Sa pagdating ‘ko nga sa France ay agad akong sinalubong ni Crius at agad akong niyakap. He’s too sweet at hindi ‘ko mapigilan na mapangiti dahil andito ang kaibigan ‘ko na ito. He’s a very carefree man at hindi ako magtataka kung may mai-inlove sa kanya dahil sa katangian niya na ‘yon.
Mabilis na lumipas ang mga araw at bago ‘ko pa man mamalayan ay pasukan na naman. Sa bawat araw na lumilipas ay hindi ako nakakalimot na tumawag kay Ricci. Kahit na nasa training siya ay tumatawag pa din siya at napapasimangot na lang dahil miss niya na daw ako. Sa susunod nga nilang laro ay hindi siya sasali dahil sa kanyang paa pero kahit na ganoon ay nadalo pa din siya sa mga trainings nila para mag shoot.
Isang gabi, matapos ang klase ‘ko ay agad ko’ng binuksan ang laptop at nakita ko’ng online si Ricci. I giddily pressed the call button at inintay siyang sagutin ‘yon.
“Babe!” he cheerfully said as he answered the call.
“Hi! Kamusta ang araw mo?” tanong ‘ko at nakita ko’ng pawisan siya.
“Okay naman. I had a quiz earlier sa class ‘ko then after non nag lunch kami ng buong team saka na kami nagpahinga at dumiretso dito.” Paliwanag niya at nakita ko’ng umupo siya para makapag usap kami ng ayos. “Ikaw, kamusta na ang mahal ‘ko? Miss ka na ni Rivero.” Ngumuso siya at nagpa-cute pa sa camera.
Napangiti ako at ipinatong ang laptop sa kandungan ‘ko saka siya muling hinarap. “Okay naman. We did some introduction sa class namin at ni-orient na din kami kung ano ang mga mangyayari sa buong sem. Nakakalula nga at ang dami na agad expectations dahil last year na namin then after nito med proper na.” sagot ‘ko na tinanguan niya.
“Lillian are you okay with sea food pasta or should we order na lang? I’m starving kasi, ang daldal ng prof natin.” Said Crius barging into my room at sumandal pa sa hamba ng pintuan ‘ko.
“I’m fine with pasta marinara. Ikaw naman magluluto e.” kantyaw ‘ko na sinimangutan niya.
“Napakagaling mo.” Sagot niya sa akin at saka siya tumalikod at isinarado na ang pinto.
“That Crius is there?” sigaw ni Ricci at nang tignan ‘ko siya at halos sumabog na ang mukha niya dahil sa sobrang pula. Oo nga pala…
“Uh… yeah? E nakagawian na kasi namin na kumain ng sabay since wala naman siyang kasama sa bahay nila-“
“So ano ikaw ibabahay niya? Sasapakain ‘ko yang amerikanong hilaw na ‘yan!” sigaw niya na nagpangiti sa akin. Ricci is the cutest when he’s jealous.
“Ricci hindi siya American, okay? Saka isa pa, he’s not harmful.”
“Not harmful? Lillian lalaki pa din ‘yan for goodness sake!” sigaw niya at napahilamos sa kanyang mukha. “Pag-aawayan natin ‘yan. Wag mo’ng papuntahin ‘yan dyan.”“Ricci kaibigan ‘ko siya. Hindi naman pwedeng alisin ‘ko na lang siya sa buhay ‘ko dahil gusto mo.”
“So ako ang aalisin mo ganon?”
“What? Ricci wala akong sinabing ganyan.” Nairita na ako sa kanyang inaasta at ibinaba ang laptop sa kama. “Ricci pag-aawayan ba natin ‘to? May mga bagay na nagbago nitong mga nakaraang taon. Hindi naman pwedeng alisin ‘ko lang siya dahil lang gusto mo. He’s a part of my present now Ricci and he’s my friend.” I softly replied at doon ay pumungay na ang kanyang mata at marahan na tumango, tila gusto niyang intindihin ang sinasabi ‘ko.
“Fine babe.” He replied as if convincing himself that he’s okay with our set up. “I’m sorry. I just miss you so much at ang hirap ng long distance relationship. Simula pa lang nahihirapan na ako.” He confessed na nagpatunaw sa puso ‘ko.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
Fiksi PenggemarA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017