Chapter 22: Pancake and Strawberries

12.8K 411 79
                                    

Parang binayo ng kung ano ang dibdib ko sa disappointment at sakit na gumuhit sa mga mata ni Brent nang talikuran niya ako. Gusto ko siyang habulin pero alam ko’ng hindi kami makakapag-usap ngayon. Hindi kami magkakaintindihan kung ngayon kami mag uusap. I messed up and I can’t blame Ricci dahil katulad ko, may nararamdaman din siya pero hindi ko lang alam kung ang nararamdaman niya ba talaga sa akin ay totoo din or he’s just after the chase.

Pinalis ko ang mga luhang pumatak sa aking mga mata at mas piniling pumunta sa aking klase na nagsimula na trenta minutos na ang nakakalipas. Siguro naman papapasukin ako since ngayon lang naman ako male-late.

Tinahak ko ang hallway ng building namin ng nakayuko. Parang wala ako’ng mukhang maihaharap sa mga taong titingin sa akin ngayon. Kung dati ay hindi ko naman iniisip ang mga sasabihin nila, ngayon ay naiisip ko na dahil nahihiya ako sasarili ko. What have I done? Ano ba itong pinasok ko? Is it really this hard to find love? Kaya ba maraming nagloloko na partners at kahit mag-asawa na ay nagagawa pa ding magloko? Does feelings really change after a short period of time? Bakit ako gulong gulo gayong gustong gusto ko na lang makalimot at parang isang computer na gustong mag reset na lang.

Kumatok ako sa pintuan ng aking unang klase bago ko binuksan ito. Agad na tumama sa akin ang tingin ng aking mga kaklase at ganoon din ang prof ko sa subject na ito. “Sorry ma’am I’m late.” I apologized as I enter the room.

“This is the first and last time that I’ll be accepting you in my class. No more late comers, understood?” strikto niyang sabi sa akin na tinanguan ko.

Tahimik ako’ng naupo at nakinig sa discussion ng aking prof. Pinilit ko’ng wag mag space out sa kanyang klase dahil alam ko’ng may kaparusahan na kaakibat ang hindi pakikinig sa kanya sa loob ng klase.

Nang matapos ang una at huling klase ko para sa araw na ‘yon ay sinikop ko na ang mga gamit ko para makauwi na. Wala din naman kaming usapan ni Brent ngayon na magkikita kami dahil galit nga siya sa akin. Masyado na ako’ng nasanay sa pagiisa. It’s like a daily cycle for me na babangon ako para lang mamuhay ako, pero nitong mga nakaraang taon na wala ang aking mga magulang ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko.

Honestly, I took this course for the sake of my Daddy. Hindi ko ito gusto at hindi ko din gustong mag manage ng business na hawak nila ngayon. Pero alam ko’ng ito ang makakapagpa-prove ng worth ko sa kanila at akala ko ay para sa sarili ko na din na may direksyon pa pala ang buhay ko. Na may mga plano pa pala ako sa buhay ko.

Discouraged, I walk passed all the rooms and saw people whispering a few feet away from me. Alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila at mas pinili ko’ng manahimik. Para ako’ng nawalan ng lakas sa mga sinabi ni Brent sa akin. He’s done nothing wrong at ito siya nasasaktan ko na pala.

“So the bitch finally showed up.” said a woman’s voice na hindi ko na pinakinggan at pinagbalingan pa ng atensyon ko. Gusto ko’ng mapag-isa at malunod sa sarili ko’ng mga problema. I want to have my space again. I want to have my freedom again na hindi dumedepende sa iba. “Hey!” sita niya sa akin at hinigit ang braso ko para maharap niya ako ng mabuti. “Are you ashamed now? Grabe ka din e ‘no? Nagawa mo talaga mamangka sa dalawang ilog?”

“Michelle please I don’t have time for your rants-”

“Well I have plenty of time so listen to me!” sigaw niya at mas dumiin pa ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Ricci broke up with me and it’s all because of you! Nililigawan ka na niya hindi ba? At napaka-kapal naman ata ng mukha mo para payagan siya gayong nanliligaw sa’yo si Brent!”

“Let go of me.” iritado ko’ng sabi pero hindi niya ginawa. Doon ko na siya tinignan sa mata at kitang kita ko ang pagka-irita niya sa akin.

“Why should I? This is finally my revenge. Now I have all the reasons to hate you! You relationship wrecker!” bintang niya, para na siyang sasabog sa galit. “Tama nga naman ang sinasabi ng iba na kung anong puno, siya ang bunga. Hindi ba ang tatay mo ay-”

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon