Chapter 38: You're All That Matters To Me

11.2K 425 65
                                    

Nakakadismaya na ang inakala ko’ng pagiging masaya ‘ko, sa isang iglap ay nawala lahat. Napuno ng panghihinayang ang puso ‘ko at ang buong pagkatao ‘ko. Kung mayroon mang masakit sa isang paghihiwalay ay ‘yon na siguro ang makita mo’ng may kasama siyang iba at ang salitang mamumutawi sa bibig mo ay ang salitang “sayang”.

Umuwi ako ng bahay para magpahinga, mugto ang mga mata at tila hindi na naman ako makakausap ng matino. I told myself that I’m done pitying myself but here I am regretting everything that I have said and done.

I never really wanted Ricci to mark the end of our relationship. I just want the label and I thought the label is all that matters years ago. Pero hindi pala… ang tanging kailangan lang sa isang relasyon ay kayong dalawa at ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa. I was too selfish and self-centred to realize that it’s not only me hurting but Ricci too. I was always thinking of myself because of the tragedy that happened years ago at bago ‘ko pa man malaman ay naitulak ‘ko na ang kaisa-isang tao na handang gawin ang lahat para sa akin. He even waited for me for years pero binigo ‘ko siya!

Naligo ako sa gabing ‘yon at pinili ang pinaka-komportableng damit na mayroon ako sa aking closet. Kahit man lang sa damit ay maging komportable ako.

Napatulala ako sa kisame habang iniisip ang mga salitang sinabi niya sa akin. Alam ko’ng hindi siya nagsisinungaling sa mga sinabi niya at sincere siya sa lahat ng mga bagay na gusto niyang malaman ‘ko na hindi niya nasabi sa akin noon. Gusto ‘ko ulit bumalik ang dati na parang wala ng nangyari pero paano ‘ko gagawin ‘yon kung ang tanging tao na dahilan ng pagkawasak ‘ko ay ang tanging tao din pala na makaka-buo sa akin?

After all the years that have gone through, siya pa rin pala at walang ibang nakapalit sa kanya. Si Crius na lagi niyang binabanggit ay isang kaibigan lang talaga sa akin. Mas maigi kasi minsan na panatilihin ang pagkakaibigan kaysa pillin mo’ng gawing mas malalim pa ito at sa huli ay pareho kayong mawawalan.

Dalawang linggo na lang pala at babalik na ako sa France. Parang kulang na kulang pa din ang pagbisita ‘ko dito sa Pilipinas. Wala sa plano ‘ko ang magusap pa kami ni Ricci.

Tanging ang mga dating kaibigan ‘ko lang at ang mga nakalakhan ‘ko nang mga magulang ang pakay ‘ko sa pagbisita ‘ko. I never thought that having a talk with Ricci would turn everything upside down and this complicated!

Isang umaga ay nagising ako sa ingay sa loob ng kwarto ‘ko. Nang tignan ‘ko ang nangyayari ay nakita ‘ko si Leesi at Ivo na inilalagay ang ibang mga damit ‘ko sa isang bag. Naging sobrang komportable na naming magpipinsan sa isa’t isa at sa totoo lang hindi na nila kailangan ng permiso ‘ko kung papasok man sila sa kwarto ‘ko o hindi.

“Leesi ano ‘yan?” tanong ‘ko habang bumabangon at nagkusot ng mata.

“Goodness, buti na lang at gising ka na. We’re going to our resort today dahil isang linggo ka na lang dito hindi ba?” tanong niya na tinanguan ‘ko. “So might as well help us na para we can go already.”

“Leesi I’m not in the mood.” Reklamo ‘ko at hinayaan sila sa kanilang ginagawa.

“Lillian ang hilig mo mag stay sa bahay at sa nakaraang linggo ay nagkukulong ka lang sa kwarto mo. Ano ba’ng problema mo?” seryoso niyang tanong at hinarap ako. “Spill the beans.” She said, persuading me to talk.

“Leesi I have issues okay at sobrang gulo lang talaga.” I confessed.

“Nabanggit nga sa akin ni Brent.”

“What?” agad na naagaw non ang atensyon ‘ko. “Anong sinabi sa’yo ni Brent?” tanong ‘ko sa kanya. Noong isang araw kasi ay naikwento ‘ko lahat kay Brent at wala siyang ibang sinabi sa akin kundi “follow my heart”. E sa bawat pagsunod ‘ko sa puso ‘ko ay mas lalo lang akong nasasaktan. I never really wanted to be like this pero anong magagawa ‘ko? Andito na ako sa sitwasyon na ito at muli, hindi ‘ko na naman alam kung paano ako makakalabas sa kulungan na nilaglagan ‘ko.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon