“What flavour do you like?” tanong sa akin ni Zie nang makarating kami sa counter ng ice cream parlor na ito. Iniligid ‘ko ang aking mata sa buong menu na naka-display sa bandang taas ng counter at nakita ‘ko doon ang iba’t ibang ice cream na ino-offer nila. May mga ice cream na common flavors at mayroon namang may toppings pa at may chilli ice cream pa akong nakita.
“I’ll have strawberry ice cream with almonds.” Sagot ‘ko sa kanya at agad na niyang inorder ‘yon. “Magkano daw?” tanong ‘ko.
“It’s all on me.” He politely replied as he handed to the counter the five hundred peso bill.
Ngumiti ako sa kanya at nagpasyang ihanap na lang kami ng mauupuan. Nakita ‘ko ang isang table sa may tabi ng bintana at doon ‘ko napiling umupo at maghintay sa order.
Pinagmasdan ‘ko si Zie na ngumiti sa babae sa counter at ‘di ko maitatangging isa nga siyang mabait na tao. Oo, medyo strikto siya sa akin kapag nasa ospital kami dahil propesyon niya ‘yon at alam ko’ng hindi kami pwede magkamali sa pagbibigay ng gamot at lalo na sa pag-oopera.
Napabuntong hininga ako at nagpasyang abalahin ang sarili ‘ko sa social media account ‘ko na puro larawan lang ang makikita. I browsed through the posts at napatigil ako sa isang post na naka-tag kay Ricci. Sa larawan na ‘yon ay kasama niya ang mga bagong teammates niya sa isang team sa PBA at napansin ‘ko na siya ata ang pinakabata sa kanila. Nakita ‘ko ang sumagot ng tawag kanina at ang babae na si Bella na sinasabi nila at iba pang babae. Mukhang masayang masaya si Ricci sa kanyang tinatamasa ngayon at masaya ako para sa kanya pero hindi ata ako lubos na magiging masaya dahil sa nakita ‘ko. Once again, I was broken into million pieces at itinatanggi niya na naman.
Hope you had fun team! See you sa training bukas, wag masyadong galingan sa mga girls! Hahaha!
‘Yan ang nakalagay sa caption na mas lalong nagpalala ng speculations ‘ko. Siguro nga may trust issues ako sa buhay ‘ko pero hindi ‘ko na siguro talaga maiaalis ‘yon sa pagkatao ‘ko.
Isa lang naman ang hinihiling ko e; ang maging tapat siya sa akin. Siguro tapat siya, pero hindi palagi. Siguro nga mahal niya ako; pero minsan hindi sapat lang ang mahal lang. Napakadaming aspeto ng pagmamahal at nakakabaliw isipin na napakadaling baliin ng ibang aspeto para lang matupad ang iba.
They say that the higher the risk, the higher the return. Pero bakit ganoon, sumugal naman ako at tumaya ako kahit na ilang beses na akong nabigo? Sa bawat pagtaya ako ay muli lang ulit ako nabibigo. Sa bawat saya na matatamasa ‘ko ay doble ang ibabalik na sakit sa akin. Pero ito na ata ang pinakamasakit sa lahat dahil namanhid na ako ng tuluyan.
“Tulala ka na naman.” Puna ni Zie sa akin na kararating lang pala at dala ang ice cream namin. Ibinigay niya sa akin ang order ‘ko at umupo siya sa may harap ‘ko. “What are you thinking?” he asked na nagpaalala sa akin na madalas din tanungin ‘yon ni Ricci.
Nagpilit ako ng ngiti at umiling. “Wala. Pagod lang ako siguro kaya ganito.” Bumuntong hininga ako at sumubo na ng isa sa aking ice cream. Napapikit ako sa lamig at may kung ano doon na gustong gusto ‘ko.
Nagkwentuhan kami ni Zie at mas nakilala ‘ko pa siya ng lubos. Sa DLSU-D din daw siya nag-aral at dalawang taon na din daw sa ospital na ‘yan. Grumaduate siya with Latin honors kaya mataas ang expectations sa kanya ng kanyang mga kapwa doctor at ayaw niya din daw magkamali kaya siya strikto sa akin at sa iba pa.
Gumaan kahit papaano ang loob ‘ko nang maka-kwentuhan ‘ko siya. Maigi din pala na makipag-kwentuhan ka minsan sa mga taong matured na talaga at medyo matanda sa’yo para mas matuto ka sa mga bagay bagay.
Alas onse na nang magpasya kaming umuwi ni Zie at hindi ako nagsisi na sumama ako sa kanya. Naging magaan ang pakiramdam ‘ko kahit saglit. Kahit na alam ko’ng di naman talaga ito magtatagal dahil maiisip ‘ko pa din siya.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017