Chapter 56: Silence

10K 553 240
                                    

Bakit ganoon, kahit na anong gawing pananakit sa akin ni Ricci ay hindi pa din nawawala ang pagkaawa at pagmamahal ‘ko sa kanya? Naaawa ako dahil ‘di katulad ‘ko ay kasama ‘ko lahat ng kanyang mga kaibigan niya. Ang lahat ng mga nakakasama niya nitong mga nakaraang taon niya sa kolehiyo at kahit noong pagkabata pa ay sa akin lahat nagpupunta at nasama kahit na hindi ‘ko naman hinihingi. Ang makita ang ama ng aking mga anak na ganoon ay parang mas lalong dumurog lang sa puso ‘ko. Pero ano ang magagawa ‘ko kung ayaw niya naman? Hindi ‘ko na ulit pwedeng ipilit pa ang sarili ‘ko dahil lang ganoon ang nararamdaman ‘ko.

Naapektuhan non ang mood ‘ko dahil sa buong pagkain namin ay tahimik ako. Hindi maalis sa isipan ‘ko ang mata niyang malamlam at parang may libo libong mga salita na gustong sabihin pero hindi niya masabi. Hindi ‘ko din alam kung handa akong makinig ulit sa mga sasabihin niya pero hindi ‘ko din naman maatim na ganito ang kanyang tingin sa akin.

Naduwal ako nang walang dahilan habang nakain kami sa isang restaurant around BGC at agad akong tumakbo sa banyo para mailabas ‘yon.
L Ang sabi ng doctor ay kailangan ‘ko lang iwasan ang mga pagkain na nababahuan ako o umiwas sa posibleng stress sa aking paligid.

Umiling ako at agad na pinahid ang aking bibig bago ako ulit lumabas ng banyo. “Are you okay?” agad na tanong sa akin ni Ivo at Leesi na nakasunod na agad sa akin.

Napatawa ako sa mga ikinilos nila at umiling. “Guys I’m fine, wag masyadong praning pwede ba?”

“Aba masisisi mo ba kami? Unang mga pamangkin namin ‘yan Lillian.” Striktong sabi ni Leesi na nagpangiti sa akin at hinaplos ang tyan ‘ko. “Wynter, Hendrix, wag naman masyadong pahirapan ang mommy ha? Nakain nga siya para sa inyo e.” malumanay niyang sabi.

“Salamat guys.” I smiled at them at ngumiti naman sila sa akin pabalik bago kami naglakad ulit papunta sa table kung saan kami kumakain.

Nakita ‘ko na may pinagkakaguluhan silang lahat sa mesang ‘yon at nakatingin sila sa iPad na hawak ni Prince. “Oo na nga kumalma ka nga!” sigaw ni Prince at ibinaba na ang tawag.

“Sino ‘yon?” tanong ‘ko sa kanila.

“Naku si Rash, nangungulit na sasama daw siya sa susunod. Masyado kasing inaabala ang sarili sa Puerto Galera.” Sagot sa akin ni Prince.

“Bakit ano ba kasi ang ginagawa niya sa Puerto Galera? Wag mo sabihing nagbakasyon siya mag-isa doon?” nagtaas ako ng kilay bago umupo.

“He likes someone at ang layo dahil sa Puerto Galera pa talaga.” Umiling si Prince na nagpakunot ng noo ‘ko.

“Sino? Drop the name!” I asked giddily at humilig sa mesa. “Maganda?” tanong ‘ko.

“Well… she is. Pero I don’t like her attitude. She’s a little bit weird at medyo mataray parang itong si Ronachelle noon.”

“Hoy anong ako?” sita sa kanya ni Ronachelle na nagpatawa sa amin lahat nang kurutin niya si Prince sa braso.

“Totoo naman e. Ang sungit sungit mo kaya noon. Parang lahat ng konsumisyon sa mundo inangkin mo na.”

“Ganon?” nagtaas na ng kilay si Ronachelle at ngumuso na. Jusko mukha talaga siyang mascot ng Hen Lin!

“Joke lang naman HD.” Panlalambing ni Prince at umakbay pa sa nobya.

“Ayusin mo buhay mo JB sinasabi ‘ko sa’yo!” singhal niya na nagpatawa sa aming lahat.

“Teka, bakit JB and HD?” tanong ni Brent at pumangalumbaba pa sa mesa.

“HD kasi mukha siyang Humpy Dumpy.” Humalakhak si Prince at isang kurot ang ibinigay sa kanya ni Ronachelle. “Aray naman Chelle masakit naman!” inda nito.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon