash si Ricci ay tutulungan ko pa siya. Pero alam ko’ng ‘di siya ganoong tao. Mas pipiliin niya na manahimik kaysa manira ng tao.

Patapos na ako sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang aking telepono. Tinignan ko kung sino ‘yon at ipinakita nito ang pangalan ni Daddy; ang asawa ni Tita. Agad ko ‘yong sinagot at bumati ng magandang gabi sa kanya.

“Good evening din anak.” panimula ni Daddy at nagpatuloy. “Are you busy?” tanong niya.

“Di naman po Dad. Bakit po?” sagot ko.

“I want to ask you a favor kasi if it’s okay…”

“Oo naman po Dad, kahit ano.” may ngiti sa labi ko’ng sagot. Bihira kasi kami mag usap ng aking ama-amahan at ang makausap siya matapos ang nakakairitang araw ay talaga namang nakakakalma.

“Kasi nakita namin ang official fan base ng kaibigan mo na si Kreezia na nagpatrend at malakas ang hatak niya sa fandom ni Ricci Rivero, ‘yong basketball player ng La Salle?” agad na napaikot ang mata ko nang marinig ang pangalan ng lalaking ‘yon.

“Uhm… opo Dad fan siya ni Ricci e. Bakit po ba?”

“Yes, kasi we are planning na i-invite ang buong team nila para sa isang interview. E since kaibigan mo naman si Kreezia at sa tigin ko’y malapit ka kay Ricci dahil ang sabi ng team ay may picture ka pa nga daw kasama si Ricci noong camp ay ikaw agad ang naisip ko na makakatulong sa amin.”

“Dad, just get straight to the point.” reklamo ko at napaupo sa couch. “Are you saying na kausapin ko si Ricci at ang buong team ng Archers para sa interview na ‘yan?” I asked. I can feel acid raising onto my throat and I’m starting to feel irritated just by the thought of talking to Ricci again.

“Yes anak-”

“Dad, you have your men naman para gumawa niyan. Bakit pa po ako? Saka it’s not like wala kayong connections sa La Salle. The company is the largest broadcasting station in the country at napaka-imposible Dad na wala kayong magagawa dyan.”

“I know Lillian but ikaw na mismo nagsabi na gusto mo’ng matutunan ang negosyo na ito at balang araw ay ikaw naman din ang magmamana ng shares namin ng Tita mo. You know that don’t you?” agad ako’ng napasapo sa aking noo ng maalala ko ang dahilan kung bakit ako nag aral ng Business Management sa school na ito. “Come on Lillian, papasamahan naman kita sa mga tao namin pero gusto ko’ng maging hands-on ka sa project na ito. It’s perfect since alam mo naman kung saan ang lokasyon ng offices at saka isa pa, gusto ko’ng samahan mo ang buong team sa offices para makausap namin for briefing.”

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon