Chapter 23: Topu-Topu

11.4K 379 56
                                    

Wala ako’ng naramdaman na inis kay Ricci sa buong oras naming pagkain sa counter gamit lang ang iisang plato at iisang tinidor. This moment felt so right pero hindi ko maiwasan na maisip ang mga taong masasaktan namin. Paano si Brent? Paano si Michelle na patuloy sa pag-asa na mamahalin siya ni Ricci? Kahit naman naging sobrang init ng mga pag-uusap namin ay hindi ko pa din maiwasan na maisip ang kalagayan niya. Kung mayroon man ako’ng masamang habit ay ito na siguro ‘yon; ang isipin ang kapakanan ng iba’ng tao up to the extent na pati ang mga kaaway ko ay kinaaawaan ko. I’ve been through her situation and people can’t blame me kung kaawan ko siya dahil doon din ako nanggaling.

Iniligpit ni Ricci ang aming kinainan at mas pinili niyang wag na ako tumulong at baka makabasag pa ulit ako. Pinaupo niya ako sa sofa at sinabing hayaan na siya sa kanyang ginagawa.

Nakita ko ang wallet at cellphone niya sa ibabaw ng center table namin. Umilaw ito at doon nakita ko ang paglitaw ng pangalan ni Michelle at may text ito sa kanya. Binaliwala ko ‘yon at piniling manuod na lang ng TV.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na si Ricci sa paghuhugas ng pinggan. Tumabi siya sa akin at nanuod na din ng TV. Awkward silence was all over the place at hindi ko alam kung saan napunta ang tapang ko kanina.

“Nabusog ka ba?” tanong niya sa akin at nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitig niya.

Huminga ako bago siya binalingan. Nakangiti siya sa akin at hindi ko mapigilan na mapangiti din. Hindi ko alam kung anong nagbago sa akin pero parang natunaw lahat ng pader na itinayo ko para sa kanya, para hindi siya makalapit sa akin at maapektuhan ng ganito. Pero ito siya ngayon, tinatanong ako kung nabusog ba ako.

Kagabi nang kausapin niya ako at sabihin sa akin lahat ay parang tinunaw niya na ang puso ko. Maybe that’s all I wanted to hear from the beginning; ang mga nararamdaman niya at mapatunayan ko’ng totoo ‘yon.

“Yep.” sagot ko at ngumiti din.

“It’s good to see you smile again Lillian.” malumanay niyang sabi. “I just hope I made you feel better.”

“You did.” sagot ko na mukhang ikinagulat niya pa.

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim, hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. “I want us to talk. I want to take this opportunity para magkaayos tayo. I want us to talk things out na hindi natin napag usapan nitong mga nakaraang linggo.” hinayaan ko siyang magsalita para man lang maibsan ang pagkabagabag niya sa kanyang sarili. “I didn’t mean to sound so full of myself pero ang gusto ko lang makita ni Brent ay sa akin ka. I didn’t mean to ruin our friendship and believe me Lillian, hindi ko ginustong mahirapan ka ng ganito-”

“I know.” putol ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

“What do you mean you know?” tanong niya sa akin.

I bit my lower lip and decided to reveal it to him. “I heard you last night. I heard you talking to me and honestly, ‘yon lang naman ang hinihintay ko. ‘Yon lang naman siguro ang kailangan ko para makapagpatawad at maintindihan kung bakit mo ginawa ang mga ‘yon. I’ve been in a lot of pain at kagabi… hindi ko lang talaga kinaya dahil patong patong na. Nasaktan ko si Kreezia, nasaktan ko si Brent, nasaktan kita at pati na din si Michelle ay nasaktan ko. Marami nang nadamay sa mga issue ko sa buhay at sa totoo lang, nahihirapan na ako.”

“I’m sorry…”

“Don’t be.” I smiled and squeeze his hand. “Pareho tayong nagpakiramdaman at pareho tayong nagkamali ng intindi sa mga bagay. Pareho tayong kinain ng mga iniisip natin at ayoko na maranasan ‘yon ulit. Ayoko na nga sana. Ayoko na nga sanang sumubok ulit. Pero… ayon, naandyan si Brent at nagkamali ako ng magdesisyon ako at magbaka sakali na kaya niyang maibsan ang sakit na meron ako noon. Na baka lang naman kaya niya ako’ng pasayahin..” umiling ako. “Masyado ako’ng kinain ng inggit at sakit na umabot na sa puntong dinamay ko pa ang isang inosenteng tao at nag take advantage ako sa mga nararamdaman niya sa akin. Mali. Mali ang ginawa ko’ng ‘yon. I was too selfish to think na kaya niyang punan ang malaking butas na iniwan ng isang tao dito,” tinuro ko ang aking puso. “pero hindi e. Hindi niya nga ata natakluban ng kahit anong bagay na ginawa niya para sa akin ang butas na ito. I was wrong when I thought na ang sagot sa isang taong nawala ay isa pang tao na pupunan ang patlang na iniwan niya sa akin.”

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon