Mabilis na lumipas ang mga araw sa camp. Nanakit ang mga parte ng katawan ko pero normal naman ‘yon kapag nag work out ka. Sari-sari din ang mga activities na pinapagawa sa amin. Kung minsan ay bigla na lang kaming pinapag-push up ng sampung beses at kung minsan pa nga ay papatakbuhin lang kami ng dalawag laps sa buong camp.
Dumating ang pang-anim na araw namin sa camp. Sinimulan ulit ‘yon sa isang morning jog at sa mga nakaraang araw ay nasanay na talaga ako sa presensya ni Ricci. Nasanay na ako sa bawat pabago-bagong mood niya. Kadalasan ay medyo caring siya at gentleman pero kadalasan ay tinotopak pa din.
Umupo ako sa damuhan ng field at pinagmasdan ang mga puno sa di kalayuan na sumasabay sa hampas ng hangin. Suminghap ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
“Penny for your thoughts?” sabi ni Ricci na kararating lang din bago tumabi sa akin.
Nginusuan ko lang siya bilang sagot at itinuon ulit ang atensyon sa mga puno. “Ang saya sa camp na ‘to.” wala sa sarili ko’ng sabi at bumuntong hininga. “Last day na natin dito bukas…”
“Don’t you wanna go home?” tanong niya sa akin.
“Ayaw pa sana…” sagot ko ng ‘di siya binabalingan. “Natatakot ako bumalik.” I confessed.
“Saan ka naman natatakot?” tanong niya at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nahiga siya sa damuhan.
Umiling ako at ‘di na siya sinagot. ‘Di niya kailangan malaman kung ano ang mga kinatatakutan ko. Maigi na ako lang ang nakakaalam. It’s better this way para ‘di kami magkapaan kung sakaling pagbalik namin ng Manila ay ganito pa din kami o kung ano.
Napagdesisyunan ko na mahiga sa tabi niya pero bago pa lumapag ang ulo ko sa lupa ay naramdaman ko na ang braso niya na sumalo sa akin. Tinignan ko siya at nakapikit na siyang ngumiti. Iba talaga ang isang ‘to.
Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari at ipinikit na din ang mga mata ko para damahin ang simoy ng hangin. Tanging mga huni lang ng ibon at lagaslas ng mga dahon ang narinig ko. Ang sarap pakinggan ng tunog nila, parang pakiramdam ko ay mare-relax ako kahit anong gawin nilang tunog.
“Will you change when we go home?” tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Dumilat ako para tignan siya. Nagulat ako nang nakatingin na pala siya sa akin. Mapupungay ang mga mata niya nang tignan ako. Kitang kita ko doon ang halo-halong emosyon na gusto niyang sabihin pero ‘di niya magawa.
“Anong magbabago? Sino? Ako?” sunod sunod ko’ng tanong na tinanguan niya, nanatili kami sa ganoong posisyon. “Bakit naman ako magbabago? We’re friends now Cci.”
“Cci?” tanong niya nang tawagin ko siya ng ganoon.
“Cci for Ricci.” kibit balikat ko at nasilayan ko ang pag ngiti niya.
“I like that.” sagot niya at lumapit sa akin ng kaunti. “Basta kapag umuwi tayo sa Manila walang magbabago ha? Wag mo na ‘ko susungitan.”
“Sino ba nagawa ng dahilan para masungitan?” tanong ko.
“Ayan na naman siya…” reklamo niya na ikinatuwa ko.
“Hey lovebirds.” tawag sa amin ng kung sino sa ulunan namin. Tiningala namin ‘yon ng sabay ni Ricci at nakita namin si Prince na nakapamulsa at nakatingin sa amin. “Bangon na dyan at magsisimula na mamaya ang bonfire confession.”
“Mamaya pa’ng alas sais ‘yon diba?” tanong ni Ricci at ‘di pa din kami tumatayo.
“5:30 na daw sabi ng profs. Get your letters ready at sasabihin nila kung ano ang gagawin niyo. Tara na, bumangon na kayo. Mukha kayong lovebirds na kakatapos lang. Alam niyo ba ‘yon?”
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017