Chapter 49: Kiss Mark

10.8K 479 96
                                    

Reminder: Guys don't skip the kissing part. Walang SPG. Sinabi ko na para ma-enjoy nyo haha.
-----
Nagdaan ang gabi na ‘yon na masaya kaming dalawa. Sobrang galing niya mangumbinsi ng tao na ultimo ang Kuya ‘ko ay nakontyaba niya na wag sabihin sa akin ang lahat ng ito. Hindi ‘ko din alam kung paano niya nagawa ang lahat ng ‘yon na kahit ang salamin sa ibabaw ng swimming pool ay naisip niya pa. Medyo may kalawakan nga ang swimming pool namin dito sa bahay pero hindi ‘ko akalain na maiisip niya pa ang ganoong gimik.

We cuddled all night nang matapos kami sa pagkain ng gabing ‘yon. Naupo kami sa inihanda niyang tela sa may garden namin at may inilabas din siyang mga unan saka siya humiga at pinahiga ako sa kanyang braso. “Are you happy?” tanong niya at naramdaman ‘ko ang paghalik niya sa aking buhok na nagpangiti sa akin.

“Very happy.” I answered, satisfied as I nuzzle his neck. “Cci I have something to say to you…” I started at naramdaman ‘ko ang pagkakyuryoso niya nang iharap niya ako sa kanya.

“What is it?” tanong niya.

Suminghap ako bago nagsalita. “’Di ba nasabi ‘ko naman sa’yo na sa DLSU-Dasma ako mag med-proper hindi ba?” panimula ‘ko.

“Uh-huh. Bakit anong meron sa pag take mo ng residency doon? May conflict ba?” tanong niya na agad ko’ng inilingan.

“Wala naman. There’s a tiny problem lang na gusto ‘ko sabihin sa’yo.” Umupo ako at ganoon din siya na seryoso na ang pagkakatingin sa akin. “Siguro baka hindi muna natin makita ang isa’t isa starting next week. Baka every weekend na lang.”

“What? Why?”

“Eh kasi Dasma is quite far from Manila so Tita and I decided na we’ll take a condo para doon muna ako. Ang hirap kasi bumyahe ng pabalik balik. Imbis na ‘yung ibabyahe ‘ko ay ipinapahinga ‘ko pa sa condo.” Tumingin ako sa kanya na ngayon na nakanguso na sa akin. “Sorry babe.”

“It’s okay.” He cheered me up at inakbayan ako bago ako hinatak para yakapin. “It’s for you naman so I guess its fine. There’s cellphone naman and I got tons of things to do din so I guess we can meet every weekends na nga lang.” pinagsiklop niya ang mga kamay namin at matama akong tinignan. “Babawi si Rivero sa’yo next time okay?”

“Ricci this is more than enough…”

“But you deserve the world my love.” He smiled at me at hinalikan ako sa pisngi. “Sabay tayong uunlad at lahat ng gusto mo susuportahan ‘ko.”

Parang tinutunaw ang puso ‘ko sa mga salitang binibitiwan niya at wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya at halikan siya ng halikan. He came to my life and saved me from the darkness that has been enveloping me for years. Mali siya nang sabihin niyang ako ang ilaw niya tuwing naliligaw siya dahil all this time, it was him who led me to where I am right now. Lahat ng ito ay dahil sa mga ginawa niya para sa akin. Hindi niya ako muling sinukuan pa at ‘yon ang hinahangaan ‘ko sa kanya. I will truly cherish him for the rest of my life dahil sa mga bagay na ‘to.

Dumaan ang isang linggo at naging abala kami ni Ricci sa kanya kanya naming mga gawain. Siya ay naging abala sa unang branch ng kanyang gym kung saan kami nag-usap matapos ko’ng umuwi dito sa bansa. ‘Yon pala ang gym na pinagdalhan sa akin ni Michelle at hindi ‘ko man lang alam na kay Ricci pala ‘yon.

Ang sabi niya ay nanghiram muna siya sa ama niya ng capital para doon at babayaran niya na lang kapag kumita na ang gym. Madaming factors ang dapat i-consider sa pag tatayo ng ganoong business. Isama mo na doon ang salary expenses mo sa mga empleyado, sa mga equipment, permits at trainers na gagabay sa mga tao na gagamit ng gym na ‘yon.

“Babe, where you at?” tanong sa akin ni Ricci, linggo ng umaga nang paalis na ako papuntang Cavite.

“Nag-eempake na ako papunta na ng Cavite. Why? Do you have something to say? Kita muna tayo?” tanong ‘ko at itinigil muna ang ginagawang paglalagay ng mga gamit ‘ko sa maleta.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon