Chapter 4: Be My Fan

14.5K 567 67
                                    

Pinanuod ko siyang maglakad papalayo kung saan nagpunta si Brent. Mabigat ang mga hininga ko at halos di na ata ako makahinga. Gusto ko’ng sumagot at magtanong kung anong ibig niyang sabihin pero para akong nanghihina.

Pumasok na ako sa condo makalipas ang ilang minutong pag iisip kung ano bang ibig niyang sabihin doon. I was really not expecting that kind of attitude from him. Masaya na siya kanina nang dumating siya at bigla na lang siyang nainis at ‘di na siya makausap ng ayos.

Ay malay ko sayo Rivero, hindi ako manghuhula!

Sumalampak ako sa couch kung saan naandoon si Kreezia at kilig na kilig na tinweet ang kanilang picture ni Ricci kanina pagtapos ng practice game nila. Minu-minuto ay tinitignan niya kung ilang likes and retweets na ba ang nakuha niya dahil sa picture na ‘yon. Kaunti na lang ay iisipin ko nang famewhore ang isang ito.

“Kreezia.” tawag ko sa kanya at nilingon niya naman ako. Ipinakita ko sa kanya ang tickets na ibinigay sa akin ni Ricci.

“What are these tickets for?” taka niyang tanong.

“Ricci gave it to me. Pinapasama tayo bukas manuod ng sine.”

“Oh my God! Double date! Ako kay Ricci ikaw kay Brent!” she said as giddy as she can be. Umiling ako at napasandal na lang sa couch. “Omg, anong isusuot ko? Wala ako’ng isusuot!” sigaw niya at tumayo na.

“You have many dresses there and blouses. Okay na naman siguro ‘yon for an ordinary movie date… kung ‘yon man ang tawag mo doon.”

“Lillian, this is not an ordinary movie date! Kasama ko ang babyloves, honey bunch, baby babe or bebemon ko! My gosh!” tili niya at tumakbo na papunta sa kwarto niya para maghanap na ata ng damit na susuotin niya.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkakalikot ng cellphone ko. Naisip ko na naman ang malalalim at expressive na mga mata ni Ricci. I felt so uncomfortable just by looking at them. Feeling ko malulunod ako at ‘di na makakaalis sa mga titig niya kapag ‘di ako bumitiw ng maaga.

“I wonder kung anong ginagawa non ngayon.” I said and sighed. Before I knew it, I was typing his name in the search bar of twitter.

Lumabas ang isang account na maraming followers at finallow ko ‘yon. I reviewed his tweets at may recent tweet siya 2 minutes ago.

@RicciRivero06: Feeling uncomfortable. Need to release some steam.

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko at nag browse pa ng mga tweets niya pero ‘yon lang talaga ang naiiba dahil halos lahat ay puro pictures niya lang or mga tweets niya sa mga fans niya na nagiintay na ma-notice niya. I even saw a tweet saying “Sawa na kami sa hopiang asado!”

Napailing ako at napangiti sa nabasa. Mahirap naman siguro ang pansinin lahat ng fans niya dahil ilang libo ang followers niya ano?

Initsa ko ang telepono sa mesa at nagdesisyon na mag aral na lang ngayong gabi para bukas ay wala na akong aalalahanin kapag umalis kami papuntang mall. Well I never wanted to come to that movie pero feeling ko alam ni Brent ito at ayaw ko naman na walang kasama din si Kreezia. Not to mention na ang daming mga lalaki doon kung magkakataon na matutuloy ang buong team sa panunuod ng sine.

Kinabukasan, maaga pa lang ay kumain na agad si Kreezia at nauna pa umalis sa akin para magpa-wax ng legs niya dahil balbon siya kaya medyo mabilis tumubo ang hair niya sa legs. Kabaligtaran naman ako ni Kreezia dahil ni buhok sa kili kili ay ‘di ako masyado tinutubuan. Kung meron man ay agad ko’ng ipinapa-wax.

Nag text din sa akin ng maaga ang isang ‘di kilala number at nagpakilalang si Brent ito. Susunduin niya daw kami dito sa condo ng ala una ng hapon dahil alas dos ang start ng movie.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon