The next few days were okay, naging mas komportable na ulit ako kay Ricci. Pinandigan niya ang panliligaw niya sa mga araw na magkasama kami. Iniwasan namin na magkita kapag nasa training siya dahil magkakagulo lang at makakasakit kami.
Hindi ako pinapansin ni Brent at Kreezia sa tuwing makakasalubong 'ko sila. Si Kreezia ay laging kasama si Andrei at kung minsan ay nasama si Brent sa kanila kapag may libreng oras ito. Nami-miss ko na 'yung best friend ko. Gusto ko na siyang kwentuhan ng kung anu-ano. Gusto ko na siyang makita ulit na mang-asar at sobrang tahimik ng unit namin kapag wala siya.
Huwebes ng umaga ay pumunta ako sa La Salle para ipasa ang papers na pinapapasa ng prof ko ng alas otso sa kanyang table. Inilapag 'ko ang papers na hinihingi niya na ipasa bago ako lumabas ng faculty.
Sa aking paglabas ay nakasalubong 'ko si Brent, dala ang kanyang mga gamit para siguro sa unang klase. Tinapunan niya ako ng tingin at agad na nagiwas ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad. Gusto ko siyang kausapin pero alam ko'ng kailangan niya ng space. Kinailangan ko ito noon at malugod niyang ibinigay bago siya ulit lumapit sa akin kaya bakit ko ito ipagdadamot?
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang prof ko sa Rizal at tumigil siya para siguro kausapin ako. "Miss Dela Cruz, can I ask you a favor?" tanong niya na tinanguan ko. "Naiwan kasi ni Miss Capricio ang book niya kahapon sa table niya. I was wondering where could I find her pero buti na lang at nakita kita." iniabot niya sa akin ang libro ni Kreezia na may naka-dikit pang pangalan niya sa harap na parang grade 1 ang nagmamay-ari nito.
"Okay ma'am ako na po ang bahala, salamat po." sagot ko at umalis na siya.
Honestly hindi ko alam kung paano ko ibibigay kay Kreezia ang libro niya pero sana ito na ang maging daan para magkabati kami. I kept on texting her kung nasaan siya at kung saan siya nag s-stay pero wala ako'ng nakukuhang reply sa kanya. I tried calling her too pero sa bawat pagtawag ko ay ini-ignora niya lang lahat ng tawag ko.
Pauwi na ako at palabas na ng La Salle nang makasalubong ko si Andrei dala ang kanyang bag sa isang kamay. Agad ko siyang nilapitan at kinausap. "Andrei." tawag ko at tinignan niya lang ako, malamig ang tingin sa akin na para bang may nagawa na naman akong mali. "Drei can you tell me where Kreezia is? I just want to talk to her."
"Wala siya ngayon sa school." maikli niyang sagot.
"Andrei please tell me kung nasaan siya. Pinapabigay ng prof namin sa Rizal ang libro niya and gusto ko na din siya makausap. It's been days so please tell me kung nasaan siya."
Huminga siya at matama ako'ng tinignan. "I don't know Lillian... masyado siyang nasaktan sa mga sinabi mo noon e and I don't want her to be in pain, just like how Ricci protected you and wanted you to save from pain. Hindi ako gagawa ng hakbang na ikaka-sakit niya pa." umiling siya.
"Drei I'm just going to talk to her. Inaayos ko na ang lahat kaya please sabihin mo na sa akin..." pagmamakaawa ko.
Ilang sandali pa ang inabot na parang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinasabi ko bago siya napabuntong hininga. "She's in my dad's condo. Wala namang naandoon kaya doon ko na lang muna siya pinatuloy at least I know she's safe."
"Where's your condo? Please Drei tell me gusto ko na rin maayos 'to..." pagmamakaawa ko na tinanguan niya.
"Malapit lang din dito. Sa may building sa starbucks near harrison." he confessed na nagpangiti sa akin.
"Salamat! Salamat Drei! Promise aayusin ko 'to."
"Don't stress her too much at piliin mo ang mga sasabihin mo. She's sick right now at iniwan ko lang siya para mag exam sa isang subject at babalik na din ako mamaya." paalalam niya na tinanguan ko bago ako umalis na papunta kay Kreezia.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017