Buong tanghali kami namasyal ni Brent. Marami siyang kwento sa akin at napakadami niyang gustong ipakita sa akin na bago niya daw natuklasan na adventures. Ipinangako niya kasi sa akin noon na kapag nakauwi ako dito ay gusto niyang mag scuba diving sa Palawan at mag Trekking sa mga bundok ng probinsya.
Nabago ang sense of fashion niya na una ko’ng napansin sa kanya. Mas naging metikoloso siya sa mga damit niya ngayon at talaga namang mas lalo ako’ng namangha sa kanyang pagbabago. Kung mayroon mang hindi nag bago sa kanya ay ‘yon na siguro ang ilong niya.
Nag breakfast kami sa isang kilalang restaurant dahil sa kanilang pancakes. Napangiti ako ng mapait ng may maalala tungkol sa pancakes na agad ‘yong inalis sa aking isipan.
“What kind of pancake? Are we gonna pig out again?” asar na tanong sa akin ni Brent at nginisian pa ako ng nakakaloko.
“I’m gonna have a blueberry pancake with bananas.” simple ko’ng sagot nang tignan ang menu na nakalapag sa mesa. “Then hot mint tea.”
Nagtaas siya sa akin ng kilay nang tignan ‘ko siya at ngumiti. “Are you really serious na ‘yan lang ang kakainin mo?” kantyaw niya sa akin.
“Bakit anong problema?” natatawa ko’ng tanong. Alam na alam ‘ko na kung anong iniisip niya pero gusto ‘ko lang marinig mula sa kanya ang sasabihin niya.
“Wag ka na magpanggap. Alam na alam ‘ko kung paano ka kumain, piglet.” biro niya sa akin na nginusuan ‘ko lang.
“Tandaan mo ‘yang mga sinasabi mo sa akin ah.” banta ‘ko sa kanya na tinawanan niya lang.
“I’m sorry okay? I just missed teasing you.” dahilan niya at saka na siya nagkwento ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa nakaraang tatlong taon ng buhay niya.
Naging mahirap daw ang training niya sa pagiging vice captain ng kanilang team. Sobrang pressure ang nasa kanya at pati na din daw sa kaibigan niyang gustong gawing champion ulit ang La Salle. Kinwentuhan niya din ako tungkol sa mga past relationships niya. Sumubok siya na pumasok sa ibang relasyon pero hindi niya magawang magtagal dahil may hinahanap daw siya na kung ano.
Ngayon ay may nililigawan daw siya. Isang babae na nag ngangalang Sherlyn ang sinabi niya sa akin. The name sounds familiar pero hindi ‘ko matandaan kung saan ‘ko narinig ang pangalan na ‘yon.
Natapos kami na kumain at mamasyal sa kung saan saang parte ng Quezon City. Nakalimutan ‘ko na din ang antok ‘ko kanina nang ayain niya ako kung saan saan. Nagpunta kami sa arcade nang matapos kami maglibot sa mall nang umaga ding ‘yon at inaliw namin ang sarili namin sa paglalaro doon ng kung anu-ano.
Inalis ‘ko muna ang posibilidad mamaya sa pag-uwi ‘ko na may sama pa din ng loob sa akin si Dad. Hindi talaga ako kinausap ni Dad kahit noong tumatawag ako kay Tita para mangamusta. Sobrang hirap pala na kumbinsihin ang sarili mo na ayos ka lang doon sa ibang bansa kahit na ang totoo ay nakakalungkot mag-isa at walang kamag-anak na kasama. Ganoon siguro ang pakiramdam ng mga OFW na nagtatrabaho din sa abroad para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Nakabalik kami ng kotse ni Brent nang mga alas dose na ng tanghali. He started the ignition but before he could step on the gas, his phone rang. It was a facetime request from Ricci na agad ko’ng binaliwala. I should act normal dahil matagal na namang tapos ang sa amin. Siya na ang tumapos kaya bakit ako maiilang?
“May I?” asked Brent, hesitance was evident in his voice.
“Sure.” I confidently said at humilig sa upuan at pinanuod siyang sagutin ‘yon. Ipinatong niya ang cellphone niya sa isang hawakan na ngayon ‘ko lang nakita. Nakakabit ito sa dash board ng sasakyan at doon ay pwedeng ilagay ang cellphone na hindi na lalaglag. “Yes bro?” tanong niya dito.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017